CHAPTER 1: A NEW FRIEND

43 2 1
                                    

Third Person's Pov

Nagising na si tristan ng katukin sya ng mommy nya, tuwing free time kasi ng mommy nya ay palagi nlang silang gumagala sa mall, close sila sa isat isa dahil ang daddy ni tristan ay may ibang pamilya na, kaya sila nalang ang magkasama.
Kaya ang kasama lang niya sa bahay nila ay maids, ang mommy niya at bodyguards.

***
Nang makadating sila sa mall ay napagdesisyunan ng mommy ni tristan na kumain muna. Pagkatapos nilang kumain ay naglibot muna sila, nang mapagod na si tristan ay umupo muna sila sa isang bench upang magpahinga.

"Anak dito ka lng muna ha? I will just go to the restroom."
Tumango lang ang batang si tristan

"Yaya, ikaw muna bahala kay tristan, i will just go to the restroom and buy something at the department store. Kung gusto nyo maglibot muna kayo ni tristan."

Nang makaalis na ang mommy ni tristan ay nagdecide silang maglibot muna sa paligid habang wala pa
Ang mommy nya.

Napagisipan nilang pumunta muna sa toy shop, at nang matapos sila "tristan dto ka lang muna magbabayad lng ako" mahaba ang pila sa counter, at nang mainip si tristan umalis na sya at inikot ang buong mall.

Sa paglalakad nya natanaw nya ang isang batang babae na umiiyak sa tabi ng daan 'bakit hinahayaan lng nila?' sabi nito sa isip nya. Niapitan nya ang bata

"Bata bakit ka umiiyak?"
Tanong ni tristan sa bata, maawain na bata si tristan may pagkamainipin dn.

Huk...Huk....huk..

"Shhh stop crying, bakit kaba umiiyak?" Tumingin na ang bata sa kanya "nawawala kasi ako, dko na alam asan na mammeh."

Tumayo si tristan at inalok ang kanyang kamay sa batang babae "halika, tutulungan kitang maghanap." A little smile form in the girls lips.

" Ano nga po pala pangalan mo kua?" Tanong ng batang babae kay tristan

"Tristan, eh ikaw?" Napatigil sila sa paglalakad "ako po si sophia nicole!! Sophia nalang po heheh"

Nagpatuloy na sila sa paglalakad "uhm ilan taon kana sophia?" Tanong ni tristan

" uh! 7 pa lang po ikaw kua?"

" 8 lng ako.. pero maraming nagsasabi na mature na daw ako"
Napahagikhik si sophia

" hehehe totoo nmn po kua ee. Anong grade kana po ba?"

Medyo nahuhuli sa paglalakad si sophia kaya binagalan ni tristan paglalakad nya, "grade 3 na ako ikaw?" Ngumiti si sophia

" uhm! Grade 3 lng rin po ako hihi!!"

Nahagip ng mata ni sophia ang mommy nya at nanlaki ang mga mata nya, nang mapansin sya ng mommy nya ay tumakbo agad ito sa kanya at agad nya itobg niyakap. "Anak! Saan kaba galing?? Kanina pa kita hinahanap nagaalala na ako sayo."

Tumingin si sophia kay tristan at tinuro nya ito " mammeh! Sya po ung tumulong sakin na maghanap!"

Lumapit sila kay tristan at nagpasalamat ang mommy ni sophia sa pag tulong sa anak nya na maghanap. Inimbitahan nya si tristan na kumain ngunit biglang dumating ang kanyang mommy kasama ang yaya niya, napagalitan si tristan pero mas napagalitan ung yaya niya...

Tristan's Pov

Dalawang araw pa lng ang nakalipas simula nang makilala ko si sophia saturday nun at ngayon ay monday na pero parang namimiss ko na sya. Magaan kasi ang loob ko sa kanya, ewan ko ba!

Dko nmn sya kaanoano pero gusto ko syang makasama, siguro dahil feel o mabait at jolly sya kaya gusto ko siyang maging kaibigan...

Lalabas na nga lang ako para hinde ako mainip dto.Bumaba na ako at napansin agad ako ni manang "oh, tristan san ka pupunta?" Siya si manang sol matagal na siyang nagtatrabaho samin at pamilya narin ang turing namin sa kanya.

" Manang makikipaglaro lng po ako kay anthony " O, hala sige wag ka magpapagabi huh?"

Wala ngayon si mommy nasa business meeting kaya sina manang at ibang kasambahay lang ang kasama ko dito, kagagaling ko lang rin sa school.

Sa Adamson Academy ako nagaaral its for elementary and highschool, at dun ko gusto magtapos meron dn namang pang college which is Adamson State University....

Mayaman na school ang ADA at ASU pagmamayari yon ng magulang ng kaklase kong si Luis Capistrano, kaklase ko na sya simula kinder pa lang at sya ang kinaiinisan ko sa lhat, masyado kasi siyang mayabang.

Paglabas ko nang gate ay dumiretso na ako sa bahay nina anthony at nagdoorbell na, sya ang pinaka close kong kaibigan kaya sa kanya ko nakikipaglaro, d ako mahilig lumabas ng bahay kung lalabas man kina anthony lang ako tutuloy hindi ako lumalayo dahil d ako masyadong friendly...

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHHA!!!"

Nagulat ako kaya agad kong tinignan kung saan nanggaling ang boses na yon, napanganga ako makita na si sophia pala yon. 'blink* blink*' sya nga... Hala? Magkalapit bahay lang kami? Bakit dko alam yan? Sa bagay d nmn ako palalabas at d rin ako ganun ka sociable.

"Oh! Tristan? Nandto ka pal-" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil tumakbo na agad ako papalapit kay sophia
May kasama siyang batang babaeng mukhang kasing edad lng rin nmin. Tinuro ako nang batang kasama nya at sa pagtingin ni sophia agad nanlaki ang mga mata niya, para bang nakakita ng multo.

"KUYA?"she said while touching my face.

"IKAW NGAAAAAAAAA!" ouch! Ang sakit sa tenga non ah. Ang lakas, hay dko maimagine na siya ung bata na tinulungan ko sa mall. Siguro dahil nakita ko siya nun na umiiyak.

"oo, ako nga! Hahaha kelan pa kayo dito?" She giggled then smiled joyfully

"uhm kua, kaka lipat lang po namin dto nung friday" hayyy d talaga ako updated sa mga nangyayari dto, d nga ako sociable dba? =__=

" Sabi ko na nga ba nga ba magkikita parin tayo! Bait talaga ni Lord" she looks up in the heaven while saying those words.
She looks cute when she do that. ^__^

" Sophia, tawag na ako nang nanay ko bye!" Nang makaalis na ang kaibigan ni sophia ay narinig kong may sumigaw mula sa likod ko kaya naman napatingin ako, si anthony lang pala.


"Tristan!!!! Andyan ka lang pala, tinakbuhan mo ako e, kinakausap pa kita!" Nang lumapit na siya samin ay napansin agad nya si sophia

"ehem, sino siya? Sa pagkakaalam ko d ka pala kaibigan lalo na sa mga babae. "

Lumapit ako para bulungan siya, "tol, mamaya ko sasabihin sayo." Humarap na ako kay sophia

"Uhm! Sophia si anthony nga pala closefriend ko, at anthony si sophia nga pala nakilala ko siya sa mall." Tapos nagshake hands na sila.

Naglaro na lang kami maghapon, pero umuwi narin agad si sophia dahil tinawag na siya ng mommy niya, at dahil nabored na kami ni anthony ay umuwi na rin kami sa kanya kanya naming bahay.

Naikwento ko na rin pala kay anthony ang tungkol sa kung pano kami nagkakilala ni sophia. HAYYYS.

This day was amazing... ^__^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Childhood CrushWhere stories live. Discover now