Chapter 3

61 5 4
                                    

Pumasok na kami sa loob ng mall. Medyo ang daming tao ngayon dahil magga-gabi na. Naghahanap kami ng fastfood o restaurant na makakainan. Hindi ko alam kung saan gusto kumain nito ni Kookie at patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad. 

"Saan mo ba gusto kumain?" tanong ko sa kanya dahil nagugutom na talaga ako.

"Ikaw? San mo gusto?" tanong niya naman sa kin.

Di ko alam kung matutuwa ba ako sa response niya pero sige na nga.

"McDo na lang tayo para malapit sa sakayan pauwi" yun ang sabi ko.

"Bakit? Uuwi na tayo agad? Nood tayo movie after nating kumain" sabi niya.

What? We're going to watch a movie? OMG -_-

"Okay sige. Libre mo naman eh" sabi ko.

Pumasok kami sa loob ng McDonalds at ang haba ng pila sa mga cashiers. Medyo naiinip na rin ako at gusto ko nang umuwi kaso manonood pa daw kami ng movie. O baka naman jino-joke lang ako nito ni Kookie. Pinahanap na ko ni Kookie ng upuan naming dalawa. Nakahanap ako malapit sa may entrance na pinasukan namin kanina. Nang maka-order na si Kookie, lumapit na siya sa upuang nahanap ko at naupo sa harapan ko. Inihain niya sa kin yung 1 pc chicken, isang large fries at isang hot fudge sundae. Parehas lang kami ng pagkaing inorder niya. 

"Kumain ka na" sabi niya sa kin at para bang hinihintay niya akong mauna kumain bago siya.

Nauna kong kinain yung 1 pc chicken with rice at kumain na rin siya. Nakatingin lang ako sa ibang customers at sa labas habang kumakain. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos kasi naiilang ako habang siya ay kumakain lang.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa bilihan ng ticket sa sinehan. Kinakabahan ako na ewan dahil first time ko to. All I did was to ask myself if is this was a date pero di naman siya dumada-moves sa kin o baka di ko lang nafe-feel. Bakit? OMG!

Nakatitig lang ako sa kisame sa hinihigaan kong kama. Andaming pumapasok na what if's sa aking isipan at hindi makalimutan ang mga pangyayari kahapon. Para akong tanga na ngiti ng ngiti. First time kong umalis na may kasamang lalaki at si Kookie pa. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko siyang makasama sa mga sandaling ito at ayaw ko nang mawalay pa sa kanyang tabi. 

Matagal akong makatitig sa kisame nang tawagin ako ng kuya ko.

"Yuju, kain na" sabi ng kuya ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Yes kuya bababa na ko"

"Ha? Mahaba yung baba mo?"

Lumapit ako sa may pinto at lumabas.

"Eto na bababa na" sabi ko sa kuya ko.

Bumaba na ko at iniwasan ko si kuya kasi malamang aasarin nanaman ako nun. Dumerecho ako ng kusina at naupo na para kumain. Naupo ako sa may bandang kanan ni Daddy. Bumaba na rin si kuya at naupo sa harap ko. Ipinaghain na kami ni Mommy para kumain. Nanalangin ako bago kami kumain.

"Oh ayan ha. Favorite niying dalawa yan" sabi ni Mommy.

"Thanks, Mommy" sabi ko ng may pag ngiti.

Bigla kong naalala si Jungkook. Naalala ko yung mga bagay na ginawa namin kahapon. Habang kumakain, hindi mawala ang ngiti sa mukha ko.

"Parang ang saya mo ata ngayon ah" sabi ni kuya.

Hay nako eto nanaman siya para mang-asar.

*tumunog yung message ringtone ko

Patuloy lang ako sa pagkain at tila di ko pinapansin na may nagtext sa kin.

"Yuju, may nagtext ata sa'yo" sabi ni kuya.

"Ahh wala lang yun baka tinext lang ako ni globe" sabi ko.

"San ka galing kahapon?" tanong ni Kuya.

WTH anong isasagot ko. Myghaaad!

"Malamang sa school. Busy kami sa mga activities eh tsaka duhh accountancy student ako no?!"

"Naks. Busy DAW siya"

"Kuya, we're eating wag mo na muna akong inisin"

"Ayy nako kumain na lang muna kayong dalawa dyan at wag na munang mag-asaran" sabi ni Daddy.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ko para pumasok sa school. Nang ako ay handa na, bumiyahe na ko papasok ng school. Pagdating ko ng school, umakyat agad ako ng classroom namin. Pagpasok ko ng classroom, bungad sa kin si Jungkook at tila ang saya-saya niya nang makita ako.

"Yujujuju~" tawag sa kin ni Jungkook.

Nginitian ko na lang siya at umupo na sa upuan ko.

"Uyyy sorry di natuloy kahapon..." sabi ni Yerin.

"Inuna mo kasi boypren mo" sabi ni Jungkook.

"Ayyy ohhh nagtatampo si Jungkook" sabi ni Eunha.

Natatawa ako sa itsura ni Jungkook kasi parang bata siya na nagtatampo hahaha to talaga parang di nag-enjoy kahapon nakakatampo ha hahahaha anu ba

"Okay lang. Nagseaside naman kami ni Yuju" sabi ni Jungkook.

"Libre niya kasi kaya sumama ako" sabi ko.

"Ayy andaya ni Jungkook :( si Yuju lang yung nilibre niya" sabi ni Yerin.

Dumating na rin sa wakas yung prof namin kundi ayy nako iintrigahin ako nitong mga to. Bat ganto ako mag-isip? As if namang may something sa min ni Jungkook.

Meron nga ba?

After ng klase, lumapit sa kin si Jungkook. Nasa labas na kami ng gate ng campus nang...

"San tayo?" yaya niya.

"Anong saan?" tanong ko.

"Gagala tayo" sabi niya.

"What? Saan nanaman?" tanong ko ulit.

"Dun ulit. Sige na. May problema kasi ako at alam kong ikaw lang makakaintindi sa kin" sabi niya.

Mukhang may problema nga talaga to at kailangan ng taong pakikinggan siya. Oh well I have no choice kundi makinig sa kanya. It's not that I don't want to listen but I feel kinda awkward pag kasama ko siya kasi he's a guy atsaka parang may something siya sa kin. Basta I don't know.

"Oh sure. Basta..."

"Libre ko ulit. Sige naaaaa"

"Sabi mo yan ah"

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa kin. Mukhang may problema nga siya at sumasaya siya pag kasama ako.

Sumakay na kami ng jeep papuntang MOA at dumerecho ng seaside. Pagdating namin ng MOA, naglakad kami papuntang seaside. Napansin kong mukhang may dinadala nga siyang problema. Umupo na kami sa trench facing the sea.

"Niyaya mo nanaman ako dito. May problema ka ba talaga?" tanong ko kay Jungkook.

Ngumiti si Jungkook at tumitig sa kin. Ang tagal niyang nakatingin sa kin.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" sabi niya.

Ngumiti ulit siya.

"Ang ganda mo kasi" sabi niya.

"What?"

"Ang ganda mo" sabi niya sabay tingin sa kin--right in my eyes.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero bat ganto nararamdaman ko? Di ko dapat to maramdaman.

Tumingin na lang ako sa kanya.

"Thanks :)" sabi ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong dapat na response ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Parang ang saya mo ata ngayon? May girlfriend ka na no? Ikaw ah di ka nagku-kwento. Magtatampo ako sa'yo sige ka" biro ko sa kanya.

Tumingin ulit siya sa akin.

"Wala naman. Masaya lang ako"

"Yiieeee inspired. I understand. Sige I'll give you time. Pakilala mo siya sa kin ha"

"Masaya ako dahil sa'yo" bulong niya ng sobrang hina pero I heard it clear. Nagpretend na lang ako na hindi ko naririnig.

So ano na?

Make Me Love YouWhere stories live. Discover now