Chapter 6

5 0 0
                                    

"Anong naaksidente?" Tanong ko kay Gabe

"Di ko alam kung aksidente ba talaga yun... Hindi ko din alam kung sasabihin ko na ba ito ngayon sa iyo"

"You need to tell me, Gabe"

"Okay, here it goes." Huminga muna siya ng malalim " Dati kasi may gusto ka sa akin, lagi mo akong chinachat, lagi kang nagpapapansin pero ayaw mo naman akong kausapin. Merong babae na... well, let's say na patay na patay siya sa akin. Gusto niya rin ng atensyon ko at lagi niya akong tinatawagan at tinetext. Hindi ka naman kagaya niya, kasi ikaw, alam mo yung limitasyon mo. Kung hanggang dun ka lang, hanggang dun ka lang. Pero siya, lahat ng bagay na gusto ko, inaalam niya at binibili niya ako nito. Hindi mo alam gusto na kita nun, sinasabi ko lang na siya ang gusto ko kasi ayakong awayin ka niya. Nung nalaman niya na wala pala talaga akong gusto sa kanya ay nagalit siya ng sobra, hindi sa akin, kundi sayo..." Tumigil muna siya dahil sa paghahabol ng hininga niya "Dahil sa galit niya, gumawa siya ng paraan para mawala ka sa mundong ito"

What? Seryoso ka?

"Sinabi niya na may practice kayo sa isang bodega, kagrupo mo kasi siya. Tapos ng nakarating ka na doon ay pinahirapan ka niya at-"

Hindi na natapos ang sasabihin niya sapagkat bumukas ang pinto at iniluwa nito si Andrew

"Guys, mamaya na yan. Mas lalong dumadami ang zombies ngayon, baka mamaya mamatay na tayo dito!" 

Ano ba yan? Gusto ko pa man din malaman ang lahat!

"Okay, Gabe mamaya na lang" sabi ko at lumabas na ng kwarto

Pupunta ako ngayon sa study room

Nang nakapasok ako ay gumawa na ako ng blueprint para sa time machine

Inabot ako ng siyam na oras para tapusin ang blueprint

Ganon talaga katagal

Kailangan na lang namin ay gawin ang time machine

Hindi na ako nakababa para kumain ng tanghalian at hapunan

Kinabukasan ay nagising na lang ako sa lambot ng kama. Haha kaya nga kama eh

Bakit pati ako narito? Diba nakatulog ako sa study room?

"You didn't eat yesterday..." sabi ng isang malambing na boses ng karatig ko

From cold to sweet voice...

Alam ko kung sino yun

"Ah... Tinapos ko pa kasi yung blueprint..." sabi ko

"Pero dapat nagkaroon ka rin ng oras para kumain"

Tumango na lang ako bilang sagot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The InfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon