He and His Guitar...

382 13 24
                                    

T R I A L 2

Gitara ang laging hawak mo

Lagi mong sinisiguro

Na ito'y nasa tono

Pwede bang magpaturo?

Ito naman di mabiro

Para namang madaling matuto

Kung kasing gwapo mo ang magtuturo.

Bakit ba ganyan ka tumugtog?

Pati boses mo di ako pinapatulog

Para na nga akong sabog

Isipin ko lang kung pano ka kumanta at tumugtog

Wala na ayun puso ko nahulog

Ang lakas lakas ng kabog

Akala mo laging nagdadabog.

Pagngiti nga di ko na mapigilan

Sa mga harana mong sa puso ko'y nakakagaan

Kahit alam kong may iba kang pinagaalayan

Masaya na kong palihim kitang napapakinggan

Nakakasalubong sa daan

Sa canteen nakakabanggaan

Nakikita kahit na malayuan.

Pwede na siguro akong mag-release ng album mo

Sa dami ba naman ng kanta mo sa cellphone ko

Ibang usapan na yung mga video

Pwede ko naman sigurong ipagdamot yun kahit papano no

Maririnig na nga nila boses mo

Pati ba naman mukha mo

Wag na nga lang baka ipakidnap ka pa ng mga maiinlove sayo ng todo.

Tatapusin ko na nga muna tong pagsusulat 

May mga lamok ng nangangagat

Patapos ka na rin naman sa bagong kanta mong sinusulat

Ano kayang pamagat?

Sabihin mo na di ko naman ipagkakalat

Ang dami ko pang satsat

Eh! yung palihim ko ngang pakikinig, panunuod at pakikirecord nadin hindi ko nga mapagtapat.

Dapat ko na siguro tong tigilan

Bago mo pa ko tuluyang mahuli dito sa aking taguan

Mahampas mo pa saken ang gitarang yan

Sayang naman

Minsan ko na ring hiniling na maging ako yan

Kaya aking napagdesisyunan

Na....................................................................

Nawala bigla yung sinusulat ko.

He and His Guitar...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon