Tumingin ako sa kalangitan, pulang pula ito. Tumingin ako sa aking kapaligiran, marami ang nagsisisigawan at nanghihingi ng tulong. Umiwas ako ng tingin at tumungo. Wala akong magagawa. Naglakad na ako palayo sa lugar na iyon, pumasok ako at nagtago sa aking cabin. Kitang kita dito ang mga nangyayari. Nakarinig ako ng malakas na ugong at nakita sa malayo ang tsunami ng buhangin. Bumaba ako sa cabin at tumakbo ako papunta sa aming mga station. Tumingin ako kay Corinthia na sa kasalukuyan ay umiiyak at napapaligiran ng aming mga katrabaho. Siguro hindi niya talaga kayang gawin, pero kailangan. Lumapit ako para mas lalong madinig ang kanilang pinaguusapan.
"Sinama ko siya papunta dito para maisama natin siya sa Gaia, pero nung lingunin ko siya, wala na siyang buhay." Hagulhol ni Corinthia.
Ganyan talaga kapag lumalabag ka sa utos ng SS. Kaya niyang gawin ang lahat. Wala siyang hindi alam.
"Bakit kasi hindi ka sumunod? Mamamatay rin naman ang anak mo. Pero ayos na rin, hindi tragic yung pagkamatay niya." Sabi nung isa pa naming ka trabaho na si Ezekiel, napaka-insensitive talaga niya.
Patuloy lang na humagulhol si Corinthia at hindi pinansin ang sinabi ni Ezekiel.
"Hindi ka na natuto."
"Christan!"
Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Tesalonica. Seryoso ang tingin niya at sigurado akong may importante siyang sasabihin.
Naglakad ako sa kanyang kinaroroonan, pumasok siya sa kanyang opisina sumunod naman ako.
Umupo siya sa kaniyang desk at sinabi, "Tapos mo na ba?"
Tumango ako at kinapa ang aking cover compartment, binuksan ko ito at nagulat nang makitang wala ito at nalimutan kong dalhin.Tumingin ako sakanya, tinitigan niya ako, "Ano? Nalimutan mo?"
Tumango ako. "Sige, kunin mo muna, pero mag-ingat ka at bilisan mo na, mauubusan na tayo ng oras." Muli akong tumango at tumakbo, habang tumatakbo, tiningnan ko ang sasakyan kong gagamitin papuntang Gaia, "Hintayin mo ako." Bulong ko at nagpatuloy na sa pagtakbo.Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang maraming katawang nakahandusay sa kalsada, nakakalungkot dahil hindi ko sila pwedeng iligtas, may nakita akong hybrid na naghihingalo, nauubusan na ng oxygen sa paligid kaya kailangan ko nang magmadali.
Tumakbo ako pabalik sa aking cabin at kinuha sa shelf ang ginawa kong libro.
Ginawa ko ang librong ito para sa mga naninirahan o maninirahan sa Gaia, dahil natuklasan namin na may namumuo nang nilalang dito, bumuo kami ng kasinungalingan, hindi dapat nila malaman ang totoo, kung saan talaga sila nagmula, kung paano nagsimula ang lahat.
It's better off this way. What you don't know wouldn't hurt you. Dahil nang malaman ng mga Martian ang totoo, it caused chaos, it caused this. We're afraid that the same thing would happen again, and it's all our fault. No, it's all his fault.Mabilis akong tumakbo papunta sa station. Napatigil ako nang
naramdaman kong lumilindol. Pero isinawalang bahala ko nalang iyon at mabilis uling tumakbo papunta sa station. Nakita kong abala na ang aking mga kasama sa paglalaunch. Dumiretso na ako sa opisina ni Tesalonica, mukhang malalim ang kanyang iniisip.
Nang maramdaman niya ang presensya ko, agad siyang natauhan."Dala mo na?"
Pagkasabi niya noon ay lumindol ng malakas. Nagkatinginan kami... alam na ang gagawin, nagmadali kaming lumabas sa kanyang opisina at dumiretso sa aming mga hovership.
Unti unti nang nagbukas hood ng Station at unang lumabas ang mga SS deux, si Jizeus, sumunod si Maery, at si Stan. Masama ang tingin ng ibang katrabaho ko sa kanila, hindi ko sila masisisi, sila ang nag-utos na huwag isama ang ibang mga ka-Martian.
Isa rin naman sa kanila ang may kasalanan.
