First Year

1.5K 35 15
                                    

June 7, 2010

First day of school. 3:00 first subject – GENERAL PSYCHOLOGY.

Ngayon ko lang nararamdaman ito.

This is it.

This is really is it, is it?

Hindi ako makapaniwalang College na ako.

Kinakabantatutan ako.

Dahilan kung bakit ako kinakabahan :

a. Baka di ako pansinin ng mga bago kong kaklase.

b. Baka i- bully nila ako.

c. Baka ma – out of place ako.

d. Baka  . . . . Baka walang poging bagong kaklase.

Baka . . .

(MOOOOOOOOOOOOO…….) tunog ng BELL sa school na papasukan ko.

Napatingin ako sa relo ko. 3:15 na.

Shet.  LATE na ako.

e. KINAKABAHAN ako kasi LATE na ako.  (Ayokong ayoko pa namang na – lalate.)

Kasi yung mga tao, papasok ka palang ng room nakatitig lang sayo. Daig mo pa ang may ginawang kasalanan.

Pakshit. Nasa room na ang bago kong Professor (wow nag –lelevel up talaga pag college. Dati nung highskul Teacher, Sir, Ma’am lang. Ngayon sosyal PROF!

Ako lang ba late? Sana may makasabay ako sa pagpasok ng room.

“Miss, Room 223 ka rin ba?”  Tanong sa akin ng isang boylet (tawag ko sa lalakeng hindi gaanong katangkaran)

Sasagutin ko sana ng ARE YOU REFERRING TO ME? Ang nasagot ko lang ay. .

“Oo,kaw ba?” (sa pinaka – mahiyaing tone)

“Sabay na tayong pumasok.” request ni Boylet.

“Sige ipasok mo na, este SIGE”. (umiral na naman ang pagka-MANYAK ko.)

 -  - -

“Bakit ka ika-ika san kayo galing dalawa?” Lokong tanong ng masalaw naming Professor.

(Pag pumasok nang sabay ang isang babae at lalake may nangyari na agad agad?)

Nagtawanan ang buong klase.

Nakakahiya.

And worst.

Nakatingin lang sakin si BOYLET. ( lakas maka –PBB teens)

“Tabi na tayo? Dito ka na umupo.” Sabi ni Boylet.

Potcha, may ka-loveteam ba agad ako? O ako lang ang O.A mag – react? Baka friendly lang. Assuming naman ako. Saka if ever naman, ayoko din naming pumasok sa isang relasyon o mainlove ulit. Kakagaling ko lang din kasi sa break-up.

Ang sarap tadyakan kasi nung EX ko, after ng aming Graduation, brineak ba naman ako.

Pinipilit nya akong mag- Engineering, para daw mag-kaklase kami. Gusto nya rin doon ako mag-aral sa papasukan nyang school

Di daw sya sanay na magkakalayo kami.

Ayaw nya daw ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

Kung mahal nya talaga ako, diba pwedeng sya ang mag – adjust?

Di ba pwedeng kahit magkalayo, mahal parin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

K.A.I.B.I.G.A.N.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon