“Hoy! Solo Chan Yeol at isang group ha?!” –Janine.
“Akin Kai na solo at isang group!” –Jermaine.
“Sehuuuuuuun! At isang solo!” –Niña.
“Luhan ang akin! Tapos isang solo!” –Daniella.
Halos lumabas na ang tutuli ni Christine sa boses ng mga babaeng ‘to! Pano ba naman kasi, nag text si Christine na pupunta daw s’yang divisoria, eh ito namang mga babaysot na ‘to, nakita sa facebook na may nabibilhan ng posters ng EXO sa divi. Kaya ayun! Panay ang pabili!
“Oo! Oo! Oo! Ang sakit sa tenga ng boses n’yo!”
“Hahahaha! Sige! Thank youuuu!”
Nag punta si Christine ng divisoria kasama ang mga tita n’ya. Nagpaalam s’yang papunta lang s’ya dun sa bilihan ng KPOP Merch. Nung una, s’ya palang ang tao sa stall na ‘yun. Tingin tingin pa s’ya ng mga iba’t ibang posters. Siguro, namimili pa. Tapos, biglang may babaeng sumulpot.
“Yun! EXO!”
And boom! Nagsidagsaan na ang sandamakmak na babae! Natapakan na ang paa ni Christine, natulak at kung anu ano pa!
“Aray!”
Ang malas pa, nag kaubusan ng solo kaya wala s’yang nabili kina Daniella. Puro group lang.
“Ate, wala na po talaga kayong solo nina Chan Yeol?”
“Wala na eh. Ito, kay Sehun at Luhan nalang.”
“Ah! Sige po!”
MONDAY.
“WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!”
Agang aga, nagsi iritan na sina Daniella dahil pumasok na si Christine. Parang artista lang na lumabas sa kanyang sasakyan. Well, parang lang naman eh. Dala dala n’ya ang mga posters ng binili n’ya sa divisoria.
“Oh. Walang solo sina Chan Yeol at Kai.”
“Aww.” –Jermaine at Janine.
Dahan dahan nilang binuksan ang poster. Kala mo, mapupunit ng isang maling hawak! Arte! Pagkabukas nila, pagkabukas din ng bunganga nila!
“Shiiit! Ang gwapo ng asawa ko! Waaaaaah!” –Daniella.
“Aaaaaaaaaaah!!” –Niña.
Medyo nadepress lang sina Jermaine at Janine dahil wala silang solo. Pasulyap sulyap nalang sa solo picture nina Luhan at Sehun.
“Sirain na nga ‘yang poster ni Sehun!” –Janine.
“Baka gusto mong yang iyo ang sirain ko?!” –Niña.
“SSSSSHHHH! LABAS NA! FLAG CEREMONY NA!” at ayan na naman po, sumingit na naman po si Mr. Kilay na may ari ng school. Sige! Pangalan na natin s’ya! S’ya si OJ! Ang may ari ng school na makapal ang kilay.
--
Exam sa La Salle ni Jermaine at pupunta naman sa Lipa si Janine. Nag usap silang dalawa na magkikita sila sa SM at mag gagala.
Medyo matagal ang exam ni Jermaine kaya naman halos 6:00 na s’ya dumating sa SM.
“Ui Bah! May nakita akong gwapo kanina!” –Janine.
BINABASA MO ANG
The Korean Stars.
FanfictionSina Daniella, Christine, Jermaine, Niña, Charlene, at Janine ay mga magkaka ibigang mga walang magawa sa buhay. Tamad makinig sa lesson ng Org Chem, maliban kay Charlene, at tinutulugan ang MAPEH time. Lagi na nilang kinakanta ang mga kanta ng EXO...