First day of school is always my most worst day ever.
"Cecil!! Yung susi ng garahe ko asaan?!" Sigaw ko habang na baba ng hagdan. Shutangina late na ako.
"Maam Cielo, naibigay ko na po sayo kagabi pag uwi niyo" kalmadong niyang sabi.
"Oh? Tinatanong ko ba? Sabi ko yung susi ng garahe ko asaan! Bobo!"
"Pero maam, wala ho sa akin. Wala na rin ho sa kwarto niyo. Maam mag commute na lang ho kayo" Wth?
"Wala kang kwenta! You're fired! Pag dating ko dapat wala ka na. Kundi baka ako ang sumipa sayo palabas!" Bulyaw ko sa kaniya. At nilagpasan siya.
"Gabo!" Mabilis namang lumapit si gabo. My driver.
"Good morning maam cielo, ano po iyon?" Lalong nag init ang dugo ko.
"You're fired! Wala karing kwenta! At walang good sa morning, Letche!"
"Pe- pero maam kailangan ko po ng trabaho para sa lima ko pong anak" nag mamakaawa niyang sabi.
"Wala akong pake! Its your fault anak ka ng anak hindi mo naman kayang suportahan! Kayo talagang mga lalaki lahat na lang dinadaan sa kama! Kabwiset!" Sigaw ko at nilagpasan na siya.
Lumabas na ako ng mansion.
So i don't have a choice kundi sumakay ng jeep. Swerte ko na lang kasi kung merong maligaw na taxi sa highway. First time kong sasakay. Tch.
May humintong jeep sa harapan ko. Tiningnan ko yung mga passengers. Lahat sila naka tingin sa direksyon ko.
"Safe ba dito?" Natawa yung iba at yung iba naman ay parang nainsulto sa tanong ko. Duh, para kasing anytime mag kanda kalas kalas yung mga pyesa.
"Miss sumakay ka na lang, malalate na kasi kami sa mga pupuntahan namin" sabi nung lalaki na parehas lang kami ng pinapasukan. Well his handsome enough.
Inirapan ko na lang siya at tumabi sa bakanteng upuan katabi ng driver. Inabot ko muna kay kuyang driver yung Gucci kong bag bago ako sumakay.
And done! Nakaupo na ako. Kinuwa ko naman agad yung bag ko sa driver.
Mabilis ako kumuwa ng Alcohol at nag spray sa kamay at sa paligid ko.
"Miss ano ba! Nai sprayan ako sa mata!" Reaklamo nung babae sa likod ko.
"Oh my fault, kala ko mikrobyo eh!" Irap ko sa babae.
Nag bayad na yung iba kaya nag bigay na rin ako ng pambayad.
"Kanino tong isang libo?" Tanong nung driver.
"Mine" imik ko.
"Neng bawal ang buong pera sa umaga. Barya lang" sabi nito at ibinalik sakin yung isang libo.
"So durog pala gusto mo?" Inirapan ko siya. Nag halungkat ako ng bente sa bag. Oo sa bag. Kasi naman puro cheque at libo ang laman ng wallet ko.
Inabot ko sa drayber yung bente.
"San 20?" Tanong nung drayber.
"Nasayo ah. Ayan oh, nasa kamay mo" Nag pipigil ng tawa yung ibang pasahero. What so funny?
"I mean, san galing?" Oh my ghad! Kunti na lang iuumpog ko na talaga yung drayber! Susko!
"Sa bag ko" hindi na napigilan nung iba kundi tumawa na sila nang tumawa. Gesh. What's wrong with them?
"Hindi, san sumakay?" Napabuga ako ng mabigat na hininga dahil sa kabobohan ng drayber na to.
"Sa jeep mo manong" Mas lalong lumakas ang tawa nung mga pasahero.