Chapter 1

319 22 9
                                    

Warning: Harsh Words not suitable for very young readers.. Gusto kong makilala niyo si Devon kaya ganito next Chapter yung kay Agnes.

________________________________________

Bored na Bored akong naglalakad papunta sa Classroom namin, After kasi ng sagutan namin ni Agnes inawat kami ng epal na Guidance Counselor. Warning-Warning pang nalalaman pweh! May kumpol na mga bara sa dinaraanan ko, Tinignan ko lang sila agad naman silang gumilid.

"Uy si Devon dadaan tabi ka."rinig kong bulong ng isang babae sa kaibigan niya at lumingon muna ang gaga bago tumabi. Napa-iling na lang ako at naglakad na lang, Earthlings yan ang tawag ko sa mga walang kwentang estudyante dito sa University lahat naman sila walang kwenta.

"Excuse me are you Devon Santana?"sabi ng isang hilaw na lalaki sa akin, Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tanga ba siya? Nakalagay na nga sa tag ko nagtanong pa!

"Ano ito?"tanong ko sa kanya sabay turo sa tag ko na nakakabit sa may dibdib ko.

"Oh so you're Devon Santana?"tanong niya sa akin nag-role eyes na lang ako.

"Wag mo kong kausapin tanga ka."sabi ko sa kanya at nilampasan ko na lang siya, Ang gago magtatanong kung ako si Devon Santana eh nakabalandra na nga sa kanila ang bwisit na name tag ko dito sa uniforme namin.

Sinalubong ako ni Vienna Sausage na nakataas pa ang kilay, Inirapan ko lang hindi ako makikipagtalo sa isang sausage. Bestfriend yan ni Agnes sa kanilang dalawa iyan ang palaban ewan ko kung paano nagkasundo yung dalawang yun, War freak si Sausage samantalang si Agnes santa.

"Scared of me Devon?"tanong niya sa akin hindi ko siya pinansin, Hindi ako kumakausap ng tanga.

"Bagay nga ang name mo sa iyo Demonita ka."sa sinabi niya napalingon ako ng nakangiti sa kanya, Once in a blue moon ko lang siyang ngitian kaya sulitin niya na ang magaganda kong ngiti.

"Alam ko hindi mo na kailangan ipalandakan sa akin kasi proud ako na ang pangalan ko kasing ugali ko eh ikaw proud ka bang brand ng sausage ang pangalan mo at mukha kang sausage?"sabi ko sa kanya at namula siya sa sobrang asar, Napa-smirk na lang ako sabay naglakad palayo sa isang babaeng makikipag-away sa iyo tapos kapag sinagot mo tiklop agad ang gagawin. See walang kwenta!

Pumasok ako sa Classroom at bored na bored akong naglakad sa upuan ko kaya lang peste may nakaupong weirdo doon.

"Oy lumayas ka diyaan."sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin, Naka-Hoodie ang gago. Lamig ano? Tirik na tirik ang araw tapos naka-hoodie? Weirdo.

"Nauna akong umupo dito."sabi niya at napa-tawa ako ng sarkastiko sa kanya.

"Ha.Ha.Ha. Wala akong pake kung nauna ka diyaan tumayo ka kasi pwesto ko yan hindi mo ko kilala at hindi mo alam kung anong kaya kong gawin."sabi ko sa kanya at hindi lang niya ko pinansin sa sobrang asar ko tinanggal ko ang Hoodie niya napatingin naman siya sa akin.

"Kilala kita ikaw si Devon Santana and isa kang Demonyita."sabi niya at napasmirk ako sa kanya, Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Alam mo naman pala eh bakit hindi ka tumayo diyaan?"tanong ko sa kanya, Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"Kasi wala rin akong pake kung ikaw si Devon Santana at isa kang Demonyita, Umupo ka na lang sa tabi ko kung gusto mo dito."sabi niya sabay hatak sa akin kaya naman napanganga ako sa kakapalan ng muka nitong lalaking ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angranda Dangrada of Monte Clara *SOON*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon