*ting* *ting* *ting*
sunod sunod yung pagtunog ng messenger ko, pinindot ko agad yun at bumungad sakin ang chat ng aking pinagpapantasyahan gabi-gabi. Hahahaha joke. pero di ko muna pinindot yun. tinignan ko muna yung nimessage ko sa secret files ng school namin at naka seen na yun,
"Napost na yata. Woooo!" bigla akong nakaramdam ng kaba. ano kayang magiging reaksyon niya? malaman niya kaya na ako yun? hala? baka kaya nya ko nichat dahil dun. Waaaaaah. grabe na yung kaba ko. nang masagot na yung mga tanong ko nisearch ko na yung page ng secret files ng school namin at pinindot ko na yun.
*Scroll down*
*Scroll down*
then bwalah! yung nimessage ko na yung nakita ko tas nasa 3k na yung likes in just 2hours at yung comments nasa 1k plus naman. niscan ko na na yung mga comment.. Expected ko ng may mga magtatag sa kanya.. at lahat ng nagtatag sa kanya MAY REPLY SIYA!
Kaya agad kong nipindot yun.
"Nice. Jamie may nabiktima ka na naman. hahahahajk!" comment ng kaibigan niya.
"Ay grabe naman po hahahaha" reply niya.
"Pafall ka pala kuya eh. hahahaha"
"Lakas talaga ng alindog ni Ramos! <3"
"Kawawa naman si ate girl. Huhu. pero don't worry ateee, ifeelyouuuu! </3"
"Idol na talaga kita Jamie! di ka lang talaga sa basketball sureball ah? pati sa mga chicks hahahahaha share mo na lang sakin yan pre!" comment ng kaibigan niya rin yata yun kung di ako nagkakamali.
"Sira ulo! Hahahahaha ano siya gamit? loko talaga 'to" reply naman niya. yiiiieh. Hihihihi. kilig ako dun a? <3
Ilan pa lang yan sa mga comment na nababasa ko, altough wala naman akong balak basahin lahat. pag kascroll down ko naman unti bigla naman akong nabadtrip dahil may mga negative ng comment.
"Harot mo teh. ikaw pa talaga umamin? tsk. kaya siguro pinaasa ka."
Nakakapang gigil amp! magcocoment na sana ako pero naalala ko, mamaya malaman pang ako yun kaya i ignore na lang. may mga nangbabash naman sa kanya eh. may iilan pa kong nabasang nagative comments but like what i said before, i just ignored them na lang. magsasayang lang ako ng oras kapag pinatulan ko pa sila.
Bumalik naman yung kasiglahan ko ng may nag comment na mga lalaki tas may reply naman siya,
"Sakin ka na lang ate girl. di kita sasaktan promise!"
"Pasensya na brad, sakin siya umamin eh. hanap ka na lang ng sayo!" reply ni jamie. Kyaaaaah. bigla na naman akong nakaramdam ng kilig. so, ayun wala namang reply yung boy kaya scroll ulit. at eto na naman may isa pa,
"Baby akin ka na lang. sasaktan ka lang nyan e. huh baby? iloveyou!" comment nung boy na pogi naman.
"Baby? hahahaha 'wag mo siyang tawagin niyan pre. di naman na siya sanggol." reply ni Jamie. eh? nagseselos ba siya? kyaaaaaah
"Bakit pre? kayo ba? di naman diba? tsaka pinaasa mo na nga e. kaya akin na lang siya." nakita kong reply naman ni kuya pogi. ay tarush! hahahaha
"Oo pre, di PA kami. pero soon to be na pre. kaya get lost! tska di ko siya pinaasa. dahil may aasahan naman talaga siya eh." reply naman ni Jamie.
KYAAAAAAAAH! Langgya naman oh! <3 sinabi nya ba talaga yun?! kaya di ko naiwasan magpa gulong gulong sa kama ko sa sobrang kilig. fotek!
sa sobrang kaharutan ko. nawala na yung binabasa ko kanina. kaya tumingin na lang ako ng iba pang comment at bumungad naman sakin yung pag tag ng admin ng mismong page na yun sa kanya at may mga reply naman siya.
"Jamie Riandy Ramos pafall ka pala eh. hahahaha joke po! sayang naman kuya, ganda pa naman ni ate sender." tag sa kaniya ng admin ng page na yun. Woah. hahahaha ganda ko daw. shems. thanks! admin muah!
"Hala hindi po. hahaha! pwede pong malaman kung sino si ateng sender? kahit PM lang po." reply naman ni Jamie.
"Ay hindi po pwede. hehehe." reply naman ni admin. Woooo! kinabahan ako dun a? hahahahaha
"Ay sayang naman po. pero salamat po!" reply naman ni jamie.
at wala ng comment. kaya nihome ko sa profile kasi mag popost na ako. Hihihi~
"Grabe lang. Kabado ako bes, mga trenta. Hahahaha!" then i click the Post.
*ting* *ting*
nagpop up naman sa screen ko yung messenger ko. then bumungad yung message niya...
"Hiiiiii hahahahahaha" chat ni Jamie. yung lalaking gusto ko lang pero grabe yung epekto sakin.
Gusto nga lang ba???
Woah. pati utak ko kumukontra na sakin a? aish.
bigla na naman tuloy akong nakaramdam ng kaba. hindi ko alam kung anong irereply ko. waaaaah! kinakabahan ako baka kasi mahalata niyang ako yun. baka kasi unting pagkakamali ko lang Boom! wala na. hays!
*Dug dug* *Dug dug*
Grabe na yung kabog ng heartbeat ko. Woooooo! Kalma lang renren, gawin mo na lang natural lahat. Just pretend na hindi ikaw yun..
BINABASA MO ANG
He's soon to be MINE
Teen Fiction(A/N: This is my 3rd time na magsulat ulit. Pero hindi ko naman napupublished yung mga nauna. Kaya this time i will make sure na mapupublished ko na 'to. Mahaba haba pa 'to guyth. Kaya kayo na bahala if gusto nyo pa rin basahin ang basurang istorya...