Chapter 1- Meet her

16 0 0
                                    

Ace POV

"Mama, saan na po yung uniform ko ?" Sigaw ko Kay mama
"Naandyan sa aparador " agad ko naman binuksan yung aparador ko at isinuot uniform KO, first day of school at di ako transferee kaya bawal malate makakatikim pa ako ng kotong sa kaibigan ko ehh mahirap na.

Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako para mag almusal, panigurado masarap nanaman ang luto ni mama, hohoho paborito ko lang naman kasi yung hotdog kahit yun pa kainin ko maghapon choks lang sa kin.

Pagbaba ko nakita Kong nag aalmusal na sila kuya at ate, may mga trabaho na kasi sila ehh tsaka si Kuya fresh graduate pa lang si Kuya at thank god nakahanap siya agad ng trabaho, si Ate naman napaka successful niya trabaho at ngayon engaged na swerte niya nga ehh pogi na mapapangasawa niya may kaya pa sa buhay. Si mama naman nagkakarinderya lang tapos si Papa Trycicle driver.

Bongga pamilya namin kahit di kami mayaman, ako naman magpapakilala.I'm  Ayla Crizelle Elise Acosta, Ace for short. Limited lang tumatawag sa kin ng Ace sa school kasi tawag sa kin Ayla talaga. Makulit ako sa mga kakilala ko lang, alangan namang sa Hindi ko kilala diba, loka-loka rin ako, minsan nga lang Kay besty ko lang yun napapakita ehh. Mahilig ako kumanta, sa school may banda ako drummer yung bestfriend ko dun ako vocalist tapos makikilala niyo na yung iba mamaya.

Pagkatapos kong kumain dumeretso na ako sa trycicle ni papa para maihatid niya ako "Pa, gagabihin po ako ng uwi huh, may gig ako ehh hehehe" pagpapaalam ko kay papa.
"Hayy na Kong bata ka ! Hindi pwede ! 17 ka pa lang tsaka babae ka" napanguso na lang ako sa sinabi ni papa, sayang din yun noh dagdag sa pera nila mama at papa.

Nagsa sideline ako para makatulong kanila mama ang kaso ayaw nilang magtrabaho ako, gusto nila nakatutok ako sa pag aaral ko, ehh minsan tinatamad pa naman ako pero matataas grades KO. Hahahaha.

Maya-maya pa nakarating na ako sa school, nagpaalam na ako Kay tatay at pumasok sa gate.

-------------------
How was the first Chapter ? Okay lang ba. Sorry sa mga ayaw ng first Chapter. ヽ(´▽`)/

Vote. And. Comment

The Long Lost Villafuerte HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon