May araw na nang ako'y nagising at laking gulat ko na lamang nang makita kong mayroong isang umbok na biglang lumitaw sa aking mukha, to be more speci c, sa gitna ng ilong. Habang nakatingin sa salamin at nagdadalawang isip kung titirisin ba o hahayaan na lang ang malaking umbok na dinoble ang laki ng aking ilong ay napakanta na lang ako ng Pers Lab. Iniba ko lang ang lyrics at isinakto ko sa aking buhay, "Tigyawat sa ilong, bukas ay sa pisngi. Sa kaka-daydream sayo'y tigyawat dumadami".
Tumingin ako sa orasan para makita kung ilang oras na lang ang nalalabi para sa aking unang klase sa eskwela. "May assignment nga pala kami sa Hekasi. Kailangan kong pumasok ng maaga para makakopya."
Bumaba ako sa aming hapagkainan upang tingnan kung ano ang aming ulam. "Gulay? Gulay na naman? Diet na naman ako nito!". Dahil sa pagkadismaya sa aking nakita ay nagbukas na lamang ako ng isang delatang sardinas. Nang mabuksan ito at maibuhos sa mangkok, dumiretso agad ako sa kaldero para kumuha ng kanin. "Wala nang kanin?" Nakakapanglumo!
Lumabas ako para bumili ng kanin sa nag-iisang karinderya sa aming lugar. Habang naglalakad papalayo sa aming bahay ay nakasalubong ko ang ilan sa aking mga kababata. Si Kathleen na may hineheleng anak, si Emman na nagpapako ng lumipad nilang bubong at si Anna na kasing payat na ng tingting dahil sa kakahithit ng sigarilyo. Buti na lang at hindi ako sa kanila napa-barkada kungdi, hindi malayong baka ganyan na rin ang kinahantungan ng aking buhay. Nakakalungkot isipin na 'yung dating kasama kong maglaro sa daan ay parang hindi na magkakakilala ngayon.
Pagdating ko sa karinderya ay nagtanong ako kung mayroon pa silang ibinibentang kanin. "Ay wala na po, hindi pa po kami nagsasaing ulit. Mamaya pa pong gabi." So ano 'to? Gusto ba niyang hintayin ko muna silang magsaing bago ako kumain? Ba't di na lang sila magsara?
Sa inis ko ay pumunta na lang ako sa bakery at bumili ng tinapay. Nagwawala na ang aking sikmura at nanunuyo na ang aking lalamunan. Pagdating sa bahay ay agad-agad kong sinunggaban ang tinapay at ipinalaman ang sardinas. Sa pagmamadali at sobrang katakawan ay nasamid ako at nabilaukan. Dumiretso ako sa aming water dispenser para kumuha ng isang baso ng tubig at doon ay nakita ko ang kalderong naglalaman ng kaning bagong saing.
"Nagpagod-pagod pa 'ko kanina, dito ka lang pala nagtatago. Anong trip mo?"
Nakaisip ako ng quote dahil sa nangyari kaya dali-dali akong kumuha ng sticky note, nagsulat at pinost ito sa dingding ng aking kwarto. "PIN YOUR THOUGHTS HERE".
Pinned: "Bago ka tumingin sa malayo, tumingin ka muna sa malapit sa'yo."
Gusto kong mapuno ang dingding na ito ng notes. Kaya magsusulat ako oras-oras ng mga naiisip kong quote at i-pi-pin ko ang mga 'yun dito sa dingding pag-uwi ng bahay. I need to make sure rin na parating nasa bulsa ko ang sticky note para kahit kelan lumabas ang idea, maisusulat ko agad.
Pinned: "Paano mo mahahanap ang hinahahanap mo kung hindi mo naman talaga ito hinanap?"
Pagkatapos kumain ay dumiretso agad ako sa banyo upang maligo. Nag-ayos ng sarili, nanghingi ng baon at pumasok na ako sa eskwelahan.
As usual, boring na naman ang klase na punong-puno ng mga aralin na hindi naman tuluyang pumapasok sa aking isipan. 'Yung tipong naririnig mo lang 'yung sinasabi ng teacher ninyo pero hindi naman talaga pumapasok sa kokote mo. Lalo na pag Math ang subject, simula nung naging tungkol sa Volume of a Rectangular Prism and a Cube ang topic namin, hindi na 'ko nakinig. Ang terror pa ng teacher namin, mukha namang penguin kung maglakad. Wala na ngang leeg, double dead pa 'yung buhok. Hitsura pa lang niya nakakabobo na, pa'no pa kaya kapag nagsimula na siyang magsalita sa klase? Ughhh! is is like hell.
BINABASA MO ANG
HOPIA (Sawi sa Pag-ibig)
Non-FictionHopia- n. bukod sa pagkain, ginagamit din ang salitang ito upang ilarawan ang mga taong umasa, pinaasa, at patuloy na nagpapakatangga sa ngalan ng oag-ibig. synonyms: self-less, shunga, martir, mouth-open-open ===================================...