@ Boys Car
Jon - Ang ganda pala talaga ng Batangas Bro no! Babalik talaga ako dun! Tsaka yung mahabang bakasyon talaga!
Paolo - Ikaw lang ba?? Syempre tayo no! Babalik tayo!
Zeus - Oo nga! Pero sa pagbalik natin sisiguraduhin namin ni Jon na hindi na kami mag-iisa!
Jon - Oo nga! Bilis niyo kasing makahanap eh..
All - Hahahahah....
Jerome - Pero maiba ako Bro. Pwede niyo ba akong tulungan??
Jameson - Tulungan saan Bro??
Jerome - Kasi, first day ng panliligaw ko kay Elisse bukas eh.
Ryle - Haha. Uso paba ligawan ngayon Bro?? Hahaha...
Paolo - Oo nga! 90's lang ata na uso yan eh!
Tumatawa silang lahat...
Jerome - Bro! Bro! Ibahin niyo si Elisse sa mga babaeng nakilala niyo.. hindi siya katulad ng iba na madaling makuha.. siya yung babaeng pinaghihirapan at hindi pwedeng lokohin..
Tom - Haneeep ah!! Ikaw ba yan Bro?? Hahaha...
Ryle - Oo nga! Nuon laru-laro ka lang ah! Anyari sayo Bro??? HAHAHA.
Jerome - tumigil na nga kayo Bro. nuon yun! Tsaka bakit hindi ba pwedeng magbago ang isang tao??
Jon - Ano ba kayo Bro, Ganyan talaga ang nagagawa ng inlove!
Zeus - Ah.... yun naman pala! Inlabado kasi....... Hahaha :D
Tumatawa silang lahat!
Jameson - Bakit Bro, ano bang plano mo sa unang panliligaw mo??
Paolo - Oo nga. May naisip ka naba??
Jerome - Yun nga eh, hindi ko pa alam kung anung gagawin. Gusto ko kasi maging memorable ito sa kanya kasi first time niya ito..
Ryle - Ha? Talaga ba?? May first timer pa pala ngayon.?
Jerome - Oo naman! Kaya nga sabi ko sa inyo ibahin niyo si Elisse sa iba kasi hindi siya basta-bastang babae.. actually, silang lahat first timer sa mga ganyan kaya kayo ah! Wag niyong paglaruan sila kasi mababait yung mga yun. Kaya kung laru-laro lang habol niyo sa kanila wag niyo na ituloy kasi hindi sila dapat pinaglalaruan..
Tinawanan lang nila si Jerome.
Jerome - Oh! Anong nakakatawa sa sinabi ko?? Hoy Bro! Totoo sinasabi ko...
Tom - Eh kasi...... ang haba ng response mo Bro. May pa sirmon kapang nalalaman ah... hahahah
Jon - Oo nga!Tsaka, Kilala mo naman kami Bro. Hindi namin magagawa yan.
Jerome - Siguraduhin niyo lang Bro, mahirap na...
Zeus - Uy.... si Jerome takot na ata kay Elisse. ... wag ganyan Bro bawal under sa tropa natin.....
Tumawa lahat exempt Jerome.
Paolo - Oo nga! Hahaha..
Jerome - Uy! Hindi naman sa under ako, ayoko lang masira image natin no! Varsity pa naman tayo...
Jameson - Well, may point naman si Jerome Bro. Mahirap na masira ang image natin sa Campus.
Jerome - So, ano na gagawin ko Bro? Tulong naman jan oh!
Tom - Take her out on a date Bro. It sounds romantic.
Ryle - Wag yan Bro. Common eh! Hmmm.. eh kung... haranahin mo kaya Bro!
Jon - Luma na yan Bro! Bigyan mo nalang ng sweets Bro.
Zeus - masyadong common yan Bro. Kung eh hatid sundo mo nalang siya sa UST. Plus pogi points yun....
Paolo - Give her Flowers everyday Bro. Okay din yun.
Jameson - Eh kung...ligawan mo muna kaya parents niya Bro.. yun ang pinakamaganda sa lahat...
Jerome - Actually Bro, lahat ng opinion niyo magaganda and I decided na gawin lahat ng sinabi niyo... kasi Elisse is like what call " Babaeng Pilipina " kaya I think deserve niya lahat ng sinabi niyo...
Zeus - Wow! Naniniwala na talaga ako na iba talaga ang nagagawa ng Pag-ibig. Hahaha...
Jon - Oo nga! I salute you Bro! Ikaw na! Hahaha.
Tumawa lahat.
Jerome - Baliw talaga kayo... Hahaha.. pero salamat sa inyu Bro ha...
Tom - Asus! Wala yun Bro! Kaya nga tayo magkakaibigan diba? Dapat talaga tulungan sa lahat!
Paolo - Oo nga! Tsaka. Wala naman kamin nagawa opinions lang naman yun Bro.
Jerome - Kahit na Bro. Malaking tulong patin yun.. pero Bro, may last favor pa sana ako sa inyo eh..
Jameson - Ano yun Bro??
Jerome - Hmmm... balak ko sana pag hihingin ko na ang "OO " niya inggrade at memorable ito. Pwede niyo ba akong tulungan?
Ryle - Sure yan Bro! Ikaw pa! Count us in Bro!
All - Tama! Hahahahah....
Jerome - Salamat talaga sa inyo Bro ha..
Zeus - Asus!
Tom - Pero Bro, pwede mo rin ba akong tulungan kay Sofia?
Paolo - Ako rin Bro kay Julia.
Jameson - Ako rin sana Bro kay Jane.
Ryle - Wagmo rin ako kalimotan para kay Julia Bro.
Jerome - Wait! Sure naba kayo jan? I mean kilala ko na kasi si Jameson alam ko loyal siya pero kayo Tom, Paolo at Ryle sure naba talaga kayo jan? Baka joke lang yan ah.. Nako Bro malaking trouble yan pag nagkataon..
Ryle - Bro, wala natong joke! I'm fallen to Julia.
Paolo and Tom - Ako rin Bro!
Jon - Wow ha! Sabay pa talaga kayo?? HAHA. . Puso talaga oh!
Jerome - Okay sige. Ako bahala sa inyo Bro.
Zeus - Wow ha! Usapang puso talaga tayo ngayon? HAHAH. Haneep niyo Bro!
Jameson - Mag focus ka nalang jan Bro. Hahaha.
All - Oo nga! HAHAHA...
After ng Conversation nila na pagpaplano para sa unang araw ng panliligaw ni Jerome kay Elisse nag sound trip nalang ang magtropa hanggang sa nakatulog na sila exempt Zeus kasi siya ang nagdadrive, malamang! After 345678 nakarating na sila sa mga bahay nila..
ABANGAN ang susunod na kabanata sa UST para sa unang panliligaw ni Jerome kay Elisse. ..
Enjoy reading guys. . And don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Kung Maibabalik Ko Lang
FanfictionBattle of the HEART and MIND Starring Jerome Ponce Elisse Joson Marc Carlos De Leon