Chapter 8

17.3K 361 11
                                    

Paumanhin po sa sobrang tagal na walang update huhubels, paki intindi nalang po si Author dahil madami ko siyang binagkaka-busy-han. Charot! So eto na po ang udpate, sa mga nabitin last update, wahahahah pasensya na ako talaga ang Author na mahilig mambitin *smirk*

***

[Amiel]

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng may maramdaman akong kamay na tumakip sa bibig ko.

W-what's happening?

"Hmmmm" ungol lang ang lumalabas sa bibig ko tuwing umiimik ako. Letche!

Mag nanakaw ba siya? Holdaper? Mang gagancho? Tigbalang? Pero bakit ang Bangor niya? Kaamoy ni-

"Shhh. Keep quiet woman."

Si sungit!

Agad na nawala ang kaba ko ng malaman ko na siya lang pala 'yun. Pero bakit niya kelangang takpan ang bibig ko?

Ganun na ba ko kaingay para sa kanya? -_-

Nabalik ako sa realidad ng may marinig akong mga yabag na papalapit saamin. T-teka, may mag nanakaw ba?

Gumalaw si Sungit at iniharang niya ang katawan niya sa akin. In short, nasa likod niya ako. Hindi ko tuloy makita kung anong meron sa harap.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril.

May kung anong nagtulak saakin para kumapit sa likod niya. Sobrang-sobrang na trauma ako sa mga putok ng baril nung oras na may humahabol saamin, tapos ngayon meron nanaman akong maririnig?!!!!

"Sh*t!" Narinig kong mura ni Sungit.

Agad na napamulat ako ng hilahin ako ni Charles. Kahit wala akong naiintindihan ay nagpadala lang ako sa kanya.

Pero bakit?

Hindi ko namalayan na nasa kwarto na kami. Nandito kami sa kwarto namin. Ni-lock niya ang pintuan at isa-isang binuksan ang cabinet.

A-anong ginagawa niya? Mag tatago lang ba kami habang may gustong pumatay samin sa labas?!

'Then what do you expect amiel? Ibuwis niya ang buhay niya sayo?'

May point 'yung utak ko.

Agad na nabaling ang paningin ko sa hawak niya. B-baril? Siya ba ang naririnig kong bumabaril kanina?

"Woman, listen i want you to stay here inside this closet. Do not open it or wag na wag mong tatangkain na lumabas unless ako ang nagbukas, maliwanag?" Agad na napatango ako kahit hindi ko siya maintindihan dahil sa kaba.

Lumapit siya bahagya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"I know you're scared. Walang mang yayaring masama sa'yo, i promise."-Sungit

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa takot. Seing him this way, na parang sasabak siya sa laban at ayaw niya akong masaktan makes my heart flatter. And for no reason, i admire him for that.

--

[Charles]

I didn't know that this day would come sooner than i expected. I know after this incident kailangan ko nang sabihin sa kanya kung sino at kung ano talaga ako.

I don't want her to judge my identity. Not all mafias are cruel and that bad. Well oo pumapatay kami pero Watson's are different from the other organisations. We don't kill without reasons.

Our underground society are illegal. We kill. But other than that, we save. Yes, we help those people na nahohostage ng mas malalaking underground group kagaya namin. Mafias. In our society they called us the Amity. Mafia Amity.

I'm Married To A Mafia Boss [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon