"Pag nagmahal ka, alam mo bang masasaktan ka?" Yun ang sabi nya sakin. Yun ang tumatak sa isip at puso ko. Nung una, di naman talaga ko naniniwala sa ganun kasi bata pa ko e. 16 palang ako nun nung mga panahong nakilala ko sya. Sobrang saya ko sa mga pagkakataon na yun. Kasi akala ko puro saya.
Akala ko, di naman talaga ko masasaktan kasi... like what I said, bata pa nga ako at may tiwala akong di nya ko sasaktan. Sya ang first ko sa lahat. First Love, First Heartbreak, First Cry. Buti nga't hindi pa nakukuha ang First kiss ko. Napakaimportante kasi ng first kiss para sakin. Gusto kong ibigay sa Husband ko yun balang araw.
Sya si.... Jaydrian Revamonte. REVAMONTE. Sa Apeylido pa lang nya, isinisigaw na agad ng buong pagkatao nya kung gaano sya kayaman. At sino ako? Ako si Katherine Tanchico. Isang babae na, okay, hindi mayaman at hindi rin ganoon kasikat. "Commoner" kumbaga.
Minsan nga'y naisip ko kung totoo ba talagang naging kami ni Jayd. Kasi tignan mo naman sya at ako? Ang layo layo layo namin sa isa't isa. Buti pa si Nicole Inangyan na kaklase namin, isang maganda... pero dukha at mapangmata. Palibhasa maganda sya. Bagay sila.
"Kath! Nandun na sila Riri naghihintay satin. Punta na tayo?" Sabi ni Erica. Sya naman ang bestfriend ko. Bestfriend kong hindi ko alam kung saang lupalop napupunta kapag nakakakita ng mga lalaking malakas ang sex appeal.
Masiyahin naman ako... kaso siguro ngayon lang talaga hindi. Ngayon kasi yung araw na liligawan nya na si Angel. Dapat siguro talaga akong masanay na hanggang magkaibigan nalang talaga kami. Masakit kasi syempre gusto ko pang ituloy kung anong meron kami dati kaso ayaw ko na rin. 50-50 kumbaga. Ayaw ko na rin kasi....tuwing minamahal ko sya, nasasaktan lang rin ako.
"Tara na nga! Tss ano pa bang tinutunganga mo dyan kath! Pwede bang wag mo na sya isipin?! Hindi sya maganda para sa kalusugan mo. Isipin mo naman sarili mo!" Sigaw ni Erica. Nagsimula akong makaramdam ng sobrang pagkalugmok. Mahal na mahal ko sya. Higit pa sa iniisip nya o nila.
Nagsimulang pumatak ang aking mga luha. Alam kong concerned lang si Erica. Nasasaktan ako kasi alam kong totoo lahat ng iyon. Mahal ko sya pero hindi ko magagawang talikuran sya. Mahal ko sya to the point na kaya kong magtiis lagi. Kaya kong tiisin lahat ng sakit kasi... para sakanya, kaya kong gawin ang lahat. Alam kong hindi kami parehas ng nararamdaman pero...
"Shit! Anong ginawa nyo kay Kath!?" May narinig akong sumisigaw na lalaki sa malayo. At ayun sya, tumatakbo palapit saamin ni Erica. Sya, sino pa ba?
"Kath! Anong nangyari sayo? Magsalita ka please." Oh diba, Paasa ang gago! Ito ang ayaw na ayaw nya. Ang umiiyak ako, ano bang magagawa ko? Kung nasasaktan ako, sana hinahayaan mo nalang lagi ako. Pero hindi! Hindi mo ginagawa yun.
"Ano ba naman yan! Ikaw nanaman HAHAHAHAHAHA maiwan ko na nga kayo" Tumalikod na si Erica at naglakad kaso bumalik sya para may sabihin " Kath? Balik na ko dun, tawagan nalang tayo mamaya" Alam nya. Alam nyang itong taong nasa harap ko ngayon ang makakapagpatahan sakin. Alam nya yun at alam nyang magsasabi ako mamaa tungkol sa nangyari. Bestfriend nga diba?
Tumango na lamang ako at tinalikuran na rin si Jayd.
"Umalis ka na Jayd. Okay lang ako." Sabi ko kay Jayd. Inayos ko na ang gamit ko, mga libro ko. Bawat kuha ko sa libro ko ay may pumapatak rin na luha galing saaking mga mata.
"Okay? Okay na naman kahit hindi" -Jayd. Pinunasan ko ang luha ko habang nakatalikod sakanya. Humarap na ako at ngumiti. Hindi ko kayang ngumiti pa ngayon
"Bat ba hindi mo nalang ako hayaan? Jayd, umalis ka na. Parang awa mo nanaman oh?" Pumiyok na ang boses ko. Sign na malapit na akong umiyak pero nanatili akong nakangiti parin.
"Ano bang nangyayari sayo? Sorry" -Jayd
"Bat ka nagsosorry? Wala kang kasalanan Jayd. Ako lang rin may kasalanan lahat ng to. Oo mahal kita at alam kong alam mo yun! Pero okay, Ligawan mo sya. Mawawalan rin ako ng pake." Tumalikod akong muli dahil ayaw kong ipakita sakanya na nalulungkot ako. Na nasasaktan ako. Pero kahit di ko ipakita, alam kong alam naman talaga nya kung ano ang nasa puso ko. Kung ano ang nararamdaman ko.
"Wag ka na masaktan" -Jayd.
"Hayaan mo nalang akong masaktan. Dapat naman talagang ganto. Mawalan ka nalang ng pake sa nararamdaman ko, Jayd! Wag mo na ko alalahanin. Gusto ko masaya ka at eto na yun kaya please, umalis ka na dito. Puntahan mo sya" At yan, nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Sa mismong harap nya. Hirap na hirap na kasi ako e.
Pinunasan ko ang luha ko at tumakbo. Nasa garden kasi kami at sobrang nadadala na ko sa emosyon ko. Ayaw kong malaman nya ang lahat ng nasa isip ko dahil baka lumayo lang sya. Hindi ko kaya.... Hindi rin kaya ng puso ko. Mahina ang puso ko.
Sa kakatakbo ko palayo.... ayun, nadapa ako. Ouch! ang sakit! 😭
A/N: ANG DRAMA TALAGA NG BUHAY KO HAHAHAHHA SORRY. NUNG GINAWA KO TONG CHAPTER NA ITO, SOBRANG LUNGKOT KO PO NUN HAHAHAHHAHAHA SO, YEAH HAHAHAHHAHA
BINABASA MO ANG
Messed Up
RomancePano ba magmahal? Magmahal...? Lagi ko namang ginagawa yan. Lagi lang rin akong nasasaktan. Paano ba magmahal ng hindi nasasaktan?