Chapter 1

4.4K 95 25
                                    

Amber's POV

Wengya Ang landi talaga nitong Boul na 'to, kung sino-sino tinatarget, kaya pala makati dito.

"Kaya pala kinakati ako kasi may higad pala dito." Sabi ko then rolled my beautiful eyes with a MAC mascara.

"Ang sabihin mo, hindi ka lang naligo." Sabi ni Duke. Aba'y wengya! Ako? Di naligo?

"Hoy lalake, kahit hindi ako maligo, mabango pa rin ako!" Sigaw ko sa kaniya, then I raised my right eyebrow with L'Oreal Paris Perpection Brow Artist Plumper.

"So inaamin mo na 'di ka naligo? Bakit nadamay ang bango? Baka nga nagpa-bango ka lang pero hindi naligo." Sabi niya, isang-isa na lang talaga at ililibing ko to'ng hinayupak na 'to ng buhay.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin? Wag mo 'kong idamay sa ka-bitteran mo, dahil baka mahawa lang ako!" Sigaw ko sa kaniya, daldal ako ng daldal baka masira ang DIOR ROUGE Satin lipstick ko. Bitter na bitter eh. Buti talaga ako hindi.

"Hoy, tama na yan." Awat sa'min ni Duchess, nandito pala ito? Ay oo nga pala kasama namin siya, nacoconfused tuloy ang kagandahan ko.

"Eto kasing kapatid mo, na-broken hearted lang bitter agad, buti ako moved on na." Sabi ko, then kinuha ang iPhone 6s ko sa Channel bag ko, dapat talaga Louis Vuitton, o kaya Celine pero eto na pinili ko.

"Nag-salita ang hindi." Rinig kong bulong ni Duchess, sasabat na sana ako pero nagsalita itong si Duke.

"Parang ikaw hindi broken-hearted." Sabi ni Duke, letse talaga ito,

"FYI, hindi ako broken-hearted, wala akong pake kung may mga kasamang babae yang si Boul, dahil una sa lahat mas maganda ako sa kanila, pangalawa ang cheap nila. Pangatlo, moved on na ako!" Sabi ko tapos inirapan siya, masisira talaga beauty ko, maloloka ako. Pero no no no no. Ako? Masisira ang beauty para sa isang Grayson Bouldog? No way! Wengya!

"Unang-una rin sa lahat, ang kasama ngayon ni Boul ay MAGANDA, pangalawa hindi sila CHEAP, oh ano ngayon?"

Ano bang pinaglalaban nito? Wag mong sabihin na pinaasa rin siya ni Boul?

"Wala akong pake, wag ka na lang sumabat dahil wala ka namang alam sa nararamdaman ng mga babaeng pinaasa, kaya wag mong isisi sa'kin yang pagka-bitter mo!" Sigaw ko sa kaniya, nakakasira ng beauty, wengya! Kailangan kong kumalma.

"Eh paano rin kaming nga lalakeng nagparaya? Na akala namin na pag-nagparaya kami, magiging masaya ang mahal namin, pero yun pala, pinaasa lang din at sinaktan!" Pasigaw na sabi niya sa'kin,

"Bakit naman sa'kin mo binubuntong galit mo, ako ba nagparaya? Ako ba? Bakit kasi nagparaya ka, tanga ka rin naman kasi!" Sigaw ko rin, sabay napatayo, aba! Hindi ata magpapatalo ang kagandahan ko.

"Kasi nga, akala namin sasaya siya sa piling ng iba kaya nagparaya kami!" Sigaw rin ni Duke at napatayo rin, aba't kinakalaban talaga ako.

"Pwede ba! Kayong dalawa, manahimik muna kayo kahit sa isang raw 'man lang? Parehas kayong bitter. Oo na, broken-hearted na kayo, pero isantabi niyo muna yan dahil meron tayong gagawin!" Sigaw ni Duchess sabay napatayo rin, sumisigaw rin pala ito? Wengya. Di ako na-inform. Pero sabagay, sumisigaw naman talaga 'tong baduy na babaeng 'to. Madalang nga lang.

"Para sabihin ko sa'yo Duchess, hindi nga ako bitter! Moved on na ako, M-O-V-E-D O-N na." Sabi ko sa kaniya sabay upo.

"Wag ako Amber, kilala kita." Sabi ni Duchess at umupo rin. Umupo na lang din si Duke at hindi na nagsalita pa, wengya!

Ibinalik ko ang tingin sa lugar kung saan masayang nag-uusap ang higad na si Boulgago at itong si Yagami. Anak naman ako ng tatay kong gwapo pero wengya! Bakit grabe kung makatawa 'tong higad na 'to? Alam naman natin na mas maganda ako diyan sa kasama niya. Bigla naming napatingin sa dako namin si Yagami kaya agad akong umiwas. Oo! Alam kong maganda ako pero nandito kami para sa misyong sinasabi ng walang ka taste-taste na si Duchess. Kaya kahit na gusto 'kong irapan yang si Yagami (hindi dahil bitter ang kagandahan ko), hindi ko magawa dahil nakatutok ang mga mata ng saksakan ng kabitterang si Duke sa akin. Inirapan ko nalang siya at uminom ng biniling frappe ni Duchess. Naiistressed ang beauty ko, mamaya nga pupunta ako sa spa para mag-relax, kailangan ko rin ng beauty sleep, haller.


My Husband Is A Mafia Boss: Turf WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon