Erin
"Sissy! Hintay!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nya.
Sya si Sophia Marie Ramos, Pia for short. Ayaw nya ng tinatawag syang Sophia dahil pakiramdam daw nya ay nawawala ang pagiging maangas nya. Weird pero mahal ko sya kahit ganyan sya, bestfriend ko sya at dahil wala naman akong kapatid, sya na halos ang tumatayong big sister ko kahit na magkasing edad lang naman talaga kami. Sya ang tagapagtanggol at tagapagligtas ko, sya nga daw ang Knight in Shining Armor ko. Hindi na nakakapagtaka dahil kahit na babae sya, matapang sya at walang inaatrasan. Magkapit bahay kami at bata pa lang kami nung maging magkaibigan kami. Mag bestfriend kasi ang mama namin kaya noon pa man ay palagi na kaming magkasama.
"Sabay na tayo!" sambit nya.
Sabay kaming naglakad palabas ng village, malapit lang naman dito ang school na pinapasukan namin.
"Excited ka na ba?" Nakangiting tanong nya.
"Saan naman?"
"Na pumasok sa school? At makita si Gabby?" mapang asar nyang sabi.
"Hindi kaya Pia!"
"Nako, Erin Marie Dela Cerna, wag mo nga akong lokohin, kilala kita."
Napangiti nalang ako. Hindi naman talaga ako makakapagtago ng kahit ano sa kanya. Tama sya, kilalang kilala nya talaga ako. Excited na din naman akong makita si Gabby.
Mag iisang buwan na din naman halos mula nung magsimula ang school year na ito. Graduating na kami ng College, at pagkagraduate ko ay alam ko na kung saan ko gustong magtrabaho, alam ko na kung anong career path ang gusto ko. Alam ko dahil nasa plano ko na ang lahat, At ang gusto ko ay yung simple lang. Ayaw ko ng magulong buhay.
Pagkarating namin sa classroom ay sakto namang nandoon na si Gabby. Maaga sya laging dumadating, sya na nga ang role model ng campus na to. Bukod kasi sa mabait sya, sya din ang number 1 sa college namin.
"Good morning Erin at Pia! Kamusta?" Masaya nyang bati. Kahit na sya ang number 1 sa college ay nagagawa nya pa ding maging humble at friendly. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan.
"Good morning Gabriel!" Bati ni Pia sa kanya. "Pansin mo ba? Ang ganda ni Erin ngayon?" Nang aasar pang dagdag nya.
Naramdaman ko naman ang pag init ng mukha ko. Yumuko ako para hindi 'yon mapansin ni Gabby. Nakakahiya, ayaw kong malaman nya ang kung ano mang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw kong mag iba ang tingin at trato nya sakin ng dahil doon.
"Ano ka ba Pia, tigilan mo nga ako!" Pinilit kong sabihin 'yon sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
Nagulat naman ako sa isinagot ni Gabby, "Maganda naman talaga si Erin, at hindi lang ngayon, araw araw naman syang maganda." Sabay ngiti nya sa akin.
"I-isa ka pa Gabby ha!" Sana hindi nya halata na halos ma utal ako sa pagkakasabi non.
Naupo nalang kami ni Pia sa pwesto namin, sa likuran ni Gabby. Nag peace sign pa si Pia sabay sabing mission accomplished. Hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit palagi nya akong tinutukso pag nandyan si Gabby, sinabi ko naman ng ayaw kong malaman nya ang tungkol doon. Pero minsan ay makulit talaga ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano ko na ikakalma ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Dumating ang prof namin kaya't nagsimula na ang klase. Nag groupings din kami para sa thesis na ginagawa namin. Buti nga at kagrupo ko si Pia at Gabby, kaya madali naming natatapos parati ang mga part na pinapagawa sa amin. Kahit na lamang yung ibang grupo pagdating sa members, hindi naman kami nag papahuli. Kami kaya ang top 3 sa college namin.
Noon pa man ganito lang ang hangad ko, ang magkaroon ng mataas na grades, at makagraduate.
Nang matapos ang dalawa pa naming klase ay nagpunta kami ni Pia sa cafeteria para mag lunch. Madami na nang tao at pakiramdam ko ay mas lalo pang dumami ng mapansin namin na mayroong kaganapan sa loob. Halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa babaeng umiiyak at nagmamakaawa na balikan sya nung lalaking nakatayo sa harapan nya.
"Haay nako, sino ba namang matinong babae ang magmamakaawa sa lalaki para balikan sya? Nababaliw na ba sya?" Tanong sa akin ni Pia.
"Hayaan mo nalang sila. Umiwas nalang tayo sa mga ganyang bagay Pia." Sabi ko.
"Aba dapat lang Erin, yan ang wag na wag mong gagawin. Wag kang magmamakaawa para lang sa isang lalaki, at sa oras na may magpaiyak sa'yo ng ganyan, siguradong paiiyakin ko din sya at gugulong gulong sya sa sahig sa sakit ng pagkakasipa ko sa maselang bahagi nya!" Seryosong sabi ni Pia pero hindi ko mapigilan na matawa. Protective talaga sya pag dating sa akin, pero akalain mong kakayanin nyang manipa ng ganong parte ng lalaki?
Nagpunta nalang kami sa bilihan ng pagkain at umorder, medyo malapit doon ang nagaganap na drama, pero wala kaming choice ni Pia dahil kaunting oras lang ang break namin at may klase kami ulit mamaya.
Sakto naman ng malapit na kami sa bilihan ay patapos na ata ang drama dahil naglakad palayo yung lalaki doon sa umiiyak na babae.
Napahinto lang sya ng habulin sya nung babae at niyakap ang paa nya at lumuhod dito. "Ezekiel please, 'wag mo akong iwan!"
Hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking ito at nagawa ng babae na yun ang mga ganitong bagay.
"Tigilan mo ako, hindi na kita gustong makasama, may iba na akong gusto!" Pilit na inalis nung lalaki ang pagkakahawak nung babae sa binti nya.
"Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo! Hindi ako maniniwala hanggat wala akong nakikita!" Sigaw nung babae.
Sa totoo lang ay gusto ko ng makaalis sa pwesto namin ni Pia dahil halos nasa harapan ko na sila.
Tumalikod yung lalaki at bigla nalang akong nagulat sa mga susunod na pangyayari.
Tumingin s'ya sa mga mata ko, nabigla ako dahil nagtama ang tingin naming dalawa. May kung anong kaba akong naramdaman, masama ang kutob ko.
Lumapit pa sya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Nagtama ang mga labi namin. Hindi, hinalikan nya ako! Sinadya nya na halikan ako! Ang pinaka iingatan kong unang halik ay ninakaw ng lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Mr. Complicated
RomanceErin is a simple girl who lives a simple life-a loving family, the best "bestfriend", and a normal life. She's secretly inlove with the Campus' goody good guy, and keeping it all to herself and her bestfriend is all that she wanted to do. But then s...