Worlds Apart

181 7 6
                                    

                             Hindi ko naman talaga sya mahal. Talagang may naalala lang ako kapag nakikita ko sya.

       

                             Kilala ko sya. Sa totoo lang, kilala sya ng lahat dito sa school namin. Siya kasi yung tipo ng lalaki na marami yung nagkakacrush. Ako? Sabihin na nating ako yung tipo ng estudyante na hindi naman medy napapansin ng tao. Malapit na kaming umalis dito, pero hindi ko pa rin kilala yung iba sa mga batchmates ko.

                            Hindi naman ako loner. Tunay naman yung mga kaibigan ko. Nakakasundo ko naman mga classmates ko. Pero sa tingin ko, hindi nya alam kung sino ako. Hindi naman kami naging magkaklase at lalung-lalo nang hindi nakikipag-usap sa isa't-isa. Pader lang naman yung pagitan niya sakin, pero parang nagiging mundo yung pader. Sabi nga naman ng mga lovesick: "We're worlds apart."

                        

                          Naguguluhan ako, kasi hindi naman ako yung tipo na magkakagusto sa mga ganyang klaseng lalaki. Yung lalaking gwapo, matalino, misteryoso, sersyoso, at crush ng bayan. May mahal na akong iba, at 'mahal' talaga. Pero wala na siya dito. Bakit nya ako iniwan? Hindi na makatarungan to.

                     

                            Naaalala ko pa nung una ko syang napansin. Kasama ko yung mga kaibigan ko. Tumatambay lang, nagkukwentuhan. Dumaan siya,ang astig ng lakad niya, sersyoso mukha nya. Napatingin lang ako sa kanya; napatitig. Iniisip ko kung anong mga bagay kaya yung nasa isipan ng ganung klaseng lalaki. Kung bakit parang lagi syang seryoso.  Curious laang talaga ko. Kamukha pa kasi talaga nya yung isang character sa game na nilalaro ko. At dahil nga mahilig akong gumawa ng plots ng stories sa utak ko, inisipan ko din sya ng plot. Siguro action kasi ang cool cool nya. Siguro romance. Palagi namang romance.

                          Hindi ko lang alam na hindi lang pala sya yung ginagawan ko ng plot. Kami na pala yung ginagawan ko ng plot. Di ko muna masyadong pinansin. Kasi nga may mahal na talaga ko at imposibleng sa mga tipo pa niya ako mahulog.

                           Kung alam ko lang, pinigilan ko na sana yung sarili ko. Kasi dun na pala magsisimula ang lahat.

                        

                           Ngayon, lagi nalang sya yung nakikita ko. Malaks yung tibok ng puso ko pag dumadaan sya. Parang nalulula ako pag nakakasalubong ko siya. Pero alam ko na ako lang yung ganon yung nafefeel. Sa gwapo nyang yan, kahit sinong babae papatol sa kanya. Simula't-sapul naman alam kong unrequited love to.

                          Kanina nung flag ceremony, hindi ko magawang hindi tumitig sa kanya. Kahit iba section nya at ang layo nya sakin.  Ang sakit ng puso ko.

                         Bakit sayo pa?

                         Hanggang dito na lang ba?

                      Natawa nalang ako sa sarili ko. Umaasa pa ba ako?

                   Hindi na. Kasi kuntento  na akong pagmasdan ka mula sa malayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worlds ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon