MR. LATE

23 2 0
                                    

Ipinikit agad ni Gilbert ang kanyang mga mata pgkatapos dumilat. Paano’y nasilawan siya sa tama ng araw na lumosot mula sa kurtina nila. Tulad ng dati, mataas na ang araw ng gumigising siya.

Pero ano ba ang bago?

Ugali na niya iyon. Lagi siyangtanghali ng gumising. Kahit noong bata pa siya, lagi siyang late sa ano mang bagay. Kaya ngang tinawag siyang Mr. Late ay dahil doon.

Lumabas siya ng kanyang silid, bumaba ng bahay. Wala ang kanyang asawa na si Melody. Wala rin ang ibang kasambahay. Napatigil siya nang maulinig ang tinig ng kanyang bunsong anak na si Gino. May kausap ang sampong taong gulang (10 yrs old) na anak mula sa binuksang pinto ng kabahayan.

Nagtaka si Gilbert. Napakunot-noo. Boses iyon ng Mama niya. Pero di niya alam na Luluwas ito sa Maynila. Hindi pa lumuwas ang Mama niya hindi nagpapasabi. First time pa itong nangyari na pumunta siya dito na hindi naming alam. At isa pa, kapag lumuluwas siya mula Maynila, gusto niya ako mismo ang susundo sa kanya mula sa Airport.

Lumabas si Gilbert. Nasa Drive way ang Family Van. Nandoon sa Driver seat si Carding ang Driver nila. Naabutan niya na palapit sa van ang maglola, si Mama ko at si Gino ang aking bunsong anak.

May dala-dala si Gino na kwadro pero hindi kita ni Gilbert kung ano ang nasa loob sa kwadrong iyon.

Nag-goodmorning si Gilbert sa ina sabay hawak sa kamay ng matanda para siya ay magmano, pero labis ang pagtaka niya ng iniwas ng Mama niya ang kamay.

Napamaang si Gilbert na may halong taka.

Ano na naman ang nagawa niya at tipong suya ang Mama niya? Bumling siya sa anak niya na si Gino.

“san ang punta niyo anak? At bakit iyan ang sout mo? Masyadong pormal?” aniya ni Gilbert. Pero hindi siya sinagot ng kanyang anak. Na para bang hindi sya naririnig ng Tinedyer.

“ayaw niyong sabihin ang lakad niyo ha, pwes sasama ako” ang sabi nya sa dalawa.

Nauna pang sumakay si Gilbert. Sa unahan siya pumuwesto, sa tabi ng Driver.

Nagtataka siya kung bakit binabaliwala siya ng maglola, nasa isip niya kung may nagawa na nmn ba siyang masama.

Katabi ni Gino ang kanyang lola, na nasa likuran ni Gilbert. Hindi niya gaanong marinig ang mahinang pag-uusap ng maglola.

Naisip niya “may okasyon bang dapat na kasama siya pero late na naman siyang gumising? O lakad na hindi talaga ako kasama?” “Ngunit? Anong okasyon?” wla siyang maisip.

Videoke restaurant ang GilMeloyds. Iyon ang ng kanilang pamilya. Bago magbukas ng alas-onse ng umaga ang restaurant ay pumaparoon si Gilbert para kunin ang kita ng nagdaang araw para ma-account iyon at maideposit sa bangko.

Minsa’y dumadating na siya ng halos hapon na pero ano ngayon kung late siya? Sanay na naman ang lahat sa kanyang routine. Hindi na nagtataka ang mga ito at hindi rin maghihintay.

Kakaiba ang arw na iyon may ibig kasi siyang patunayan. Hindi lang kay Melody at sa mga tauhan nila sa Restaurant kung di sa kanyang sarili mismo. Ibig niyang patunayan na kaya niyang dumating ng umaaga. Nagawa naman niya. Dumating siya sa GilMeloyds ng alas-siyeye ng umaga.

Noon natilihan si Gilber nang maalala ang inabutang eksena sa opisina ng GilMeloyds. Wala pa maski isang staff noon maliban kay Josua.

Si Josua ang dating assistant Manager na tinanggal niya sa Trabaho dahil niluluto nito ang angb record ng mga napagbilhan ng Restaurant para makapagnakaw.

Si Josua na may kupya ng susi sa GilMeloyds. Si Josua na kabisado kung bakit Mr. Lat ang tawag sa kanya ng marami.

Magulo ang sumunod na mga daloy ng kanyang ala-ala. Nalarawan sa isip niya ang samotsaring eksena.

Maraming taong nagkakagulo.

May nakakalat na basag na mg  bagay.

May dugo.

DUGO!

Tama , may dugo. Mapulang-mapula. Nasa lapag umaagos.

Ipinilig ni Gilbert ang ulo. Sumasakit iyon. Ipinipilit kasi niyang alalahanin kung paano pagtatagnain ang mga imaheng naglalaro sa diwa niya. Napapikit siya.

Napadilat lang siyang mula nang humimpil ang van. Umibis ang maglola. Kipkip ni Gino ang kuwadro na iniutos ni Melodynna balikan sa bahay nila.

Napansin agad ni Gilbert na napakarming tao. Mayroon siyang mga kakilala. Mayroong hindi. Nakahiyaan niya ang bumati dahil tipong napakaseryoso ng lahat. At may pari rin, mukhang may gagawing seremonya. Tatabi sana ng upo si Gilbert sa asawa pero tumindig ang huli ng iabot ditto ni Gino ang dalang larawan. Yakap ang kuwadro, muling napahagolgol si Melody.

“kung nagging late ka na lang talaga lagi Gilbert, hindi mo sana nahuli si Josua sa akton paglimas sa kaha, hindi mo siya masusukol, hindi ka niya mababaril!”

Inilalayan si Melody ng kanyang biyenan at anak sa paglalagay ng larawan ni Gilber sa ibabaw ng kabaong. Sa ibabaw ng kabaong ni Gilbert.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MR. LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon