Tayo ay binubuo ng pangarap,
Mga pangarap na nagbibigay sa atin ng lakas,
Nagtutungo sa hinaharap,
Ang nagdadala sa mabuting landas.
Mga pagsubok ay 'di nawawala,
Bawat oras maaaring dumating,
Minsan sarili'y nababalewala,
Ngunit makakaraos din.
'Pag hawak ng Makapangyarihan ang buhay,
May tapang ng loob at inspirasyon,
Mundo'y mas magiging makulay,
At mananaig sa anumang hamon at misyon.
Kumapit sa ambisyong hinahawakan,
Huwag madesmaya't bumitaw,
Huwag magpatalo sa problema't kahirapan,
Mapagwaging kinabukasan ay matatanaw.
BINABASA MO ANG
Ang Tinatanaw
PoetryIto'y para sa mga taong may mga pangarap sa buhay, sa mga taong nahihinaan ng loob sa panahon ng kahirapan at mga pagsubok, ngunit higit sa lahat, ito'y isang simple at maikling paalala upang sarili nila'y magabayan, mabigyan ng pag-asa at determina...