POLAROID
Published: 120713
x x x x x
Excited na excited ka na at paulit-ulit mong tinitingnan yung anim na polaroid na hawak mo. Isa para sa bawat isang member ng EXO-K. SA WAKAS MAKAKAPAGPA-AUTOGRAPH NA RIN AKO SA KANILA. Bulong mo.
Ilang minuto na rin kayong naghihintay sa hotel na pagdadausan ng fansigning. Tiningnan mo yung ibang EXO stan na katabi mo. Narinig mo kasi silang nagkkwentuhan tungkol sa sasaeng fan ni Kyungsoo. Kalat na kalat na kasi ang balita tungkol dun sa fan na laging nagpapadala ng kidnap threats kay D.O....Magtatanong ka sana sa kanila tungkol dun kaya lang nagsimula nang magtilian yung mga tao.
Maya-maya, nakita mong may lumabas na ang EXO-K. Halos mahimatay na sa kasisigaw yung mga katabi mo.
Kahit patay na patay ka sa kanila, hindi ka nakisigaw...napanganga ka kasi puta ang ga-gwapo nila.
Maya-maya isa-isa na silang nagsalita at nagpakilala. May intro intro pa ng kaunti yung hosts bago sila pinaupo. Ang pwesto nila:
SUHO-CHANYEOL-SEHUN-BAEKHYUN-DO-KAI
Tuwang-tuwa ka kasi nasa dulo ang target mo. Save the best for last, ika nga.
Hindi ka mapakali kasi pinapila na kayo nung staff at nagsimula ng magpapirma yung mga nasa unahan mo. Kinakabahan ka kasi ngayon ka lang nakapunta sa ganitong event at nakakastar-struck sila, lalo na ang UB mo.
Hindi mo na inalis yung tingin mo kay Kai hanggang sa umusad na ng umusad ang pila. Lalo kang kinabahan habang papalapit ka sa kanya.
Hanggang sa makapapirma ka na sa unang apat na members. Isa na lang, tapos si Kai na omg.
Nang matapos pirmahan ni D.O. yung polaroid niya...umusad na ulit yung pila. Ito na. Ready ka nang makaharap ang ultimate bias mo. Handang handa na ang puso't kaluluwa mo...
Kaya lang bago ka pa makarating sa dulo ng table...
BIGLANG NAGDILIM ANG PALIGID.
"Aray ko, yung paa ko!"
"Wala akong makita!
"Bakit namatay yung ilaw?"
"Andito na siya!"
"Yung sasaeng!"
"Shit hanapin niyo si Kyungsoo!"