Gutom lang yan. (One-Shot)

1.7K 52 12
  • Dedicated kay Sa mga Gutom na. <3
                                    

 I want all of you to be warned that this story is pure kalokohan and don't have a matinong plot kaya don't wonder why if the story is walang kwenta. The spellings and grammars are already fixed but not the cheesyness of the story tho.  

Gutom lang yan.  

Nandito ako sa classroom kasama ang mga tropa ko. Ayaw nilang lumabas kasi baka raw ma-turn off ang mga girlfriend nila sakanila kasi mapapawisan sila sa labas. Ang bading lang nila. Buti nalang ako single pa. 

"Paano ba yan, brah? Sa ating magbabarkada ikaw nalang ang nagiisang single sa amin. Kawawa ka naman." Biro ni Ford.

"Sarap kaya ng buhay single. Hindi under!" Sabi ko at tinaas ang gitnang daliri ko.

"Under nga pero sweet naman!" Sigaw ng isa sa mga tropa kong si Gerald.

Kadiri naman sila! Nagtawanan naman kami at nagbiruan. Nagkwentuhan kami tungkol sa kalaban namin next week sa basketball at sa mga kadiri at baduy nilang buhay pag-ibig. Ganito ba talaga paginlove sila? Nababading? Hindi ako bitter- baka mamaya may nagsasabi diyan na sobrang ampalaya ko. Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng may biglang kumatok sa pinto.

Pumunta naman ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto bigla naman nito niluwa ang isang magandang babae. Parang nakakita ata ako ng isang diwata. Siguro kung naging girlfriend ko ito- sobrang under ako. Mukhang mataray eh. Hahaha.

"Uh, pwede bang ipabigay ito kay Gerald?"  Tanong niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang ganda niya. Ngumiti naman siya sa akin na parang kami lang dalawa ang nandito. Nilapit niya ang mukha niya sa akin ng dahan-dahan. Parang nagsslow motion ang lahat at parang kami lang talaga ang nandit-

"Hoy! Nakikinig ka ba? Kanina ko pa sinasabi na pakibigay 'to sa kuya ko pero hindi ka umiimik diyan!" Sigaw niya sa akin.

Bigla naman sumulpot ang walangyang Gerald sa likod ko. "Oh bakit, little sister?"

"Ito na yung pinapabili mo at pwede ba kuya kung sino ka man? Sumagot ka pag kinakausap kita!" Sigaw nung babae sa akin.

Ang maldita naman nito! Nag-walkout naman yung babae at inirapan ako. Sinara naman ni Gerald yung pintuan. Kapatid ba yun ng ugok na 'to? Ang layo naman ng mukha nung babae sa mukhang perogol na katabi ko ngayon. Geraldin ba yung pangalan ng babae? Ang corny bwiset. Tumingin naman ako kay Gerald at ito siya ngayon na tumatawa na mukhang tanga.

"Ano tinatawa-tawa mo diyan?!" Sigaw ko.

"Mukhang tinamaan ka kay Leah ha?" Asar niya sa akin at nagsigawan naman yung Iba. I-inlove? Ang baduy naman.

"Hindi ah!" Sigaw ko.

"Wag ka matorpe! Ako bahala! Hahaha!" Sabi niya sa akin at tinapik ako sa balikat. 

Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit ako tinutulak ng mga ugok na 'to papunta sa classroom ng kapatid ni Gerald. Ang lakas ng trip ng mga

"Ano ba! Wag nga kayong mangtulak!" Sigaw ko.

"Sige na tol! Kaya mo yan." Inis na sinabi ni Leo,

Nandito kami sa Harapan ng Classroom nila Leah. Sabi nila magtanong raw ako kung pwede raw ako manligaw sakanya. Torpe na kung Torpe! Ang hirap kaya. Hindi ganun yun Kadali. Kahapon pala kasabay namin si Leah papunta sa bahay nila. Ang maldita niya! Pero mahal ko nam--Ugh. Bading!

"Ayaw ko nga!" Sigaw ko.

Nagulat nalang kami dahil biglang bumukas yung pinto ng Classroom nila at Bumungad ang isang malditang babae na nangangalang Leah. Nagulat naman siya dahil nandito kami sa harapan ng classroom nila. Pumunta naman siya sa harapan ko at Tinaasan ako ng kilay.

"Bakit kayo nandito?!" Sigaw niya.

"Maiwan muna namin kayo." Sabi ni Gerald na halatang nagpipiil ng tawa.

Bumalot naman ng katahimikan ang Corridor. Shit! Masyado atang mabilis kung magtanong ako kung pwede manligaw diba? Psh. Ang hirap! First time ko kayan tatanungin ang isang babae. Oho! Meron paring Sobrang gwapo na NGSB! Hahaha!

"What do you want?!" Sigaw niya ulit.

"L-leah. P-pwede ba m-manligaw?" Nauutal kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin.

"Gutom lang yan."

<///3

Tinignan ko naman siya ng malungkot. Nakita ko naman siyang nakangiti at parang pinipilit na wag tumawa. Pinagloloko ba ako nito? Ganito pala kung binusted--nababading. Hindi na talaga ulit ako magtatanong kung pwede ba manligaw sa babae. psh.

Tumalikod naman ako at Naglakad paalis nang tawagin niya ako. "Uy! Derick. Galit ka na niyan?" Alam pala niya pangalan ko?

Lumingon naman ako sakanya. "Ano?"

Syempre kailangan mabitter ang sagot ko sakanya. hashtag madrama.

"Gutom narin ako eh! Gutom na ako at gusto ko ng matikman ang pagmamahal mo." Sabi niya at Niyakap ako. H-huh? Hindi naman ako slow. Pero nag proprocess parin yung sinabi niya sa utak ko. Ibig sabihin m-mahal rin niya ako? Ugh. Nababaduy na ako! Nahawa lang sa kabilawan ng tropa.

"Ah. Oh sige. Bubusugin kita sa pagmamahal ko!" Sabi ko at niyakap siya at Sabay kami tumawa.

The End.


Gutom lang yan. (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon