KAILANGAN KO NA PONG I-DELETE.
APPROVED NA NG PUBLISHER. :)
TEASER:
Paano mo ibabalik ang nakaraan at itatama ang mali?
Paano mo tuturuan ang puso na huwag ng magmahal dahil hindi rin ito magtatagal?
When Franco De Guzman found out that he has a rare heart problem na posibleng ikamatay niya ng kahit anong oras ay agad siyang nabahala sa dalawang bagay:
Una, mawawalan ng isang guwapong lalaki sa mundo at pangalawa ay hindi pa siya nakakahingi ng tawad kay Georgina Escudero sa mga kasalanan niya noong high school sila.
Nang makita niya si Georgina ay nagbago ang lahat. Ang puso niyang may expiration date ay tila gusto pang humingi ng extra life para lamang makasama ito ng matagal. Ang puso niyang hindi naman marunong umibig ay tila gustong kumuha ng crash course para lang matutunan niya kung paano siya mamahalin ni Georgina kahit alam niyang ikakasal na ito kay James.
Paano niya sasabihin kay Georgina na huwag na si James at siya na lang?
Posible kayang siya ang last wish ni Georgina?