PROLOGUE :
Tumakbo ako ng tumakbo...
Para akong isang ligaw na kabayo na tinutugis ng mga rebelde..
Hingal na hingal na ako..
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ay gusto kung lumayo!
Gusto kung tumakas..
Gusto kung takasan ang lahat...
Naglandas ang mga luha ko kasabay ng pag tulo ng mga pawis ko sa noo at mga katawan..
Heto na malapit na akong tumawid sa tawiran. Pinahid ko ang mga luha ko habang patuloy sa pagtakbo, Sa ginawa kung iyon ay hindi ko napansin ang sasakyan na matuling tumatakbo rin.
Nang mapansin ko iyon ay una kung naaninag ang dalawang taong sakay ng matuling sasakyan na yun, tila nag aaway ang mga ito..
Huli na ng marealized kung tumatakbo pala ako papunta sa kalsadang tawiran. Sumalpok ang katawan ko sa hood ng sasakyan, namanhid agad ang katawan ko, hindi ako makaramdam ng sakit, nakita ko ang dalawang tao na kanina lang ay nasa loob ng sasakyan.
Nasa labas na sila at mga nakangiwi halata sa mga mukha nila ang takot at pag-aalala habang nakaluhod ang isa sa kalsada at ang isa ay naka tayo naman.
Naramdaman ko na may umaagos na tubig sa ulo ko at ng balingan ko ito ay nanginig ako, hindi tubig ang nakita ko kundi dugo. Ang daming dugo halos sakupin nito ang buong ulo ko.
Ang huling naalala ko ay ang maamong mukha ng isang napakagandang babae, nakasuot ito ng puting bistida na may peach color sa may gitna, hindi umabot sa tuhod ang haba ng bistidang yaon. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya.
Nagsasalita ito pero nag eecho sa pandinig ko ang mga sinasabi nito, wala akong maintindihan.
"Heidi..."
Nasambit ko bago ako tuluyang mawalan ng malay tao..
BINABASA MO ANG
Dont Worry, Im a GHOST!
RomanceLOVE, COMEDY, HORROR, DRAMA! What if isang araw nawalan ka ng alaala at ang tanging kasama mo lang ay siya? Sa sobrang takot mo nilalayuan mo siya pero ayaw niyang umalis sa tabi mo? Ano gagawin mo? Tutulungan mo ba siya? Oh patuloy mo siyang tatak...