"Woaaaaaaaaaahhh!!Good morning world!" sabi ko ng napakalakas habang nag sstretch pa ako. Ang sarap ng feeling ko pagkagising ko.
Bumangon na ako at humarap na sa full size mirror ko. Ang ganda ganda ko talaga.
"ANAK GISING NA!!!"
Hala! Ayun si mommy sumisigaw na! Umagang umaga.Eto na oh! Gising na gising na ako eh!
"Mommy, I'm already awake!" Ayun sigaw mode on naman din ako.
"Anak! Gicing na! DADATING NA KUYA MO MAMAYA!" Ayy!! Bingi? Bingi ata si mama? Kaloka si mother dear! Di nya ata narinig un major major na sigaw ko.
Pero waits. Ano un sinabi ni mommy?!
SI KUYA DADATING NA PALA FROM KOREA! THAT MEANS DADATING UN PASALUBONG KO!
Divorced kasi ang parents ko at si kuya ay napunta kay daddy. Nagpunta sila daddy sa South Korea, dun kasi sila nag migrate. Okey naman relasyon namin ni kuya, lagi naman kaming nagsskype at paminsan minsan nagbabaksyon sya dito sa pilipinas at ako naman kay daddy nagbabakasyon. Pero this time dito na magaaral si kuya, mas pinili nya dito at buti naman na pumayag si daddy sa gusto ni kuya. May age na naman si kuya para magisip for his own good eh.
So ayun nga, yan un drama namin ni kuya.
Broken family kami with a good relationship.
Bongga diba?
Nasa harap parin ako ng mirror ko nang biglang bumukas un pinto.
"Ay anak! Gicing ka na pala?" Si mama lang pala yon na tumatawa nun nakita nya akong gising. Sino pa nga ba eh wala naman kaming ibang kasama dito. Pero realtak nagulat ako.
"Opo mommy, kanina pa po. Maliligo na nga po ako eh, di nyo po narinig un sigaw ko kanina?" sagot ko naman. Well obvious naman na di nya ako narinig.
"Ayy! Inde anak, sorry ah! Ang lakas kasi ng music ko kanina sa kusina" sagot naman nya habang nag peace sign pa ito sakin.
Kaya naman pala eh! Pa music-music pa kasi si mother! Sosyal nya ah.
"Oh ganun po ba? Sige liligo na po 'ko" sabi ko naman at pumasok na ako sa banyo ng may nakasabit na twalya sa balikat ko.
"Sige. Maligo ka na DJ, at pagkatapos nun, bumaba ka at magalmusal na, ok baby?" sabi nya bago sya bumaba. No ba naman yan! Binebaby pa ako ni mommy.
"Sige po!" sagot ko naman mula sa banyo.
Well, let me introduce myself, I'm Denise Joy Corpuz gaya ng sabi ni mommy, DJ for short. Boyish pero maganda, take note di ako nagbubuhat ng sariling barko, labing walong taon gulang at nagaaral sa Saint Mary University, taking Computer Engineering. And that's all about me.
Natapos na akong maligo at magbihis kaya bumaba na ako at nagdiretso na sa kusina para magalmusal.
"Oh anak! Tara kain ka na, malalate ka pa sa skul eh"
"Yes ma." sabay kiss sa cheeks nya.
Ayun at magaalmusal na ako. Wag nyo kong istorbohin. Kakain na ako.
"Haist salamat at natapos na ang araw na to" Bigla kong nasabi sa sarili ko pagkalabas ko ng banyo dito sa school.
Napaka-stressfull ng araw na to, inferness. Idagdag mo pa un nakakaimbyerna'ng teacher namin sa Physics na si Sir Sheldon. Feeling nya ata kagaya namin sya na napakagenius. Kay hirap naman kasi ng mga pinapaaral nya samin tapos ang bilis pa magsalita. Mahirap syang sundan!
So ayun, lumabas na ako ng CR at naglalakad na akong palabas ng Campus nang bigla kong nakita ang mga nagwawalang mga babae sa may parking lot.
MAY ARTISTNG GWAPO NA BA? PAPASOK NA BA SA SCHOOL NAMIN?
Napatakbo na din ako para makasagap ng gwapong balita.
"Ang gwapo nun lalaki, te!"
"Oo nga girl! Taz nun sumandal na kotse nya! Gravity girl! ANG GWAPO TALAGA!"
"True ka jan te! Laglag panty nun nagsunglass pa sya! Sino kaya hinihintay nya? Swerte nya ah!"
Yan lang naman narinig kong usapan nun dalawang babae na kinikilig habang naglalakad.
Tignan mo 'tong mga to. Malalaglag pa ang panty. Naku ipaayos na nila iyan garter ng panty nila para di na malaglag.
Di ko namalayan na nakalapit na pala ako sa pinag-guguluhan ng mga kababaihan at mga pusong babae na mga estudyante dito at nakita ko na kung sino yan pinagwawalan nila.
Aba walang iba kungdi ang...
"KUYAAAAAAAAAAAAAA!!" Sabay takbo ako sa lalaking gwapo na nakasandal sa kotse at naka sunglass.
YES! Kuya ko pala un pinaguguluhan ng mga ito. Sa gwapo ba naman kasi ng kuya ko 'no. Mana sya sakin eh!
"Oh DJ! Kanina pa kita hinihintay. Ugh. SURPRISE?!" Natawa ako sa huling sinabi ni kuya.
Oo nga at nasurprise ako, di ko nga inexpect na susundin nya ako eh. Napa-hug ako sakanya at rinig ko un mga babaeng nakapalibot samin na ang swerte ko daw kasi ang gwapo ng kuya ko. 'Naks naman!
"Maaga ka atang dumating kuya? Akala ko mamayang gabi ka pa dadating?" tanong ko sakanya habang pinapasok nya ako sa passenger's seat ng kotse nya. Inintay ko syang pumasok sa driver's seat bago nyang sagutin ang tanong ko
"Napaaga eh. Gusto ko sana kayong susurpresahin ni mommy eh" napa aahh nalang ako sa sagot nya.
"Nga pala un pasalubong mo nasa bahay na." Pagkarinig ko ng pasalubong na sinabi ni kuya biglang nag shine shine un mata ko.
"OMG KUYA! UN MGA SIGNED ALBUMS KO NG KPOP GROUPS KO!?" tanong ko naman sakanya.
"Yes, loko kang bata ka. Buti may mga kabigan akong babae dun na mahilig sa mga koreano mo, sakanila ko pinasigned un mga albums mo nuon nagconcert sila" Pag explain nya sakin habang nagkakamot ng ulo.
"EEEHHHH!! SALAMAAT KUYAAAA! THE BEST KA TALAGA! LOVE YOU!" Sabi ko sabay hug ko sakanya.
Sinong spoilded sa kuya nya? Not me.
BINABASA MO ANG
HE is SHE?! [Editing]
Teen FictionNasubukan mo na bang magPANGGAP?? Kung OO!?? Paano na kung may isang tao na haharang sa PUSO mo, at mapilitan kang UMAMIN ?? Pag nalaman nya un TOTOONG ikaw . . . . . . . MATATANGGAP kaya nya? Or Inde...dahil NILOKO mo lang sya?? just keep on readi...