[[February 14, 20xx]]
“Ano ba! Wag mo nang guluhin, maayos na nga eh! Ang ganda mo na nga oh.” Sita ni Gwyneth sa akin. Naka- v-neckline short sleeves dress sya na color blue na glittery.
I roll my eyes at her,“Wag mo na nga akong lokohin! Alam naman nating lahat na never akong magiging maganda eh.”
Tinignan nya ako ng masama,“Confidence, kulang na kulang ka nun. Ivan naman! Prom na oh, masochist ka pa rin.”
Hihirit pa sana ako, nung biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.
“Oy, Tara na! Bilis!” sigaw ni Ysabelle. Naka-cocktail dress sya na color blue at white na clutch bag.
“Ayos na ba kayo? Naghihintay na yung sundo natin sa baba eh.” Sunod na lumitaw si Iyanla. Naka long-back gown sya na color white and blue.
“Ang tagal nyo naman!” Sigaw sa amin ni Josephine na naka-purple sweetheart cocktail dress.
“Ang ganda nating lahat!!” tuwang-tuwa na sabi ni Ella, na naka-long back gown din, pero glittery black yung kanya.
Inayos ng konti ni Gwy yung buhok ko, at sabay ngumiti,”Ayan! Panigurado ikaw na ang magiging Prom Queen! Ang ganda nya diba, ‘no?” tanong nya sa mga bestfriend namin.
“Hala, ikaw ba talaga yan, Ivan?! Parang hindi!” Sigaw ni Iyanla sa akin.
Tumayo ako, at kinuha ang clutch bag ko,“Ano ba, wala pa nga tayo sa reception ng Prom, nahihiya na ako eh. Iwanan nyo nalang kaya ako dito!?”
Sumimangot silang lahat, at binomba nila ako ng mga protesta, At ‘NOOOO’.
“Okay, fine! Gravity, walang patawad.”
~*~
“Wow! Ivan, ikaw ba yan?!” sigaw ng mga klasmeyts namin nung nakapasok na kami.
“Hindi nyo ako nakilala ‘no? Mas lalo kasi akong pumanget eh, diba?” tanong ko sa kanila.
“Hindi ah. Ang ganda-ganda mo nga eh, no joke.” Sabi ni Tricia.
I smiled at her sheepishly,“Thanks, hindi ko yan ide-decline. I’m currently fishing for compliments.”
“So ano na, ano nang gagawin natin dito? Sayang dress natin oh.” Reklamo ni Josephine.
“Kain nalang muna tayo. Napa-aga tayo ng konti eh,” suggest ni Ella.
“Hay, Ella, Kumakalam na naman siguro yang sikmura mo ‘no?” suwestiyon ni Ysa.
“Oo kaya, palagi naman eh. Tsaka hindi ako nakakain kanina sa sobrang excitement!” sagot nya.
“Hanapin nalang natin si Jairus! “ singit ni Iyanla sa tabi ko. Tapos siniko nya pa ako.
“H-ha? A-ano..?” I absent-mindedly asked them.
They all rolled their eyes at me,“ lumilipad na naman ang utak ni Ivandrea Mercado!” they sing-songed.
“Sorry, may iniisip lang ako.”
“Ano naman? Si Jairus ba?” Nag stand-by kami sa isang table dun.
“H-ha? Uh, oo,” I nod.
“Ba’t ba lagi mo syang inii— UY! SI JAIRUS OHH!” biglang sigaw ni Gwyneth. Tapos tinuro nya yung isang grupo na papasok palang sa hall.
Tama sya. Andun nga si Jairus Adam Sy Lopez.
And he’s really handsome in a three-piece suit.
Halos lahat ng babae naka-titig sa kanya. Yung mga lalake naman, ang talim ng tingin.
BINABASA MO ANG
Moving Closer
Teen FictionIt's all about a girl's dull Prom night that turned out to be one of her beautiful day.