Chapter 28: Video Call

2.1K 50 4
                                    

Chapter 28: Video Call

Cindy Rella's POV

What the fuck!

Sorry sa bad word pero ano kasi eh...

Pagkatingin ko sa hagdanan ng aming bahay,

Nakita ko yung pugot na ulo ni kuya Justin.

Pero siyempre joke lang yun!

Joke lang talaga yun sorry na!

Kasi nga ganito yung nakikita ko ngayon,

Si Kuya Justin habang naglalakad pababa ng hagdan. Suot ang kulay black na tuxedo at sumbrero ng piloto. Bitbit ang malaking lambat na panghuli ng isda.

Siyempre joke lang ulit yun.

Sa tingin niyo ba magtu-tuxedo siya papuntang mall? At may bitbit pang lambat? Ano yun gagawin niyang shopping bag yung lambat?

Tapos yung sumbrero ng piloto,

Ireregalo niya doon sa bodyguard ng mall para maiba naman?

Abnormal lang.

So eto na talaga yung totoo.

Ang gwapo ni Kuya ngayon kahit simple lang ang suot niya.

Nakasuot siya ngayon ng,

Barong at saya.

Joke ulit yun haha!

Barong sa loob ng mall? At ang malupet naka saya pa? Ha lang. Ang dami kong tawa mga isa.

So eto na talaga yung totoo!

Promise totoo na 'to!

Kunin niyo na ang kagandahan ko kapag hindi pa rin ito totoo.

Simple lang nga kasi ang suot niya ngayon.

Naka-jeans siya at with a white shirt na pinatungan ng black na jacket.. Bumagay pa doon yung gulo-gulo niyang buhok.

Nang makarating siya sa harapan ko ay napansin ko yung,

Sapatos niya na magkaiba!

PFFT!

Yung isa kulay brown at yung isa naman kulay black!

"Kuya! Yang sapatos mo tingnan mo! PFFT! Hahaha!"

Tiningnan niya yung sapatos niya. Namula siya dahil sa kahihiyan.

"Hahahaha! Push mo yan!" Panga-asar ko pa. Dali-dali siyang tumakbo paakyat ulit sa taas.

Maya maya din ay bumaba na siya.

Buti naman parehas na yung suot niyang sapatos.

Kundi baka mapagtawanan lang siya ng mga makakakita sa kanya.

"What time is it?" Tanong ni Kuya Justin.

I look at my wristwatch. And it's also pink! "It's already 9:00 AM kuya." Sabi ko.

"Okay." Sagot niya.

"Bukas na ba yung mall ngayon kuya? Parang ang aga pa kasi eh."

"Hindi pa?" Patanong niyang sagot.

"Ba't kasi ang aga mo kuya? Edi ngayon maha-haggard pa tayo bago makarating sa mall? Nakakainis ka!" Naka-pout kong sabi.

"Ako pa sinisisi mo ngayon Cindy Rella? Eh ikaw nga 'tong gumising sa akin para maghanap ng chocolate. Wala ka namang sinabing oras eh." Sabi niya.

Hala! Ano daw?

Cindy Rella?!

Walanghiya ka, Kuya!

My Cold FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon