Prologue

5K 53 3
                                    

"Bes, paglaruan kaya natin yung boyfriend mo? Kunwari makikipagbreak ka."

"Ano ba bes. Mahal na mahal ko si Patrick."

"Alam ko, kaya nga titignan natin kung mahal ka rin niya."

"No need. I know he loves me more than anything else. Almost 3 years na kami."

"Almost 3 years na nga kayo pero di ka pa rin niya mapakilala sa parents niya. Ganon ba ang love? Tinatago?"

Bigla akong napa-isip sa sinabi ni Shiela, ang bestfriend ko. Since high school ay friends na kami ni Shiela. Alam namin ang sikreto ng isa't isa kaya nga madalas siyang mag-overnight dito sa bahay at ganoon din ako sa kanila.

Alam ko naman na gusto ni Patrick na maging legal kami. Pero, hindi pa ngayon. Gusto niya na kapag nakagraduate na kami at may trabaho na. Naiintindihan ko siya. Pero hindi ko rin maiwasan na pagdudahan siya dahil mahigit tatlong taon na kami. Kahit ganon ay mahal na mahal ko siya.

"Akin na nga 'yang phone mo. Ako na magtetext kay Patrick." sabi ni Shiela sabay agaw sa phone ko.

"Hay! Ano ka ba? Wag mo na ituloy yan. Akin na nga yang phone ko! Matulog na lang tayo. 12:05am na oh." sigaw ko habang inaagaw ang phone kay Shiela

"Nako sobrang kampante mo talaga sa boyfriend mo. Susubukan lang naman natin kung ano ang gagawin niya kapag nakipagbreak ka. Yun lang. Tapos, aamin tayo na biro lang ang lahat."

"Nako ayoko ko. Akin na yang phone ko. Matulog na tayo." seryoso kong tugon kay Shiela at sabay niya naman na inabot sa akin ang phone.

After that moment, nag-kwentuhan pa kami hanggang sa makatulog ako. Around 3:00am nang bigla akong magising. Pinag-papawisan ako. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko may masamang nangyari. Tumingin ako sa paligid ko. Kinabahan ako dahil wala sa tabi ko si Shiela. Madilim ang kwarto at pagkapa ko ay basa ang kama. Mas lalo akong kinabahan. Dugo kaya 'to? Dahil madilim hindi ko makita. Sumigaw-sigaw na ko nang bigla bumukas ang ilaw.

"Oh 'bat ka sumisigaw dyan?" tanong ni Shiela

"Shiela? Bakit basa ang kama?!" tanong ko at sabay amoy sa kamay ko. "Shit"

"Sorry. Hahahaha ganito talaga kapag pagod ako." tugon niya habang tumatawa

"Teka, bakit hawak mo ang phone ko?" tanong ko

"Derp. Sorry bes di ko kasi napigilan."

"What?! Akin na 'yang phone ko."

Binasa ko ang conversation nila Shiela at Patrick. Sobrang daming message ni Patrick at nagmamakaawa. Di ko mapigilan mapaluha sa mga nabasa ko. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya sa akin.

"In fairness, mahal ka talaga ni Patrick ha. Kaso tinulugan ata tayo. Hanggang ngayon hindi pa ulit siya nagrereply. Sabi niya pupuntahan ka niya raw dito pero hanggang ngayon wala pa. Hmmmm" singit ni Shiela

"Ano ba kasi 'tong ginawa mo." tugon ko habang kinakabahan

Hindi na ako nakatulog. Hinintay ko si Patrick. Sumikat na ang araw pero hindi pa rin siya dumarating. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero nakapatay. Hindi ko siya macontact. Hindi na ako mapakali. Nakaalis na rin si Shiela para umuwi sa kanila dahil may pasok pa kami sa school mamayang hapon. Lumipas pa ang ilang oras at nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Pumasok na ko sa school. Habang nasa byahe ay di siya mawala sa isip ko. Pagdating ko sa school, biglang may humarang sakin sa gate. "Patrick?" bulong ko habang nakangiti siya sa harapan ko.

Patrick's POV

Sobrang lakas ng ulan ng gabing iyon. Nasa labas ako ng bahay habang humihithit ng sigarilyo nang bigla akong makatanggap ng text mula kay Alyanna. Napangiti ako kase malamang mangungulit na naman 'to. Siya na siguro ang pinakasweet na girlfriend. Ang swerte ko sa kanya.

Agad kong tinapon ang sigarilyong hawak ko at tinapaktapakan. Binuksan ko yung message niya. Bigla nalang naglaho ang ngiti sa mukha ko. Bigla akong nanghina. Nakikipaghiwalay siya sakin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Naranasan niyo na ba yung gusto mong pigilan ang pagtulo ng luha mo pero di mo magawa. Kahit anong pigil ko, napapahagulgol ako sa iyak. Tinetext ko siya. Nagka-usap kami sa text. Sinusubukan ko siyang tawagan pero binababa niya. Nag-usap kami through text. Napatakbo ako papunta sa kanila. Sa loob ng tatlong taon, wala kaming naging problema kaya nagulat nalang ako sa sinabi niya. Dahil gabing-gabi na, halos wala ng jeep na dumaraan. No choice kundi tumakbo at maglakad. Hingal na hingal ako. Tanaw ko na ang bahay nila Alyanna nang makarinig ako ng putok ng baril. Napahinto ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Pagtingin ko, may dugo. Napaluha ako habang nakatingin sa bahay nila Alyanna. "Yanna" bulong ko hanggang sa napapikit na ako. 'Tila nasa alapaap ang pakiramdam ko...

11:00AM nagising ako. Napabangon agad ako mula sa pagkakahiga. Ang sama ng panaginip ko. Nakikipaghiwalay daw sakin si Alyanna. Napabuntong-hininga nalang ako. Lumabas ako ng kwarto ko. Nakita ko ang sila na naka-itim lahat. Umiiyak.

"Ma, sinong namatay?" tanong ko pero walanh sumasagot

Para bang hindi nila ako nakikita. Tinignan ko sila, kumpleto naman sila kaya nagtataka ako kung sino ang namatay. Lumapit ako sa kabaong. Unti-unti akong sumilip. Napaluha ako sa nakita ko. Tinignan ko ang sarili ko. Lumingon ako sa paligid ko at humahagulgol sila sa iyak. Agad ko silang nilapitan pero 'tila hindi nila ako nakikita. Napapahagulgol na rin ako. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang phone ko. Nangangatog ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang phone. Nalilito... naiiyak... "Totoo ba 'to? Patay na ko?". Binuksan ko ang messages ni Alyanna. Doon, tuluyan na kong nanghina. Nanlumo... Pumunta ako ng school at inabangan ko si Alyanna kahit alam kong hindi niya ko makikita. Ilang oras lang ay dumating na siya. Pagkababa niya ng jeep, agad ko siyang hinarangan sa gate ng school at ngumiti ako. Pinipigilan ang pag-iyak.

"Patrick?" bulong ni Alyanna at di ko na napigilan ang maluha sa narinig ko. Nakikita niya ko...

"The Day You Left Me"

The Day You Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon