Napatalon sa tuwa ang magkakaibigan nang nakarating sa bahay bakasyunan ng kaibigan nilang si Kiana.
Habang si Kenneth naman na kanina pa abala sa pag aayos ng sasakyan nila
"Ano ba iyan Ken nandito tayo para mag bakasyon hindi ayusin yang sasakyan mo!" naiiritang sambit ng kaibigan nila na si Jane, ang pinaka reklamador at maarte sa kanilang lahat.
Napairap nalang si Patricia sa inasta ni Jane. Kinalma nalang ni Kiana ang kaibigan na si Patricia dahil alam neto na mainit ang dugo ni Jane at Patricia sa isa't isa
"Pare tara na at mamaya mo na ayusin ang sasakyan natin" mahinahong sabi ni JD dito
"C'mon JD i'm so tired na." maarteng sabi ni Jane sa binata. Napailing nalang si Kiana sa inasta nito.
"Napaharot talaga" mahinang sabi ni Jayla sa mga kaibigan nito. Natawa naman silang lahat sa sinabi nito
"Di niyo man lang ako ginising people!" pagbibiro ni Daryl na kakababa lamang sa kanilang sasakyan.
"Bakla ka wag ka ngang sumigaw at baka maka abala pa tayo sa mga kalapit na bahay dito tsk tsk" pagsusuway ni Jayla dito
"Ang tanong teh may mga kalapit na bahay nga ba dito?" humalakhak naman si Daryl matapos iyon sabihin
Napalingon naman ang ibang kasamahan nila sa labas ng gate ng bahay.
Kapansin pansin nga ang mga puno at wala ni isa ang ibang bahay na nakatayo malapit sa bahay bakasyunan ng pamilya ng kaibigan nilang si Kiana
"Weird.." mahinang sambit ni Patricia sa nakita niya.
"Nasa gitna kasi ng gubat ang bahay bakasyunan namin" paliwanag ni Kiana habang nakatitig lamang sa kawalan, "Ang sabi kasi ng lola ko ay makaka sa iwas panganib raw dito." dagdag pa nito
Tumango nalang ang mga kaibigan nito atyaka inayos ang mga bagahe nila bago tuluyang pumasok sa mansyon.
**
Habang naglalakad papasok ang magkakaibigan ay kitang kita sa mga muka nito ang pagka mangha sa loob ng mansyon ng kaibigan nila.
"Ang yaman niyo pala talaga Kiana!" masiglang sabi ni Kenneth sa dalaga, ngumiti ito bago ito magsalita "Binili lang nila mommy ang mansyon na ito, isang regalo na para kay lola na matagal nang gustong ibalik daw muli ang bahay na ito."
**
Habang nasa kuwarto ni Kiana ang mga kaibigan neto ay binasag naman ni Daryl ang katahimikan na namumuo sa magkakaibigan
"So girls napag usapan na namin nila JD at Kenneth na sa iisang kwarto matutulog" masayang pagbabalita nito sa mga kaibigan
"Siguro ay may balak kang gapangin sila nako ang galawan mo Daryl" natatawang biro ni Patricia dito. "Duh as if naman patulan ng boys si bakla." maarteng sabi ni Jane dito
Di nakapag timpi si Daryl sa nasabi ng dalaga sakanya kaya naman ay sumagot na ito, "Aba't!--" agad naman siyang pinigilan ng kaibigan netong si Jayla at Kiana
"Ano ba Jane? wag mo munang pairalin ang kapilyahan mo ngayon please?" mahinahong pag suway ni Patricia dito. "Okay fine" napairap naman si Jane atyaka sinalpak nito ang earphones sa tainga nito
"Whore." mahinang sabi ni Jayla, samantalang si Kiana ay tahimik lamang pinapakalma ang mga kaibigan neto
**
Samantala sila JD at Kenneth naman ay nagawi sa isang bakanteng silid sa pinaka dulo ng pangatlong palapag ng mansyonDahan dahan lang naglakad ang magkaibigan patungo sa silid na iyon at habang si Kenneth naman ay dinadapuan ng kaba sa katawan nito
"O pare" tinapik ni JD ang kaibigan nitong si Kenneth na bigla nalang nawala sa urilat
Napailing na lamang ito bago nito pasukin ang silid na kanina pa nila gusto alamin kadahilanan rin ng kuryosidad ng dalawa
Dahan dahang pinihit ni Kenneth ang doorknob at nanalangin ito sa kaniyang isipan bago pasukin ang silid na natagpuan.
Pagkabukas ng pintuan ng silid ay nanlaki ang mata ng dalawa sa nakita at naamoy mula sa loob ng kwartong ito
"Napaka lansa at dumi ng kwarto na 'to! fck!" reklamo ni JD sa kaibigan nito. Agad naman silang lumisan sa kwarto at dali daling pumunta sa palikuran upang mailabas ang di nila masikmuraan na umaalingasaw na amoy galing sa kwartong iyon.
"Hindi ba nililinis ang kwartong iyon? napaka dumi at baho!" reklamo pa ng binata.
BINABASA MO ANG
Ria Mia
Horror"Hindi sila nagiisa. hindi ka nagiisa. nandyan lang sila sa tabi-tabi, para maghiganti. kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo ngayon? Si Ria? o si Mia?" All Rights Reserved 2015 @iiHope