Nakatulala lang ako sa kanila habang unti unti silang pataas ng pataas nang tawagin ako ni Tesalonica, "Psst!" Lumingon ako sa kanya, nagtataka. "Sambot!" pagkatapos ay bigla niyang ibinato ang isang bagay na nakalagay sa isang enclosed tubular container, liquid ito at royal blue ang kulay, kulay ng dugo namin.
"Thank me later." Sabi niya na naging dahilan ng mas lalo kong pagtataka.Magsasalita pa sana ako pero oras na pala para umalis. Sunod sunod silang umalis.
Inihanda ko na ang hovership, bagay na kanina ko pa dapat ginawa.Muli kong naramdaman ang lindol, napailing ako, nahihirapan akong paandarin ang hovership.
Makalipas ang isang minuto ay napaandar ko rin sa wakas ang hovership, agad ko itong pinalipad, ako ang kahulihang umalis. Nang makalabas ako ng station ay tumingin ako sa paligid, "Wala na agad sila? Bakit parang ang bilis?"
May narinig akong sigaw, boses ni Tesalonica, "Buksan mo yung binigay ko sayo!"
Lumingon lingon ako, tumingin ako sa likod, nandoon siya, hinahabol ni Stan, may dala itong gallium7045 at pilit na binabaril si Tesalonica, mabuti at nakakaiwas siya, may isang kilometro ang layo nila sa isa't isa.Taksil talaga si Stan.
"Alam nating hindi tayo makakaalis dito lahat! Kailangang isa lang, at ako 'yon!" Sigaw ni Stan sa amin.
Tumingin ako sa ibaba at nakita doon ang mga nagbagsakang hovership, anim lang ito. Nasaan si Maery?
"Ano pang tinutunga tunganga mo diyan? Buksan mo na yan para makaalis ka n--
Naputol ang pagsasalita ni Tesalonica dahil nataamaan na siya ni Stan, nanlaki ang mata ko dahil sa huling binuka ng kanyang bibig at bago mahulog ang hovership niya sa lupa. You're welcome.
Natauhan na talaga ako dahil seryoso na, mas pinabilis ko ang takbo ng hovership, napapikit ako nang maramdaman kong umalog ang aking sinasakyan, Si Stan.
Binuksan ko yung sinasabi ni Tesalonica. Umilaw ito nang napakaliwanag, pakiramdam ko ay mabubulag ako. Mas lalong umalog ang aking sinasakyan, mahihiwalay na ata ang kaluluwa ko sa aking katawan.
Matapos ang ilang segundo ay wala na akong maramdamang umaalog. Iminulat ko ang mata ko, puro buhangin, nakita ko ang prism na inilagay namin sa Gaia para magkaroon ng impormasyon tungkol dito. Bumaba ako sa hovership. Nasa Gaia na agad ako? Sinuri ko ang aking kapaligiran, asul ang kalangitan, nilanghap ko ang hangin, sagana sa oxygen. Katulad nga ng inaasahan. Ngunit ang mga naninirahan dito ay hindi pa fully developed, mura pa ang kanilang mga isipan. Madali pang utuin. Naglakad lakad ako, may nakita akong mabuhok na nilalang. Nagulat ako, naghanap ako ng pagtataguan.
Pero napasapo ako sa aking noo, mga tanga nga pala itong mga ito at wala pang alam. Tanga ko.
Lumapit ako sa nilalang. Wala siyang cover, tumingin ako sa tiyan niya, wala doon ang kaniyang ari, nasa puson niya. Namangha ako. Ngayon lang ako nakakita ng kakaiba, ganito pala ang mga extraterrestrial. Tumunghay na ako. Tumitig lang ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Lumaki ang mata ng nilalang, nagtaka ako, at naramdaman ko nalang na may humampas sa ulo ko. Umikot ang aking paningin, bumulagta ako sa lupa.
"M-Maery?" Kasama niya si Jizeus. Kadiri silang dalawa.
Ngumiti siya sa akin at kinuha sa aking cover compartment ang ginawa kong libro.
"Wag kang mag-alala, this book is in good hands." Pagkatapos noon ay binaril niya ako ng selenium rifle, ang sakit.
"Bakit hindi sa ulo? Bakit sa tiyan? Gusto mo ba talaga akong makitang nasasaktan?"
Napasapo siya sa noo niya, pagkatapos ay binaril niya ako sa ulo.
"Much better." Pagkatapos ay nagdilim na ang lahat.
BINABASA MO ANG
EXODUS: The Red Planet
Science FictionHave you ever wondered if Mars was like Earth before? If creatures used to live in that planet before humans even existed? If that planet was alive and green like ours? If it was, why did those creatures become extinct? If they didn't become extinct...