Chapter 6: Jay's ligaw

30 2 0
                                    

So yun na nga... Nanliligaw na si jay...Eh paano yun? Uunahin niya yung mga magulang ko? SIRA NA ATA ULO NATONG LALAKING TO!!! Oo sige aamin ako kinikilig ako HAHAHA pero that doesn't mean na sasagutin ko sya? Oo na gusto ko siya! Pero ayokong maging kami! Ayoko kasi magkaibigan kami tapos pag naging kame at nag break kami baka masira friendship namin! At ayokong mangyari yon! Isipin mo? 19 years na kaming magkaibigan tapos ano? Anong mangyayari pag naging kami at nag break kami? Masisira ng lahat nang yon! Magaaway tapos mag babati, kunwaring mag tatampuhan tapos isang minuto pa lang bati na...ayoko! Ayokong masayang yung pagkakaibigan namin ni jay...!
--------------this morning------------
•2 new messages from jay•
Jay:allaine pupunta ako sa bahay nyo ah.
Jay:liligawan ko mga magulang mo!

So yun na nga niligawan ni jay mga magulang ko! At baka pumunta sya sa bahay!

•@myhouse•
"ALLAINE!ALLAINE! lumabas ka jan sa inyo!" Sabi ni jay
"Allaine tinatawag ka ni jay. Nasa labas siya ngayon." Sabi ni mama sa'kin
"Pabayaan mo siya jan ma" sabi ko at mukang galit na galit su mama sa'kin.
"Allaine! Lumabas ka may dala siyang bulaklak! Nanliligaw na ba siya sayo?" Tanong sakin ni mama
"Just don't mind him ma!" Sabi ko
"So ano? Nililigawan ka nga niya?" Sabi ni mama sa'kin
"Kaya pala ang damu niyang text messages sayo!" Dagdag pa niya
"MA!!!" Sabi ko na asar na asar.
So yun na nga...di na nga ako sumasagot kay jay, di pa siya umaalis sa tapat ng bahay. Mukang uulan na! YES! Makakaalis na rin siya!

But....i was wrong.

Nandoon pa din siya. Confidently telling me outside that he loves me.

"jay...! Ano ba? Umuwi ka muna sa inyo!" Sabi ko sa kanya
"HINDE ALLAINE! Hindi ako susuko! Hindi ako aalis dito!" Sabi ni jay
"HAY NAKO JAY!" Sabi ko sabay bumaba at kumuha ng towel and extra T-Shirt. Nakakaawa na din kasi siya.
Nung time na bumaba ako....sabi nya sakin....
"Sabi na nga hindi mo ko matitiis eh. Ano? Sasagutin mo na ba ako?" Sabi ni jay
"Anong sasagutin? HINDI NOH! papapasukin lang kita sa bahay kasi naulan. Baka din kasi magkasakit ka!" Sabi ko kay jay.

At bigla ko na lang nakita si jay na yumuko at parang paluha.

"Oh, jay bakit?" Tanong ko sa kanya
"Umm, wala lang to. Nilalamig lang" nagsinungaling na sinabi ni jay sakin.
Suddenly...nag ring yun phone ko...tumatawag si tita! (Jay's mom)
And then I hurriedly picked it up.
----------------our convo-------------
                •on the phone•
Tita: hello? Allaine? Nanjan ba si Jay sainyo? Umalis kasi nang di nag papaalam eh.
Me:opo tita! Nandito po. Nabasa nga po ng ulan eh. Pero papahiramin na lang po muna namin ng damit ni papa.
Tita: ah, o sige salamat ah! Pauwiin mo na lang maya maya pag humina na ang ulan
Me: sige po! Bye!
                   •call ended•
"Oh...di ka pa papa nag paalam kay tita eh!" Asar ko kay Jay
"Ako na nga tong mapapagalitan mamaya, ikaw pa tong nang aasar" pikon na pagkasabi ni Jay
"Sorry na po boss!" Sabi ko kay Jay
"Boss???" Naguguluhan na sinabi ni Jay
"Bawal ka bang tawagin na boss?" Sabi ko kay Jay
"Bakit? sasagutin mo na ba ako?" Sabi ni Jay sakin
"Anong sasagutin? Sira ka ba!" Sabi ko
"Eh bakit may nickname na 'ko?" Tanong ni Jay sakin
"Bahala ka jan!" Naiinis kong sinabi kay Jay
"Bakit ba kasi ang hard to get mo? Sagutin mo na kasi ako!" Sabi ni jay sakin

Allaine's POV:
Ano ba jay! Naguguluhan na nga ako eh! Sasagutin ba kita? Or hanggang dito na Lang tayo? Wow ah...big word "TAYO"!!! Sasagutin ko ba siya?

"E-EHEM!" Sabi ni mama
"Paalala ko lang ah! Nandito ako!" Dagdag pa niya
"Yan kasi si Jay!" Asar ko pa muli kay Jay
"Ah, eh, sabi ko nga po eh HAHAHA" tawa na lang ni jay
-----------10 minutes later-----------
"Jay! Tapos ka na mag bihis?"
Tanong ko kay jay habang nagbibihis sya sa loob ng kwarto ko
"Jay papasok na ako sabihin mo pag ok na" dagdag ko pa
"Ok na!" Sigaw ni Jay sakin
So yun na nga pumasok ako. Then.......
"AHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ko
"Bakit? Allaine bakit?" Sabi ni Jay
"S-sabi mo tapos ka nang m-mag b-bihis? Eh bakit naka topless ka pa?" Tanong ko kay jay saby nakatakip ang mga mata ko.
"Oh, ano naman? Nakita mo lang abs ko eh. HAHAHAH" asar ni Jay
"KADIRI KAAAA!" Sigaw ko pa kay Jay
Lalabas na sana ako ulit ako pero hinawakan ni Jay yung kamay ko tapos pinigilan akong lumabas
"Allaine! Teka lang! May tanong ako" sabi ni Jay
"Ano yun?" Nakatakip pa din ang mga mata ko habang sinasabi ko to
"Hanggang kailan tong panoiligaw ko sayo? Kailan mo ko sasagutin? Kailan mo ko mamahalin" tanong ni Jay

Allaine's POV:
Woah! Grabe mga tanong niya! Mahal kita Jay! Ang tanong, mailalabas ko ba? Ayokong masira friendship natin eh. I wanna stay in my place. As a friend. I like you...NO! I mean, i love you! Sasagutin ko na nga yung tanong niya

"Maybe hanggang bukas...umayos ka lang! Maybe mamaya mahal na din kita!" Sabi ko kay jay sabay labas sa kwarto at bumaba

Bigla na lang ngumiti si Jay nung narinig nya yung mga sinabi ko. ALLAINE ANG TANGA MO! Edi syemre alam na niya na gusto mo din siya! HAYST!!!
"Ma? Kain na tayo!" Sigaw ko kay mama. Wala pa naman si papa eh so kami munang dalawa
"Oh sige anak. Isabay na natin si Jay! Medyo malakas pa naman ang ulan kaya isabay mo na!" Sabi ni mama sakin
"Sige ma!" Sabi ko kay mama

Hindi naman ako makatanggi at nanay ko na nagsabi! Mamaya pag sinabi ko na pauwiin na si Jay pagalitan pa ako.

"Jay! Bumaba ka na jan! Kakain na!" Sigaw ko kay jay
"Pababa na." Sabi ni Jay

So naghain na ako. Di naman pwedeng tutunganga lang ako. Lagot ako sa nanay ko kapag nakatunganga lang ako.

"Oyyy...mukang masarap ang ulam ah!" Sabi ni jay
"Ay syempre naman! Anak ko ang nagluto ng " sabi ni mama
"Hay...basta kumain na lang tayo daming daldal kasi netong si jay! Gutom na gutom na kaya ako!" Sabi ko
"Sige po SOON TO BE mrs. San Jose!" Agad na sagot ni jay

Pagkatapos kumain, Agad namang tumingin si mama ng nakangiti at biglang sinabi "Allaine ah! Sinagot mo na pala si jay!" Dahil bigla niyang naalala ang sinabi ni jay na SOON TO BE MRS. SAN JOSE.

Bigla naman kaming nagkatinginan ni jay at biglang tanong ni mama:

"Totoo ba yun? Hmm?"

"Hindi"
"Oo"
Sabi naming sabay ni jay.

"Ano ba talaga allaine? Sabi mo hindi pero sabi ni jay oo? Ano ba talaga ha?" Tanong ni mama na medyo seryoso
"Ma, kanino ka maniniwala? Sa anak mo o sa taong kilala mo lang?" Pabalik kong tanong kay mama
"Hay! Basta sagutin mo na lang tanong ko!" Sabi ni mama
"Hindi nga ma!" Sabi ko kay mama na medyo napasigaw
"Sorry na!" Sabi ni jay
"Napikon ka na agad? HAHAHAHA sasagutin mo ko no?" Biro ni jay
"DI KITA SASAGUTIN AND I NEVER WILL!" Sigaw ko sabay akyat sa kwarto ko.

My POV:
Mukhang na saktan ko si jay! ALLAINE KAILAN KA BA TALAGA AAYOS? tanga tanga! Tanga tanga! Lahat na ng katangahan nasayo! Bwiset naman!

One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon