Chapter ~7~

31 2 1
                                    

SUNDAY na ngayon, meaning bukas na bukas ay aalis na kami sa Boracay at babalik na sa Manila ulit, at ang isa sa masakit isipin ay O-operahan na ang Brain tumor ni Anghelo, tulad lang nang sinabi niya sa akin.. 

Aaminin kung hindi ako masaya sa narinig ko at nanlulumo ako tuwing maiisip ko ang mga bagay na may sakit ang pinakamamahal ko, Bagay na hindi ko kayang kunin, mahirap i-accept.. Pero kailangan. 


Noong narinig kung may sakit siya sa utak kahapon ay ipinagdasal ko siya nang husto sa diyos, na sana'y successful ang operation, na sana'y hindi siya magka-amnesia, na sana'y ligtas siya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya, sa tuwing maiisip ko 'yun, para ko naring pinapatay ang sarili ko.. 


Alas singko pa ng madaling araw nang magising ako, kaagad akong tumungo sa banyo at naligo, pagkatapos kung gawin 'yun ay nagbihis na ako at lumabas nang room. Pagkalabas ng pagkalabas ko ay nagulat ako nang makitang nakasandal si Anghelo sa gilid ng pintuan nang room, habang pinamasahe niya ang magkabilang gilid ng noo niya..  "Anghelo, anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sakanya, gulat siyang napalingon sa akin.. 


"Nandiyan ka pala, Len." Itinigil niya ang pag himas himas 'noon at humarap sa akin na nakangiti ng malapad, kumunot ang noo ko. "M-masakit ba ang ulo mo?" Tanong ko sakanya, nawala ang ngiti sa kanyang labi at itinikom 'yun, "Masakit, medyo.." Tumango tango ako, "Ahh, so? Palagi ka palang nagigising nang maaga no?" Sabi ko at sumandal rin sa pader, "Oo, magigising ako eh, kaya gigising ako," Hinampas ko siya kaya napatawa siya.. 

"Ang pilosopo mo ahh!~" 


Napatigil siya sa pag tawa at hinawakan ang kamay ko, "Tara, lakad lakad tayo sa dalampasigan, bored dito.." Ngumiti ako at ikinapit ang kamay ko sa kamay niya, "Sige.." At naglakad lakad na kami sa dalampasigan. 


Maganda ang simoy nang hangin, ang magandang tunog ng alon nang dagat.. Ang magandang mga puno, at lalong hindi magpapahuli ang guwapong kasama kung naka-HHWW ang peg. :* 


"Alam mo ba kung kailan ako nasimulang ma-inlove sayo?" 

Napalingon ako kay Anghelo habang panay ang pamumula nang aking mga pisngi, 

"Kailan?" Tanong ko sakanya.. 

"Nuon pang freshmen ka pa sa school, noong pag elementary palang.. Grade five tayo 'non." Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya, "T-talaga?" Mautal kung sabi, "Oo, nauna pa ako sayo." Nakangiting tugon niya, "Pero bakit hindi mo sinabi sa akin nuong nag-confess ako sayo nong second year highschool?" Nakakunot noo kung sabi.. 


"Ayoko, may sakit na ako non." Sabay iwas niya nang tingin sa akin.. 



"Gagawin mo rin ba lahat para sa akin?" Tanong ko sakanya, ngumiti siya at tumango tango.. 



"Noon, sinasabi kung.. kung wala lang akong tumor.. nuon pa ako naglakas nang loob na sabihin ang mga bagay 'yon sayo, kung wala lang 'tong sakit na 'to, matagal na sana kitang niligawan.." 


Napakurap ako dahil sa sinabi niya.. 



This man really makes my feelings happy as always.. 



Napakurap ulit ako nang pinisil nito ang pisngi ko, "Ang mestiza mo talaga, Len 'noh? Tapos ang dali mo pang mamula, para kang cherry bomb, ang ganda mo talaga, you're the most beautiful girl I've ever seen, Len.." Sabay haplos niya sa pisngi ko.. 



I chuckled.. 




"Sana pinansin mo ako noon, Anghelo, bakit mo pa kasi pinapatagal?" Tanong ko sakanya.. 



"Simula kasi noong nalaman kung may Tumor ako, hindi ko na pinagpatuloy ang plina-plano ko, pinagplanuhan ko na kasing ligawan kita noon, pero hindi ko ginawa.. Dahil naisip ko pa lang na may condition akong ganito, masasaktan ka kung sakaling..." Tumigil ito at pumikit ng mariin at huminga nang malalim, iminulat muli nito ang mata at tumitig sa akin.. 



"H-hindi successful ang operation, kung sakaling magka-amnesia ako, kung sakaling.. mawala ako, ayokong makikita kang umiiyak kung ganoon, kaya mas pinili kung layuan ka nalang.. Pero habang ginagawa ko 'yun, nasasaktan ako.. kaya mas mabuti pang kainin ko lahat ng sakit basta hindi lang ikaw ang masasaktan ko, pero nagkamali ako.." 



"Nasasaktan ka rin pala sa mga ginagawa ko.." 



Namuo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya, lumapit siya sa akin at niyakap ako nang napakahigpit habang pataas na ang araw, sunrise. 



"W-wag mo namang sabihin y-yan, Anghelo.. Lumaban ka lang.. Lumaban ka, walang mawala, w-walang mawawala.." Sabay iling iling ko.. 




"Nuon ko naisip 'yun, Len, pero hindi na ngayon, noong nasimulan kung lapitan ka.. nabigyan ako nang pag-asa na humarap sa operation na 'yun, nabigyan ako nang lakas, dahil 'yun sayo.. Len.." 



"Mahal na mahal talaga kita Len.." 



"Mahal na mahal rin kita, Anghelo.." 






--


I'm your girl ~ [Short Story] - (Completed)Where stories live. Discover now