PART 1: THE BEGINNING

3.5K 42 11
                                    

Kabanata 1: Ang Simula



*KRING KRING KRING KRINGGGGG*

Agad na bumangon si Alyanna at pinatay ang maingay na alarm clock. Nag-unat ng kanyang mga buto at 'tila inaantok pa. Sinubukan niyang maglakad kahit nakapikit pa. Gulo-gulo ang buhok at may bakas pa ng laway sa pisngi.

*TOK*

"Aww" sigaw ni Alyanna at napahawak siya sa kanyang noo nang mauntog siya sa pintuan ng kanyang kwarto. Dahil doon, nagising siya at nanlaki ang mga mata niya. Hinanap niya agad ang orasan.

"Sh*t 8:00am na! First day of school tapos late pa!" Sigaw niya at dali-dali siyang kumuha ng towel at shampoo.

Habang naliligo siya ay biglang tumunog ang phone niya. *Shiela is calling....*

Agad na nagtakip ng towel si Alyanna para kunin ang phone niya.

"Hello?"

"Alyannaaaaa! Nasaan ka na ba? Nandito na ko sa school. Ang daming tao. Aren't you excited?! Nakakakaba. First day natin 'to bilang college students!"

"Oo na Shiela. Hintayin mo ko on the way na ko." Sabay patay ng phone niya at binato sa kama. Nagmadali siyang bumalik sa banyo.

Matapos maligo, aligaga siyang naghanap ng isusuot. Dahil wala naman required uniform sa kanilang pamantasan. Nagsuot siya ng pink dress and white shoes. Agad siyang bumaba ng kwarto at lumabas ng bahay. "First day of school. Aja!" Bulong ni Alyanna sabay ngiti.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay nabunggo niya ang isang babae. Magandang babae.

"Ouch! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" bulyaw ng babae

"Sorry" bulong ni Alyanna

"Babeeeeeeee! Look at this girl. Binunggo ako. I hate her!" Sigaw ng babae habang tinatawag ang kanyang boyfriend. Tumakbo papalapit ang lalaki.

Si Alyanna ay 'tila natulala sa papalapit na lalaki. Parang tumigil ang mundo. Tanging tibok ng puso ang naririnig niya. *tug tug tug...* Parang nag-slow motion ang lahat hanggang sa tuluyan nang nakalapit ang lalaki.

"Babe, ayos ka lang?" Tanong ng lalaki

"O-oo babe" mahinang tugon ni Alyanna habang namumula. Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinakpan ang kanyang bibig

"Hmm ye-yes. Ayos naman ako. Medyo masakit lang yung arms ko because of this girl" habang nakaturo kay Alyanna

"Ha? So-sorry" yun na lang ang nasabi ni Alyanna na para bang nalilito. Nagmadaling umalis si Alyanna at naglakad papunta sa school. "Babe?" bulong niya.

Pagkarating niya sa school ay sinalubong siya ng kanyang bestfriend na si Shiela.

"Bes! Ang tagal mo ha?! On the way pala." masungit na sabi ni Shiela

"Sorry bes! Hahaha" sabay yakap kay Shiela

"Oh tara na. Pumasok na tayo sa first class natin. Kanina pa ko pabalik-balik dun pero wala pa yung prof natin. Pero marami na rin tayong kaklase na nandoon. Tara!"

At sabay na pumunta sina Shiela at Alyanna sa kanilang room. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi para rin dumarating ang prof. "As usual. Ganito naman lagi pag first day. Sayang ang OOTD ko bes" sabi ni Alyanna na para bang natatawa. "Tumpak!" tugon ni Shiela na bored na bored na.

"Halos isang oras ng wala yung prof. Tara Alyanna. Libutin nalang natin ang buong PUP" yaya ni Shiela

Nilibot nila ang buong Mabini Building -North, East, South, and West Wing. Bumaba sila at tumungo naman sa Obelisk at nagpicture-picture nang biglang may lumapit sa kanilang babae.

The Day You Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon