IX

5.8K 197 9
                                    

***

Napanganga ako sa nakita habang nakaupo na halos masubsob na. Nahihirapan ako sa posisyon ko dahil nakapatong pa sa akin ang dalawang kamay ni Xeon na parang prinotektahan ako.

Ngayon ay isang napakalaking ibon na kulay itim ang lumilipad na inikot-ikutan kami. Napakalakas niya, napuputol ang malalaking puno nang dahil sa kanya kaya kahit na magtago pa kami ay makikita rin niya kami. Marahil siya iyong nakikita kong anino kanina.

"Tara! Takbo!" Sigaw ni Jeero na nauna pa sa amin.

"Ziyu! Mauna ka na!" Sigaw ko dito dahil sinubukan niyang hilahin ang dala kong bag. Akala mo naman talaga kaya niyang dalhin.

Lahat kami ngayon ay nagtatakbo na para mailigtas lang ang buhay namin. Kahit mahirap ang tinatahak naming daan na hindi mo maintindihan kung mabato ba, maraming damo, mga ugat at paangat pa. Kahit anong oras pwede kang matapilok.

Nakasunod sa amin ang malaking ibon na bawat nadaanan niya ay nahahawan. Sa tingin ko ay kaya kong talunin ang malaking ibon na ito kung gamit ang totoo kong abilidad ngunit wala naman ako noon dahil natatago ang totoo kong kakayanan.

"Hindi nakakatulong ang pagtakbo natin! Kailangan nating labanan ang tamarix!" Rinig kong sigaw ni Jeero.

"May nakakaalam ba kung saang parte sa tamarix na 'yan ang kahinaan niya?" Tanong pa ni Xeon habang hinihingal.

"Walang kahinaan ang tamarix!" Inis na sigaw ni Ximena. "Kailangan lang nating matakasan 'yan kung gusto niyo pang mabuhay!"

"Damn! Where's Heyla?!" Sigaw naman ni Tatum na nagpatigil sa amin. Paglingon ko sa dinaanan namin ay nakita kong naghintay si Heyla sa paparating na tamarix. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero ang alam ko hindi niya magagamit ang abilidad niya dahil wala siyang pagkukunan ng apoy.

Doon ako nagkaisip at mabilis na kumuha ng dalawang patpat sa isang tabi. Nakatago ako sa likod ng puno at ipagkiskis sana iyon kung hindi lang nagsalita si Ximena.

"Gagawa ka ng apoy? Hindi na kailangan dahil ang tamarix mismo ang maglalabas ng apoy." Pagkasabi niya no'n ay tumayo ako at muling tinignan si Heyla.

Sobrang lapit na talaga sa kanya ng ibong tamarix pala ang pangalan. Napapikit ako saglit ng bumuga nga ito ng apoy nang pagbukas ng mata ko ay nakita kong may nakaharang na yelo sa harap niya at nakaposisyon na si Xeon sa tabi ko kaya doon pa lang alam kung siya ang nag-protekta kay Heyla. Nagtaka ako kung saan niya galing ang tubig pero nang nakita ko ang walang laman na bote sa paanan niya ay naintindihan ko rin agad.

Ang apoy ay tumama sa paligid namin na mabilis namang kumalat. Doon mabilis na kumilos si Heyla at isang malaking bolang apoy ang nabuo niya na agad niyang ginamit para tirahin ang tamarix.

"Stop!! You don't know what you're doing!" Sigaw ni Tatum na pinipigilan ang ginawa ni Heyla.

"She's killing the tamarix! She knows what she's doing!" Sagot naman ni Xeon.

"Pero ang sabi ni Ximena hindi namamatay ang tamarix!" Naguguluhan kong sabi pero nang nakita kong nakabulagta na ang ibon ay nakalma naman ako kahit papaano.

Ngunit wala pang ilang minuto ay nabigla kaming lahat nang muling kumilos ang tamarix. Muli itong nabuhay. Mas lalo kaming nagulat nang nakitang nahati sa dalawa ang katawan nito.

Lementarnia: The World Of MoldersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon