Chapter 32

279 7 0
                                    

Chapter 32

[Rain]

Nagtaka ako ng may missed calls akong nakita sa cellphone ko. Kakatapos ko lang maligo ng napansin ko ang mga ito.

"Bakit naman kaya nagmiss call si Ate Snow? Baka may panibagong trahedya na naman kaming pipigilan."

I called her number ng ilang beses pero walang sumasagot.
Doon ko lang napansin ang text messages sa cellphone ko.

"Oh, God! Ate is in trouble."
Dali-dali akong nagbihis at bumaba ng kwarto.

Nakasalubong ko si Rain sa may sala na humahangos at halatang nagmamadali rin.

"Nagtext rin ba sa'yo si Snow, Rain?" Tanong ni Rough.

"Yes. We need to rescue them. They are in trouble. That Sofia Montelibano is the traitor. Kailangan natin silang masundan. I tracked ate's GPS at kasalukuyan nilang tinatahak ang daan pa Laguna."

Hindi sumagot si Rough bagkus ay tumakbo sa hagdanan papunta sa kwarto nito.

Maya-maya ay bumaba ito na may dala-dalang dalawang backpack, apat na 45 at isang M-16 na nakasabit sa balikat nito.

"Kunin mo ang dalawang 45, Rain. Sa'yo na rin itong isang backpack. May lamang mga bala at granada 'yan."

Kung normal lang sana na araw ito tinawanan ko na si Rough. Para talaga itong amazona sa kilos at pananalita. Parang sanay na sanay talaga ito sa labanan.

"Tara. We need to hurry baka mapaano na sila." Sabi ko at nagpatiuna ng lumabas para sumakay ng kotse.

"Sige, mauuna na ako. I'll use my motorbike para mas mabilis. Matraffic pa naman ngayon." Sabi ni Rough sabay soot ng helmet nito.

Akala ko pa naman magkasama kami sa kotse. Kinuha ko lahat ng gamit na nilagay ko sa kotse.

"Ano ka? Sasama nalang ako sa'yo kaysa magkotse. Hindi pwedeng maghinatayan tayo doon. May kailangan tayong iligtas. May oras tayong hinahabol." Sabi ko sabay kuha ng isang helmet at umangkas na sa kanya.

Agad na nitong pinaharurot ang motorsiklo ng makasakay na ako ng maayos.

Kung susukatin, about 105 kms.away mula dito sa bahay namin sa Pasay papuntang Sta. Rosa na siyang itinuturong lugar kung saan naroroon sina Ate Snow. Nakastop na siguro sila dahil hindi na gumagalaw pa ang red dot sa GPS tracker.

"Exact Location is near Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, Rough." Sigaw ko dito. Nag thumbs up naman ito na ibig sabihin ay nakuha nito at narinig ng malinaw ang sinabi ko.

God! Sana hindi kami mahuli. I hope walang gawin ang traidor na iyon sa loob ng isang oras. It will take us about 45 mins. to 1 hour para makarating sa kinaroroonan nila. Sana talaga walang mangyaring masama kila Ate Snow.

I texted Dad. Sigurado akong kakailanganin namin siya.

"Hold on, Rain. We need to hurry. I need to drive faster." Sigaw ni Ate Snow.

[Dianne]

Inilibot ko ang paningin sa kapaligiran. Nasa likod kami ng isang lumang gusali na sinasabing pinamamahayan ng kung ano-anong maligno. Kaya marahil ay walang nagtatangkang pumasok dito kahit na sino. And it had been the best place for our plans. Walang kung sino mang makakadiscover sakaling mapatay na namin sina Zamaniego at Rivera.

"Ayos itong nahanap mong lugar para sa mga plano natin, Vasquez."

"Ako pa ba, Dianne?" Tatawa tawa nitong sagot habang naghuhukay.

"Sige pa, Vasquez. Laliman mo pa ang hukay. Kailangang hindi na sila makahinga pa matapos natin silang ilibing ng buhay diyan." Utos ko rito matapos akong sumilip sa ginagawa niyang hukay.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND BOOK 4: Faultless Wrong TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon