Chapter 1

1 0 0
                                    

Julian's POV

"Okay, class! Pass your paper, finish or not finish..." sabi nung professor namin, "tama na yung kopyahan, pasa niyo na yang papel niyo" biro pa nito.

"Osige na, umuwi na kayong lahat! class dismiss!" sabi ni sir after niyang makuha lahat ng paper

Naglabasan na yung mga kaklase ko except sakin at sa mga kaibigan ko.

"Jen anong sagot mo sa number 4?" tanong ni alex

"28,300 ata? Ewan ko di ko matandaan eh. Basta letter C! Pero di ako sure dun. Di ako sure sa lahat." sagot ni jen

"Letter C din ako eh."

"Hoy magsi-uwi na kayo." singit ni sir habang inaayos ang gamit

"Sir, ang hirap naman ng exam!" sabi ni derek

"Syempre, may exam bang madali?" pabirong sabi nito

"Sir, kailan niyo po ipo-post sa portal yung grades namin?" tanong naman ni alex

"Sa linggo ko ipo-post, kaya sunday pa lang nasa portal niyo na yun, magdasal muna kayo tapos sa monday niyo na lang buksan portal niyo. Hehe" biro ulit nito

"Hala sir!" - derek

"Sige na, umuwi na kayo!" at naglakad na to palabas ng room

Mga 3 mins kaming tumahimik, sinigurado muna naming nakalayo na siya sa room namin bago ulit kami nag usap-usap.

"Guys, bagsak na talaga ko ngayong midterm!" sabi ni alex

"Ako din eh! pang bar exam yung exam niya teh!" sabi ni ralph, "ito si derek pasado 'to eh, may kinukopyahan sa likod eh."

"Sana pasado diba. ikaw trish, nakakakopya ka kay jen?"

"Konti lang nakopya ko, hirap kumopya, tayo ng tayo si sir."

"Ikaw jul? ito si jul walang problema eh, madaming source sa pwesto niya eh!" sabi ulit ni derek

"Wala nga eh. hirap kaya kumopya pati mga kinukopyahan ko walang sagot, super hirap kasi ngayon ng topic eh." sagot ko

"Tara na guys, kain na lang tayo kwek kwek sa labas!" patawang sabi ni ralph

"Tara samin, tabay kayo dun!" yaya ko, "walang tao dun, aalis sila papa bukas pa babalik."

"Sige sige!" sabi ni derek

Pagkadating namin ng gate 2 ng school namin nandun pala sila allison kasama boyfriend niyang si ian, dito din sa school namin nag-aaral.

"Kamusta mga exam niyo? bat ganyan mga mukha niyo parang na lugi kayo" bungad ni allison (kapatid ni alex)

"Wala, bagsak kaming lahat." sagot ni alex

"Hoy allison, sama kayo? pupunta kami kala julian, tatambay, pampatanggal stress!" yaya ni derek

"Sige ba! g kami dyan." sagot ni ally

"Tara ian, samahan mo ko kunin natin kotse sa may kfc. wait lang kayo dyan ah, dyan namin kayo hihintuan." sabi ko

"Tara na" sabi ni ian

"Sige, ingatan mo yang boyfriend ko julian ha!" - allison

>>

Nandito ako ngayon sa bahay kasama yung barkada. Katatapos lang kasi nung midterm exams sa school kaya tumatakas muna kami sa mga problema sa school. Bonding ba, ganon

"Guys, ano movie marathon? U want?" tanong ko sakanila, kanina pa kasi sila nagwa-wifi, walang ganap

"May monopoly ka jul? Laro tayo monopoly" suggest ni alex

Stuck In LoveWhere stories live. Discover now