part 4

7.4K 166 11
                                    




hala! yung babaeng panget! sabay takbo ko papalabas sa damuhang yon.

bat alam nyang nandon yung salamin? nakita ba nya na tinapon ko dun yung salamin nya? lintik na salamin yan o!

TRICIA POVS

"hey! kuya kuya!"

luhh? wala ba syang naririnig? bat patuloy padin sya sa paglalakad?

"HOY KUYA!!!!"

at ayun napatingin si laurence pati yung ibang tao sa malapit sa Gate ng school

lumingon sya

"kuya! bat ka nandon? sinusundan moba ako?"

"sorry? sino ka para sundan ko don? may tinaguan lang ako kaya pumunta ako don"

" e bat parang kukunin mo yung salamin ko?"

"ano bang pake ko sa bulok mong salamin? yang salamin mo parang muka mo! BASAG!"

nung sinabi nya yon tumahimik nalang ako at humanap ng mauupuan at sya naman ay dumiretso na palabas ng school

tinawag kolang naman sya e para tanungin kung bakit sya nandon pero bat parang galit na galit sya?

yung time na tumigil yung mundo ko at napaupo nalang ako sa isang sirang upuan at dahan dahang tumutulo yung luha ko

ano bayan tricia! panget na nga! iyakin pa!

LAURENCE POVS

ano bang problema ng babaeng yon? napaka dumi ng mukha! nako wag na ulit syang lalapit sakin at habulin at tawagin ako sa madaming tao.

.......

"Welcome home pare!"

"huy pre! buti at mejo napaaga ka ng dating dito!"

"oo naman! excited na kasi ako sa pasalubong mo"

"ay pre!! diba meron tayong usap?! na ibibigay kolang yung hinihiling mo saken kapag meron kanang ipapakilala saking babae na magiging jowa mo"

"ang labo mo naman e! ang tagal  na non!"

"usapan ay usapan! well tara kain muna tayo! dadating din mga pinsan ko mamaya inuman na to"

ang labo namang kausap ni roger! babae? e san bako makakahanap ng magiging fit sa pagkatao ko? ang daming nagkakagusto sakin pero wala naman akong magustuhan sa kanila ..

..........

TRICIA POVS

TEXT MESSAGE:

MAUREEN: nasan kana girl?

"papunta nako"

habang naglalakad ako papuntang library.... ang lalim ng iniisip ko na para bang mababaliw nako

.......

"oh anyare sayo tricia? bat parang naka shabu ka?"

"matindi pato sa shabu bes 😞 gusto konang mamatay"

"hoy! anu kaba! ang dami mopang pimples natitirisin bago ka mamatay"

"walang hiya ka! kaibigan moko! haha"

"hahaha pero bakit nga?"

"basta..... pagandahin monalang ako maureen"

ako nalang crush please? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon