"Isang kumakalat na virus ang pwedeng makaubos ng tao sa mundo! Maraming natatakot. Saan nga ba ito galing? Bakit hindi sila maubos- ubos?"
Anong virus naman yan? Parang Train to Busan? Ganern?
Virus na pwedeng makaubos ng tao sa mundo
Well, kung sino man ang nakaimbento ng pinanggalingan ng virus na 'to, kailangan makaimbento din siya ng cure para dito!
Aba! Inuubos niya ang mga tao, baka mamaya wala na akong pamilya at kaibigan!
Parang pag nabuntis, kailangan panagutan ng lalaki yung babae! Hindi yung iiwan lang siya!
"Maglagay ka na ng mga pagkain sa secret room..." Sabi sa akin ng lolo ko
"Tay, saan po bang secret room?"
Meron kasi kaming apat na secret room at lahat yun safe pag may zombie apocolypse haha kung meron man!
Bakal ang pagakakagawa sa secret room.
Bakit apat? Kasi merong dalawang bahay. Yung isa malaki. Yung isa naman pwede na, bahay talaga namin yun
At sa dalawang bahay, tig-isa sa taas, tig-isa din sa baba
"Lahat... Kailangan nating magimpake kung sakaling kumalat sa ating bayan ang bayrus"
"Tay, naniniwala ka dun?" tanong ko
"Oo naman! Dali na, mag impake ka na baka sakali lang..."
Kumuha na ako ng mga pagkain galing sa kusina namin
Oo nga pala dito kami nakatira sa parang probinsya, pero hindi siya probinsya. Aish! Tawagin na lang nating Urban
Meron din kaming tindahan, nag bebenta ako pag may ginagawa ang mom namin
Housewife lang ang mom ko, nasa Saudi naman ang dad ko. Dalawa lang kaming magkapatid, tapos babae pa
7 sila sa malaking bahay, plus one kasi may yaya yung bunso naming pinsan
Samantalang tatlo lang kami sa bahay. Pero pag minsan ako lang, kasi nagtitinda si mom sa sari-sari store namin, ang kapatid ko naman ay naglalaro kasama ang mga pinsan namin
Journalist din ako sa school namin. Mahilig talaga ako mag sulat. Pero pag ang isusulat ay notes haha! Hindi mo ako maasahan
Meron din akong aso, at siya ay si Chokie! Lalaki siya, ayaw siguro ng dad ko ng babae kasi baka daw dumami
"Tay! Ok na po!" sigaw ko, malayo kasi si tatay eh
"Oh sige na" umalis na ako papuntang bahay namin, which is sa likod lang
Nagbukas ako ng facebook para maka- update sa mga ka-friends ko haha!
'The virus. Yan ang sikat ngayon. Ano nga ba ito?"
Article yan sa facebook, yung parang link
Pinindot ko
.
.
.
Pero ghash! Walang wifi! Sino ba naman ang nagpatay ng wifi!Hinanap ko kung sino ang malapit sa wifi namin.
.
.
.
Argh! Yung kapatid kong si Aki. Akina ang real name niya"Aki! Ba't mo pinatay ang wifi?!?" sigaw ko sa kapatid ko
"Hihi tigil mo na kasi yan!"
10 years old na yan. Pero ang ugali lang 6 years old pa lang
"Aish! Bahala ka!" binaba ko na ang cellphone ko at nanood na lang ng t.v
Gabi na din kaya nanonood ako ngayon ng balita
BINABASA MO ANG
The Infection
Science FictionIsang virus ang kumakalat, sino nga ba ang gumawa nito? Bakit niya kailangang gawin? Anong gagawin mo kung magkakaroon din ng ganito sa lugar niyo? November 6, 2017