Mas Pipiliin Ko Na

88 0 0
                                    










Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo,

Alam ko na hindi lang ako ang nakaranas nito.

'Yong magmahal ka at mahalin pabalik ng taong pinangarap mo.


Hindi naman talaga ikaw 'yong mahal ko eh.

Siya. 'Yong kaibigan kong ubod ng tamis ang mga binibitawang salita sa tuwing magkausap kaming dalawa.

At hindi rin naman ako 'yung mahal mo diba?

Siya. 'Yong chinitang kaklase mong maganda at makinis ang mukha.

Pero langya diba? Nagtagpo pa rin 'yung mga landas nating dalawa.


Natagpuan kita.

Natagpuan kita habang mahal ko siya at mahal mo siya.

Natagpuan kita.

Habang alam ko na ang mahal ko ay may mahal ring iba.

Natagpuan kita.


Di mo pa nga ako kilala non, pero hinangaan na kita.

Hinangaan kita.

Pisikal na paghanga lang.

Kasi ganito naman kadalasan sa'ming mga babae eh.

Kahit ilang beses naming sabihin na hindi lang mukha ang dapat naming pagtuonan ng pansin,

Iyon pa rin ang una naming namamataan.

Pero syempre, pisikal naman talaga ang una mong makikita sa isang tao diba?

At isa ako sa mga babaeng mahilig sa gwapo,

Kaya hinangaan kita.

O mas nararapat sabihin na,

hinangaan ko ang iyong maamong mukha. 


Pero hanggang pisikal na paghanga lamang ang lahat.

Kasi sa puso ko, mahal ko pa rin siya.

At alam ko na kahit kaibigan lang tingin niya sa akin ay mamahalin ko pa rin siya.

Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana diba?

'Yong mahal ko at yung mahal niya, sila na pala?

At ako pa talaga 'yong unang nakaalam ng balita.

Ang saya lang diba?


Nadurog ang puso ko noong mga panahong iyon.

Nakalimutan ko na nga nakilala pala kita dahil sa sakit na nararamdaman ko noon.

Pero ayos lang kasi ganyan naman talaga,

kapag mahal mo, dapat maging masaya ka para sa kanya.

Kaya't Inasahan ko na ang sakit noon.


Pero ang di ko inasahan, ikaw.

Di ko inasahan na kasabay ng pagkawasak ng puso kong matagal na umibig sa isang kaibigan,

Ay siya namang muli mong pagbabalik at pagpaparamdam.

Di ako sigurado noon kung sinasadya ba yun nag tadhana?  

Kasi kahit nagdurugo pa ang puso ko ay may init akong naramdaman sa presensya mo.

Di ka naman nagsasalita, pero parang tinatahan ng presensya mo ang umiiyak kong puso.


Tama na. Tahan na. Marami pa dyang iba.

Yung mamahalin ka. Yung aalagaan ka.

'Yon yung mga sinabi mo diba?

Mas Pipiliin Ko NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon