Isang mainit na araw ngayon dito sa Abu Dhabi, ito ay isang kwento na mag mumula sa pinas makalipas ang dalawang buwan simula ng aking pag-alis. Nilisan ko ang bayang mahal upang mag bakasyon sa thailand ng pitong araw para icelebrate ang aking kaarawan at putang ina nakarating ako sa middle east. Naka plano na ito matagal na panahon na bago pa man ako mag trabaho sa paliparan. oo tama ang basa nyo sa paliparan ano ako doon eh. Runway ung noo ko kasi malapad, HAHA hindi po joke lang operations ako doon kung tatanungin nyo duties and function ko marami wag na isa isahin baka mahirapan lang kayo umunawa. Oo alam ko sasabihin ng iba try me. Wag na sayang oras hindi naman tayo mag fofocus doon mag fofocus tayo sa mga bagay bagay na relevant sa istorya kagaya ng mga nagugustuhan ko pero hindi ko maligawan at hanggang tingin na lang. kasi naman tang ina ni kupido eh di naman asintado. So ako nga pala si Enzo parang kumpleto Enzo Concepcion Patawaran, Originated and aming apilyido sa Ilocos norte bandang pagudpud, Pero sa totoo lang igan hindi pa ako nakakarating kahit isang beses doon. Isa lang akong simpleng mamayanan sa bansang pilipinas na nangangarap umasenso ngunit walang ginagawa. Typical na pinoy diba po? Paano ko ba ilalarawan ang sarili ko medyo may katangkaran ako hindi naman kagwapuhan pero pede ng pag tiyagaan masasabi kong badboy look hindi matangos ang ilong ko kagaya ng prince charming na iniisip ninyo, bilugan ang mata feeling ko ito ang asset ko. naka retainer graduate na kasi ako sa braces at hindi ko na kayang i maintain, dumating kasi ako sa puntong ubos na ang money ko bitches. Lagi akong naka long sleeves kasi tinatago ko ang mga tattoo ko, siguro kasi dumating ako sa punto ng buhay mami rockers ako. Then naisip ko siyet mag tratrabaho ako at ang pagiging rockers can't help you to pay bills. Pero grumaduate ako ng college sa kursong Malayang Sining sa Larangan ng Ingles. Pero ayaw ko mag English sa totoo lang feeling ko ito ung pinaka Easy step noong nag aaral pa ko upang maging agent. Well Call center agent eh hindi ko pala gusto at napag tanto ko na aanhin mo ang malaking sweldo kung puyat ka naman palagi. Well sa trabaho ko sa paliparan pang gabi din naman ako pero ang kinaganda noon eh napakaluwag ng ginagalawan ko, Gawa ng report mag matyag, sumagot sa mga tanong, mag assist typical na trabaho at isa pinaka maganda doon eh ang patay na oras kasi na assign ako sa pinakaunang terminal at ang patay na oras doon eh ang pag sapit ng 0200-0330 ang pag sasara at pag bubukas ng runway ng ating paliparan, Ngunit nabago ang lahat! Papaano? nung ang aking pinaka boss ay mag decision na ilipat ako ng section. Ouch!!!! Ang sabi ko ilalayo mo ko kila Jc, JSL, at marami pang iba ilalayo mo ko sa mga agents na kahit sa tingin lang okay na ko ung tipong nakakapag pabuhay ng dugo. Ung sasabihin mo nakikita mo yan? mapapasakin yan... "Pag pogi na ko" Ung mga ganoong banat? Gets mo yun. pero ayun na nga nalipat ako mahigit anim na buwan din akong nag tagal dito sa huling position na aking hinawakan hindi dog style ito ah. Basta masaya magulo pero masaya kahit papano nakikita ko pa din si Jc, si JSL basta nakikita ko pa din sila pero madalas hindi ko sila ma greet kasi haggard na ko eh ang init kaya don try mo ilabas ka ng airport. Dito ko nakilala ung last girlfriend ko na tumagal ng sampung araw pero hindi sya kasama sa League ng 3ex's may 4months din kaming nag harutan sinagot nya ako nung andito na ako sa middle east. TANG INA DIBA?? pero ang pag ibig ko sa kanya ay platonic walang halong kung ano. Akalain mo diba? Medyo malibog akong tao eh aminado naman ako doon, pero hindi ko sya pinag planuhan ng masama. Oo na sige na tama na kayo pinag planuhan ko pero hindi ko tinuloy kasi mahal ko sya, oo nga pala may sabit sya. In terms na sabit alam nyo na yon... Pero it didn't stop me so what nung una kasi gusto ko laro laro lang nahulog ako sa sarili kong laro. napasakay naman sya pero since isip bata sya at ako eh isip bata din at pretending maging mature edi wow, nag clash hindi maganda ang kinahitnan. Nag tapos ang lahat sa di inaasahang panahon at pag kakatoon. Pero i'm always glad na natapos para ma i embrace ko na ang middle east. Well miss ko na nga ang pinas dami akong pinangakuan pakakasalan e, mag coconvert na nga ako ng islam para lahat sila mapakasalan ko joke lang. I am a one woman man. pero ang istorya na ito ay hindi mag lalaro sa isang babae lamang. Excited ka naba? Ako din eh buong buo na sa utak ko ung story at handang handa ko na syang ikwento sa inyo in full detail. Pero tatakamin ko muna kayo kahit konting saglit pa please tyagain nyo lang muna basahin. Kagaya nyo din ako nasaktan nag mahal, umiyak pero hindi ako nag kilay kumain at medyo nag pataba lang. Mga bagay na pinag sisihan ko kahit papano well parang hindi naman kain pa din naman ako ng kain eh. So ang mga pangarap ko sya sana ngayon eh tag ko naba? Kasamahan ni crush dati eh gumanda bigla sa paningin ko eh saka si 9 saka dumami sila eh para akong bata kaso mga hindi ko makukuha kung hindi taken, Busy, kung hindi busy smart sya globe ako, ayaw ko sa friends nya, ayaw sakin ng friends nya, Hindi match ang horoscope namin, Saka trip lang nya mga lalaking naka iphone (May pag ka bitch eh) nga pala hihingi ako ng pasensya sa pag gamit sa mga words ni sir ramon bautista kung nabasa nyo na ung bakit hindi ka crush ng crush mo edi wow. kung hindi pa bumili ka wag ka manghiram tang ina mo. instant plugging pa no? I nag tataka ako bakit biglang nag italic? Pero malapit na tayo mag simula sisimulan ko na eh...
Paalis na ako ng bansa at dumadalas na ang absent ko kasi pa resign na din ako habang nililinis ko ang lumang tamarraw FX ko na nakuha ko mula sa aking ninong sa murang halaga walang aircon pero pinaayos ko taga ilocos kami pero laking laguna ako (So pag may nabasa kang eh!) punto namin yon pasensya na. Napag isip isip ko ano ba magandang gawin susuweldo pa naman ako ngayong 8 pede naman ako mag file ng SL. Para pag balik ko sa paliparan aalis na lang ako feeling ko sweswelduhin ko nasa 7k lang sapat na siguro ung 3k doon sa gas kung mag lalayag ako ng feelings ko papunta sa malayo. Biglang nag ring ang aking telepono.
0915*******Calling
Ui unknown number sino kaya to? sa aking pag kasagot. narinig ko ang boses ng tita ko.
O ante bakit>
Narinig ko paalis ka na daw.
Oo nga ante eh aalis nga sana din ako ngayon mag pre-vacation na ko.
Aba ganoon ba? Bakit hindi ka dito mag punta saatin may kalayuan lang pero wala kang gagastusin sa pag-kain bahay at ano ako ang bahala sayo at mag dala ka ng mga kaibigan mo.
Talaga ba ante? Sige malaman ninyo ang sagot ko mamaya. Ingat po bye.
Sige iho bye.
Agad akong nag isip ano ba? kakagatin ko ba ito? o idagdag ko na lang ang sweswelduhin ko na sa naipon ko sa mahigit 8months na ipon ko na sweldo. Well kung alam mo lang kung ilang masarap na pag kain ang tiniis kong di kainin para maipon yon. kung ilang pangunguripot ang aking ginawa, kung ilang babae ang tiniis kong hindi idate o ilabas ng sine para lang makapag ipon at ilang bente lang ang dinukot ko sa inuman para lang malasing. well kung kaya mong isipin yon. Brava...
Agad akong nag isip ng aking maaaya. naisip kong tawagan ang aking barkada mga sampu yoon.
Ang aking tinanong tol pede kayo monday roadtrip? Ambagan lang sa gas at toll fee libre na lahat.
ang mga alibi ay ang mga sumusnod
Di ako pede tol may work"San ba yan tol? Malayo di ako papayagan ni mama"Pede sana ako kaso wala akong maiimbag sa toll at gas"Busy ako tol may date kami nung mga chicks ko.
halos pare-pareho sila ng mga putang inang dahilan osige sabi ko sa sarili ko, kung ayaw nyo di wag nyo. humithit ako ng yosi habang nag iisp sino ba ang mayaya ko.
Marimba ringtone.
Opps parang kilala ko ito.
Manang's Calling............
Ui manong kamusta kana?
Eto manang ok lang kung sasabihin kong pogi pa din alam ko naman maniniwala ka.
Tang ina mo talaga. ui may kwento ako sayo.
Ano yun?
Kaka resign ko lang sa ABS haha free lance ako ulit.
Talaga? Ui alam mo may pinaplano akong roadtrip papuntang ilocos sama mo si Macky
Talaga? Ok lang sayo isama ko sya? Haha anong nakain mo pano ka makaka iscore?
Nako naman hindi na uso yun. + Pede naman ako umiscore pag nakatulog na sya haha saka mag dadala din ako ng partner (Palaisipan nakapagbitaw ako nito shet kailangan ko mag sama ng partner)
Sige kakausapin ko sya baka pumayag. See you soon ung tayong dalawa lang marami akong ikwekwento sayo basta alam mo na yun. MK
Sige din manang ingat ka MK.
MK stands for mahal kita/miss kita. so maiba na lang pano ba ito? Paano ko malulusutan to nakapag bitiw ako na mag sasama ako haha. pero kailangan ko papala i confirm kay ante. Itetext ko na lang siya. Nga pala si manang ay alaga ko matanda ako sa kanya ng 1year nakilala ko sya noong nasa clanster pako puberty shit, niligawan ko sya ng paputol putol at ilang beses din nya akong binusted kasi nga globe ako smart sya parang ganoon. We have a lot of things in common medyo pareho kami ng field of interest interms of sex. Open sya sakin open din ako sa kanya. ang pangalan nya pala eh Gee Ramos. search mo sa facebook? Sige hanapin mo. Hehe, Ikwento ko na ba ang love story namin? Sige sa susunod na kabanata.
BINABASA MO ANG
Road trip with 3 Ex's
AventuraAng storyang magulo ang kinapupuntahan pero maganda ang kinahinatnan, sinabi ko sayo magulo... handa ka nabang pumasok sa mundo ko? pasensya na at medyo magulo at minsan ay masalimuot ang pag gamit ko ng mga pananalita at minsan ay nakakalimutan kon...