INVISIBLE

56 2 0
                                    

Invisible

By: BabyShikshin

Pinagmamasdan ko siya mula sa malayo. Hinihintay na baka sakaling lumingon siya at makita niya sa mga mata ko ang sayang dulot niya sa buhay ko. Inaaral ko ang bawat kilos niya upang kahit hindi na siya abot ng aking tingin ay mananatili siyang nasa isipan ko. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, naiisip kong kahit na anong gawin ko, hindi nya pa rin ako makikita o lilingunin man lang.

Tatlong taon. Tatlong taon ko na siyang pinagmamasdan sa malayo. Tatlong taon ko na siyang gustong kaibiganin o kausapin man lang pero sa tuwing magtatangka ako, bigla akong nawawalan ng lakas ng loob na gawin iyon.  Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya pero ang malinaw lang saken, masaya ako at bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. At siguro dahil sa takot na ma-reject niya, nanatili ako sa lugar at pagkakataon na hindi niya ako makikita. Na kahit malapit lang ako sa kanya, he will never see me no matter what I do. 

“Uy Andrea! Baka matunaw yan sa mga titig mo”

Muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat. Buti na lang nakontrol ko sarili ko.

Siya si Pia. Ang nag-iisang tao sa campus maliban saken  na nakakaalam na matagal ko ng gusto si Alvin. Alam ni Pia lahat ng nararamdaman ko sa lalaking iyon pero dahil siya ang best friend ko, napakalaki ng tiwala ko na mananatili itong lihim sa pagitan naming dalawa.

“Ano ka ba naman Pia? Wag ka ngang maingay diyan, mamaya marinig ka nila. Mahalata pa nilang may lihim akong pagnanasa sa kanya.”  Sabi ko sa kaniya. Lagi niya naman itong ginagawa saken pero kahit kelan, hindi pa rin ako nasasanay. Lagi pa rin akong natatakot na baka malaman niya ang lihim na pagtingin ko sa lalaking iyon.

“Alam mo, kung sana eh inaamin mo na sa prince charming mo ang nararamdaman mo, ede sana mas masaya diba? Ano naman kung malaman nya at iwasan ka niya? May pinagkaiba ba yun sa sitwasyon mo ngayon? Baka nga mas pansinin ka niyan kapag umamin ka eh. Sige ka, baka maunahan ka ng kung sino diyan. Mas madaling umamin kesa magsisi.”

Napaisip ako sa mga sinabi nya. Oo, para sa kanya, napakadaling umamin ng nararamdaman pero iba ang kaso ko pagdating kay Alvin. Siya lang ang kaisa-isang lalaki na nagustuhan ko sa buong buhay ko. Okay fine, corny na kung corny pero yun talaga ang totoo. Never pa akong nagkagusto sa kahit sino dahil masasabi kong pihikan ako pagdating sa pagpili ng magugustuhan pero hindi ko rin naman alam kung anong mayroon kay Alvin at napansin ko siya. Napakahaba na ng tatlong taon kung tutuusuin dahil kung crush lang to or simpleng pagkagusto lang, sana matagal ko na siyang nakalimutan pero there’s something in him that I can’t help but to stay.

“Mas ayos na sakin ang gantong set-up Pia. And besides, hindi rin naman  niya ako magugustuhan kaya bakit pa? Don’t worry, malay mo, hindi pala kami para sa isa’t-isa. Atlis, may matatawag akong first love kapag kinasal na ako.”

“Bahala ka nga. Ewan ko ba sayo. Tatlong taon na kitang pinipilit umamin pero never naman kitang napa-oo. Lagi kang may dahilan.”

Ngumiti lang ako sa kanya. Isang mapait na ngiti na lagi niyang nakikita saken every time na napag-uusapan si Alvin. Haaaaay. Sinong nagsabeng lalaki lang ang pwede maging torpe? Meron ding babae at isa na ako dun.

“By the way, Andrea. I have to go na kasi may next class pa ako. Kita-kits na lang mamaya ha? And wag mong tutunawin sa titig si Alvin ha? Bye!”

Ibang klaseng bestfriend talaga. Nakuha pa akong asarin bago umalis. Tiningnan ko yung kinauupuan ni Alvin kanina. Wala na siya doon. Tumingin ako sa paligid at baka sakaling makita ko siya pero bigo akong makita kahit ang anino niya. Habang abala ako sa paghahanap ng prince charming ko, nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko.

INVISIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon