IKAW at AKO, TAYO

14 1 0
                                    

  Ikaw 'yung...

 Laman ng isip ko

 Sa umaga, pag- gising 

Sa gabi, bago matulog 

Sa bawat oras na tumatakbo sa buhay ko 

Ikaw 'yung... 

Tinitibok ng puso ko 

Ang makita ka nanlalambot ako

 Ang makausap ka sumisigaw ang damdamin ko

 Ikaw lang,ikaw lang 

Ang nilalaman ng puso't isipan ko 

  Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kapag nariyan ka 

Kapag nakakausap, ako'y puno ng kaba

 Ngunit hindi pinakikita 

Dahil ang makasama ka, dapat na ako ay maligaya

 Iniisip ko kung ano ang iyong naiisip 

Ikaw rin kaya ay nanabik?

 Na makita ako kahit ang nararamdaman ay nakatago 

Sa kaibuturan ng 'yong puso 

Ganoon din ako gaya mo

Nakikimkim pagmamahal na tinatago

Hindi ko masabi

Bakit ba ganito?

Alam mo ba Ikaw 'yung...

Dahilan ng pagpapatugtog ng paborito kong musika

Umaarte akong parang hinaharana

Sumasayaw na parang isang diyosa

Iginuguhit na ikaw ang kasama

Hindi ko na itatanong kung bakit kita nagustuhan

Hindi ka man perpekto

Ngunit nasa'yo ang kaibahan

Minsan naiisip ko

Hindi imposibleng maging isa tayo

Ang ikaw at ako  

  Darating ang tamang panahon

 Na tayo'y magtatagpong muli 

Mga mata nati'y magkakatinginan 

Dadalhin ng hangin ang ating mga sarili 

Maglalakad ang ating mga paa 

Hihilain ng sariling mga kamay 

Papalapit sa isa't- isa 

At sasabihing "mahal kita" , noon pa. 

 Ang mga puso'y naging isa 

Nangingibabaw ang ligaya 

Kahit anong pagsubok 'di padadala 

Dahil ang salitang Ikaw at Ako ay naging Tayo

 Pagmamahalang kailanman 'di maglalaho. 

Ikaw at Ako, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon