Picture
"Kaasar naman oh, bat ba ang malas ko?"
"Pare, walang taong swerte o malas. Nasa ginagawa mo yan."
Dahil sa pinayo na yun ng best friend ko si Michael, ginagawa ko ang lahat para swertehin. Pero wala pa rin eh. Dahil sa kabadtripan ko tuwing iniisip ko yun, dumadaan muna ako sa park para mawala yung iniisip ko bago gumawa ng kung anu-ano.
Ako si Calvin Dela Rosa, isang fourth year high school student. Sa public lang ako nagaaral kasi hindi naman kami mayaman. Pero sabi nila sa akin, bago pa daw ako ipanganak eh mayaman ang mga magulang ko. Siguro malas lang talaga ako.
"Wait, ano yun." May papel kasi akong nakitang lumilipad kaya kinuha ko.
Isa yung picture, babae yung nandoon. Ang ganda niya. Sino kaya to? Ay,time na pala makapasok na nga.
Nasa last section ako kasi nga ayun hindi ako kasing talino at swerte nung nasa higher section.
"Class, may quiz tayo ngayon." Buti na lang nakapagaral ako, pero kahit naman magaral ako minsan mababa pa rin nakukuha ko. Pero ngayon kinagulat ko kasi nakaperfect ako.
"Wow Calvin, very good. For the first time nakaperfect ka. Pagpatuloy mo lang yan." Ang saya ko kasi ngayon lang to nangyari.
Ngayong araw na 'to lagi akong nakakaperfect tapos lahat ng hula ko tama.
"Dre, alam mo ang galing ko. Swerte ata ako ngayong araw."
"Weh? Ikaw na, nabalitaan ko rin yan."
"Ui daan muna tayo computer shop. Dota muna oh, pustahan." Loko talaga to, alam naman niya hindi ako magaling eh.
"Eh ayoko, alam mo naman na hindi ako magaling dyan eh."
"Sige na oh. Ang matalo siya lang magbabayad. Deal?"
"Sige na nga." Pinagbigyan ko na baka umiyak.
"Grabe Dre, Imba."
"Swerte lang siguro ako ngayon." Nanalo kasi ako eh.
Ewan ko pero ilang buwan na rin ang nakalipas nung nakuha ko yung picture. Lagi ko ngang dala eh baka sakaling makita ko yung babae dun. Naging maganda yung takbo ng buhay ko. Pati na rin ng family ko. Honestly, gagraduate na ako. At ang masaya kasi may award ako.
~Two months after~
College na ako sa University of the Philippines. Ang galing nga eh kasi scholar ako.
Pero may isang babae yung nakakuha ng atensyon ko, kaya kinuha ko yung picture sa bulsa ko. Hala! Siya nga yon, ang ganda pala niya talaga. Nung binalik ko na yung picture sa bulsa ko, nawala na siya. SAYANG.
Pumunta na ako sa first subject ko, pero bat ganun? Mga nakatingin sila sa akin eh. May dumi kaya ako sa mukha? Sana naman wala.
Pumasok na ako sa room, biglang natahimik ang tae naman oh. Ano bang meron? Tinignan ko yung likod ko, wala naman. Kaya umupo na lang ako kesa pansinin sila. Baka masira pa araw ko.
May isang babae na naman akong napansin. WAIT, siya yung kanina eh, siya rin yung nasa picture. Galing naman, sa wakas makikilala ko na rin siya.
One month na rin nakakalipas, alam ko na ang name niya. Siya si Princess San Jose, bagay na bagay yung name niya sa kanya. Ang ganda talaga niya, pero hindi ko pa rin siya nakakausap, shy type ako eh.
"Okay class, meron kayong project at by partner iyon. Ako na rin ang mamimili kung sino makakasama niyo." Sino naman kaya makakasama ko, sana naman masipag para matapos agad yun. Kakatamad kaya.
"Blah...Blah...Blah... Calvin Dela Rosa and Princess San Jose. Ok, goodbye class." Woah, syet paano to nahihiya ako eh.
"Ahmm, Hi Calvin." Ang ganda talaga niya talaga lalo na pagngumingiti.
"Hello Princess. Ahmm, paano ba natin gagawin yun?"
"Ganito..."
Dahil sa project na yun, naging close kami. Sabay na kaming kumakain, pumapasok at umuuwi.
Habang tumatagal, minamahal ko na siya. Ayokong sabihin sakanya kasi natatakot ako baka layuan niya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam yung sa picture.
"Calvin! Punta ka bukas ha? Wag mong kalimutan."
"Oo naman. Advance Cess."
"Salamat!"
Ngayong araw na yung birthday ni Cess. Aamin na rin ako, wala akong paki kung ireject niya ako basta masabi ko lang sakanya na mahal ko siya.
"Hi Cess! Happy birthday, para sayo oh."
"Kaw naman, nagabala ka pa."
"Syempre, lakas ka sa akin eh."
"Osige upo ka muna dun. Kuha kita ng pagkain."
Dun ako sa sala naupo, pero may napansin akong picture frame.
"Wait ako to ha."
"Ay Calvin! Wag mong galawin yan!"
"Sorry, pero bakit ka meron niyan?" Picture ko kasi yun nung high school pa lang ako.
"Nakita ko lang yan dati eh."
"Ganun?"
Tapos nilabas ko kung ano man yung nasa bulsa ko.
"Oo nga pala, heto oh."
"Oh!? Bat meron ka niyan? Tagal ko na yan hinahanap eh."
"Tagal na rin yan at dahil diyan sinuwertee ako lalo na ng nakilala kita. Alam kong sandaling panahon pa lang tayo nagkakilala pero Cess... Mahal kita."
"Mahal din kita Calvin."
------------------------
Feeling ko ang panget at boring. HAHA Napagkatuwaan ko lang to eh.

BINABASA MO ANG
Picture (One-shot story)
Historia CortaDestiny, does it really exist? (c)maniacboxer.deviantart.com for the photo. :)