Chapter 4

24 0 0
                                    

Chapter 4: Have you remember?

Kyla's POV

Pagkauwi ko galing school binuksan ko muna yung tv.

Headline: Song Joong Ki just arrive at the Philippines

O_________O

Mas nagulat ako nung makita ko sino nag e-escort sa kanya papunta dun sa closed van na familiar saken.

Justine's POV

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa umandar na ulit yug sinasakyan kong bus.

Naalala ko lang, tuwing pupunta ko sa unit nila Ken para ayain syang maglaro nung high school kame, lagi ko na lang nakikita yung kapatid nyang elementary na umiiyak sa pinapanood nya. Kelan ko na lang nalaman na mga korean drama pala pinapanood nya.

*Ding dong*

"Kuyaaaa! Yung kalaro mo!" sigaw ni Kyla pagpasok ko.

"Tanga! Ano kame? Bata? Kalaro daw e. Batukan kita dyan." sigaw naman ni Ken sa kanya saka kinuha yung remote at pinatay yung tv na pinapanooran ni Kyla.

"Tara na dali!" -Ken

"AAAAH! KUYAAA!" -Kyla

"HAHAHA. Nakakatawa yung kapatid mo e. Di ba nalabas yon?"

"Hindi. Bampira yon e. Walang ibang ginawa kundi manood." bored na bored na sagot sakin ni Ken.

- -

* From: Kenneth
Pupunta kaming theme park. Sama ka?

Pagsakay ko sa van, tumabi ako sa kapatid ni Ken. College na kami ngayon at high school pa lang si Kyla. Nanonood pa rin sya. Ano ba naman to.

"Ano yang pinapanood mo?"

"Who are you. Si SoHyun ang lead actress dito pati andito si Sungjae ng BTOB. ^____^" masiglang sagot nya saken.

Naging kaclose ko na pala sya nung isang beses na nag overnight ako sa kanila. Gusto kasi nila Ken manood ng horror. Pero ayaw ko kaya nakinood na lang ako kay Kyla.

Simula non, lahat ng kinukwento nyang korean actor na nagugustuhan nya, ginagaya ko. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko.

Napatingin ako sa inupuan nya kanina. May nakita akong ballpen.

- -
Kyla's POV

"PAPAAAA!"

Jusko naman tong tatay ko! Wala man lang pasabi na sya mag e-escort kay Song Joong Ki ko. 😢

"Oh?" mahinahon na tanong ni Papa pagkauwi nya. Kahit kelan to si papa e jusko!

"Ba't di mo ko sinabihan na ikaw pala susundo kay Song Joong Ki sa airport!"

"Ano ka ba nak. Nakisuyo lang yung boss ko." sagot ni papa. Oo nga pala koreano nga pala boss ng papa ko. Hys.

Huminga na lang ako ng malalim at hinarap ang palad ko sa kanya.

"Ano yan? Anong hinihingi mo?" -Papa

"Autograph Pa. Nasan na?"

"Ano?! Pagod na pagod ako ngayon ha. Tumabi ka sa daan ko. Ihahampas ko sayo tong case ko!" -Papa

Nginisian ko lang si Papa. Asa namang ihahampas nya sakin ya--

*PAK*

"Hindi ka tatabi?!" -Papa

"PAPAAAA! ARAY. A-AWW. ANG SAKIT! AISH!" Kayo may kasalanan bakit hindi na-straight buhok ko e! Ugh!

*Dingdong*

"Hoy buksan mo yun." utos sakin ni kuya. Aba, makahoy ang loko.

"Bat di ikaw magbukas? Tsk."

"Di mo bubuksan?" Sabi nya habang akmang babatuhin na ko ng kutsara.

"Sige! Sige batuhin mo ko!"

*Dingdong*

Aish. Tumayo na ko para pagbuksan yung kanina pa nagdo-doorbell muntik pa kong tamaan nung binatong kutsara ni kuya. Mga tao dito sa bahay. Hys!

"Kutsara na lang ibabato ang duling mo pa. HAHAHAHA!"

Binuksan ko na yung pinto at bumungad sakin si Justine.

"Gabi na ah. Anong ginagawa mo dito?"

"A-ah! Naiwan mo yung ballpen mo sa bus." Pinakita nya saken yung ballpen kong tag limang piso.

Napatitig ako sa kanya saglit.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Natawa na ko ng natawa. Grabe! HAHAHAHA! Para sa ballpen? Grabe. Lt naman dito sa taong to!

"Sinadya ko nang iwan yan. HAHAHAHA! Wala nang tinta yan! HAHAHAHAHHAHA!"

"Hoy Kyla! Sino yan?" sigaw ni kuya.

"Oh Justine! Bat naman di mo sya pinapapasok Kyla!" saway sakin ni papa.

- - - - -

"Kain ka lang ijo." sabi ni mama habag pinapanood si Justine na kumain. Grabe. Akala mo ginigipit ng nanay kung makalamon e. Feel at home nga to. Psh!

"Jusko! Dahil dyan? Dapat pinabayaan mo na. Gabi na oh!" sabi ni mama pagkarinig ng kwento kay Justine.

"Ah. Hehe. Baka po kasi kaylangan nya yon. Iisa lang daw kasi ballpen nya e." -Justine

Napataas naman ang kilay ni mama. Napataas na din ang kilay ko kay Justine.

"Araw araw kang nahingi ng pambili mong ballpen dahil sabi mo kumg hindi nawawala nauubos agad? Asan na yung mga yon!" pasigaw na tanong ni mama.

"A-ah. HAHAHA! Syempre tinapon ko na yon ma! Wala na ngang tinta e. Tsk!"

- - - -

"Oh pa, bakit ganyan ang bihis mo? Pati bakit hindi ka pa nakaready sa pagpasok?"

Ugh. Napamulat ako ng mata. Ang dilim pa.

Tinignan ko kung anong oras pa lang. 4:30 am. Ano ba yan. Ang aga pa! Pumikit na lang ulit ako.

"Mamaya pa ko aalis. Susunduin ko lang yung Korean actor na kinababaliwan ng anak mo. Psh." -Papa

Napamulat ako bigla. O____O Napaupo ako sa kama ko. May bigla na lang pumasok sa isip ko. BWAHAHAHAHA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon