"Angels! Wake up now! Another wonderful day is on the waaay! Come on come on!"
Sigaw ni Angel Ahjumma No. 13, o mas kilala bilang Umma ng lahat ng Angels sa Heaven Scents...
Oo mga anghel...
Totoo ang mga anghel...
Angels are real if you'll just believe...
Si Angel Ahjumma No. 13 o Umma, ang pinaka pinagkakatiwalaan na nakakataas sa lahat.
Siya na lang kasi ang natira sa lahat ng Angel Ahjumma dahil napatalsik ang karamihan sa paghahangad na makuha ang trono ng Panginoon, pinangunahan silang lahat ng galit at inggit.
Ngunit iba si Angel Ahjumma. Medyo matanda na siya ngunit makikita mo pa rin ang kagandahan sa kaniyang mga mata. Siya ang tumayong Nanay na rin ng lahat ng anghel at ang katangi-tanging Anghel na nakakausap ang Maykapal.
"Okay okay baby angels! Magsiupo na kayo~! Magsisimula na ang ating diskusyon para sa araw na ito! May bagong impormasyon na naman kayong malalaman tungkol sa ating tirahan~."
Pag welcome ni Angel Ahjumma sa mga bagong anghel at pumunta sila sa Cloud 9, kung saan dito ang pinakamaganda at payapang bahagi ng Heaven Scents.
"Waaaaa~! Umma! Umma si Angel No. 0616 po! Away niya po ako! Umma~!"
Iyak ni Angel No. 0916 at tawag nito kay Angel Ahjumma.
Agad naman na lumipad si Angel Ahjumma patungo sa dalawang anghel na nag aaway.
"Angel No. 0616! Angel No. 0916! Ano bang pinag aawayan niyo? Tama na yan. Anong unang unang tinuro ko sa inyo? Diba bawal ang mag-away? Dahil 'yan ang pinakaayaw ng Appa niyo?" Saway niya sa mga bata.
Si Appa ay si Panginoong Hesus. Siya na rin ang tumayong tatay sa lahat ng nilalang.
"Pasensya na po Umma. Pasensya na Angel No. 0916. Gusto ko
lang namang makipag laro sayo eh." Pagsosorry naman ni Angel No. 0616."Okay lang yun. Basta sabihin mo nalang sa susunod para makapag laro tayo. Patawad rin Angel No. 0616." At nagyakapan na silang dalawa sign ng kapatawaran at kapayapaan para sa Heaven Scents.
Nagliwanag ang buong paligid. Mas maliwanag kumpara sa dati. Dahil may mga anghel na nagpasabog ng pagmamahal at kapayapaan.
Ganyan sa Heaven Scents...
Nagliliwanag ang paligid kapag may nagawang mabuti ang mga anghel o nakaramdam ito ng pag-ibig...
Dahilan para mapangiti si Angel Ahjumma.
"Ganyan nga mga anak. Ngayon tumuloy na tayo sa Cloud 9 para makapagsimula na tayo."
Nasa gitna na sila ng discussion ng may magtaas ng kamay, siya si Angel No. 1016. Kamamatay niya lang kahapon, at agad na binura ang alaala niya dahil hindi ito masyadong maganda...
Sa Heaven Scents, sa oras na mamatay ka, lahat ng masamang alaala ay binubura at magandang alaala na lamang ang natitira.
At sa kaso ni Angel No. 1016, masama lahat ng alaala niya kaya wala siyang matandaan.
"Umma. Bakit po napakahaba ng pangalan namin? Ano pong pangalan ko? Bakit hindi nalang po yun ang gamitin? Ang haba po kasi ng Angel No. 1016 eh. Pwede po ba naming palitan?" Inosenteng tanong ng bata.
Napangiti na lamang si Angel Ahjumma dahil karaniwan na sa kaniya ang mga tanong na ganun.
At ni isa wala pa siyang sinasagot kung ano ang dahilan bakit ganun ang mga pangalan nila.
YOU ARE READING
Angel No.1195
FantasyWhat if a God's Angel fell in a particular room and broke her wings? And only an act of true love's sacrifice can complete the feathers of the wings? Will it be possible if a beautiful man will sacrifce himself to complete the wings? Or, is he rea...