First day na ng first semester ko bilang freshmen student dito sa FEU (Far Eastern University) at ang course ko ay Accountancy. Sobrang excited na ko kasi college na ko at lalo akong na-excite kasi sa dream school ko pa ako makakapag-aral.
Tumingin ako sa relo ko at narealise kong late na pala ako. Kaya dali-dali akong tumakbo papuntang school para kumuha ng schedule at magpagawa ng ID. Nang makuha ko na schedule ko, dali-dali akong umakyat papuntang 3rd floor habang inaayos mga gamit sa backpack ko na na paharap kong binitbit nang...
"Ayy sorry" sabi sa kin ni Kuyang nakabangga sa kin.
Sabay namin pinulot ang mga gamit ko at inayos ko rin agad.
"Sorry miss ah"
"Okay lang"
Tinapik niya ko sa likod saka na siya umalis. Pero mukhang pamilyar sa kin mukha niya. Parang nagkita na kami dati pero di ko alam kung saan.
Pumunta agad ako ng auditorium kasi may orientation. At oo, excites ako na parang kinakabahan, mixed emotiobs ganern hahaha. Umupo ako sa bandang likuran since punong-puno na sa harap.
Pagkatapos ng orientation, umakyat na ko ng 3rd floor at dali-daling pumasok ng classroom. Naupo ako sa bandang likuran.
May pumasok na lalaki, si Kuyang nakabangga sa kin kanina. Tumabi siya sa kin. Classmate ko pala siya nakakatuwa naman.
"Accountancy ka rin?" tanong niya.
Tumango ako.
"First year ka rin?"
Tamango lang ako.
"Wag ka mahiya. Ako nga pala si Jungkook Jeon. Kookie na lang for short hahaha"
Ngumiti na lang ako. Pero nahihiya talaga ako syempre first day eh.
"And you?"
"oh~ ako si Yuju Choi"
Ngumiti lang din siya sa kin.
May umupo sa harap namin na tatlong babae.
"Hi" sabi nila.
"Hi ako si Yerin" sabi nung nasa kaliwa.
"Hi I'm Sinbi" sabi nung nasa gitna.
"Hi I'm Eunha" sabi nung nasa kanan.
Dinaldal nila ako nang dinaldal at nagkwentuhan din ng konti.
Dumating na rin yung prof namin for our first subject at nagsidatingan na rin yung iba naming classmates.
After ng klase, nasa classroom pa kami.
"Jungkook, san ka nakatira?" tanong ni Sinbi.
"Sa Bicutan" sagot niya.
"Ikaw Yuju?"
"Sa Bicutan din"
"San ka sa Bicutan?" tanong niya.
YOU ARE READING
Make Me Love You
Random"the minutes we stayed is like the moment I prayed do not go away and make my heart sway what can I do if I still love you the past I can't undo to forget is I want to"- Jungkook to Yuju Yuju and Jungkook fanfic (ctto of the 2nd p...