"Maligayang pagbabalik Prinsepe Ryuuki at Heneral Clyde, Lord Ayuki at Captain Yuuna." Bati sa kanya at sa kanyang kasamahan ng mga guard sa labas ng palasyo. Tumango lang sya sa mga ito at hinarap ang kanyang grupo.
"Magpahinga na kayo at ako na ang bahala sa pagreport sa mahal na hari. Ayuki pakihatid 'yan sa silid ng mga kakaibang bagay." Tumuwid ang mga ito ng tayo at lagay sa kanang braso sa kanilang dibdib bilang saludo bago umalis. Tinahak naman nya ang silid-tanggapan ng kanyang ama para sa kanyang pag-uulat. Napahinto sya ng hakbang ng makasalubong nya sa pasilyo ang babaeng minamahal si Prinsesa Nuri Latilde. Huminto ito sa paglalakad at hinarap sya.
"Ryuuki..salamat at nakabalik ka-I mean kayo ng ligtas". Nakangiting bati nito sa kanya.
Hindi parin kumukupas ang nararamdman nya para dito. Ganoon parin ang bilis ng tibok ng puso nya at tanging ito lamang ang nakakagawa nito sa kanya pero alam nya hind kahit kalian hindi ito magiging kanya.
"Salamat sa pag-aalala Prinsess Nuri kung 'andito ka sigurado akong 'andito ang kuya ko?" tanong nya dito. Mas mabuting hindi nito malaman ang nararamdaman nya para dito magkakagulo lamang. Mas pinili nyang maging pormal na pakitunguhanito para hindi nito malaman ang lihim nyang pagtangi.
"Tama ka nga 'andito si Zen nasa loob at kausap ang inyong ama. May pinag-uusapan sila tungkol sa aming kahariaan na hindi magtatagal ay pamumunoan ng kuya mo." Pagbabalita nito sa kanya.
Tama kayo ng nalaman. Ang kuya nya na fiancé nito ang magiging hari sa kaharian ni Nuri pagnaikasal na ang mga ito sa susunod na buwan. Namatay na ang ama nito pero bago pumanaw si Haring Selo ay naipagkasundo nito si Nuri sa kanyang kapatid dahil ito ang napipisil ng hari na maging Hari ng kaharian nito dahil alam nito na mapapabuti ang kaharian at si Nuri sa kanyang kuya kaysa mapunta sa mga gahaman ng kamag-anak ang trono. Mapro-protektahan ng kanyang kuya si Nuri. Minsan na yang nakausap ang ama nito nong nabubuhay pa ito pero hindi pumayag ang ama nito na sakanya mapunta si Nuri dahil alam nito na ang mahal ni Nuri ay ang kanyang kuya. Kaya't kahit masakit sakanya ay nagpaubaya na lamang sya dahil mahal din nman nya ang kanyang kuya pati na si Nuri kaya mas pinili nya ang kasiyahan ng mga ito.
Sabay silang tumingin sa pinto ng bigla itong bumukas at lumabas ang kanyang kapatid. Ngumiti ito ng Makita silang dalawa. Lumapit ito kay Nuri ipinulupot ang kamay sa baywang nito bago hinalikan sa pisngi ang babae at humarap sa kanya.
"kamusta kana little brother?" masayang pangangamusta nito sa kanya. Tinitigan nya ang kanyang kuya Zen. Pula ang buhok nito na may highlights na dilaw mayroon itong blue na mata na may kislap ng kasiyahan. Mapula at manipis na labi. Anim na talampakan at dalawang pulgada na taas(6'2) ay may katamtaman na pangangatawan. Sa kabuoan napakagwapo nito kaya hindi na sya magtataka kung bakit ito nagustuhan ni Nuri.
"Ayos lang ako Zen, Kamusta ang pinag-usapan ninyo ni Ama?" seryosong tanong nya dito. Nakita nya ang biglang pagbabago ng kislap ng mga mata nito naging mapusyaw na pula nawala din ang mga ngiti nito at naging seryoso.
"haaay...!, tungkol sa mga kakaibang nilalang na biglang nagsulpotan sa hilagang bahagi ng kaharian ng Ronan (kaharian ni Nuri). Ayon sa isa ko'ng tauhan na aking ipinadala doon ngayon lang sila nakakita ng ganoon'g itsura at ganoong kalakas na nilalang." Sabay buntonghininga nito.
"Ganoon ba?, tungkol din doon ang aking iuulat kay Ama." Dahil sa aking nabanggit bigla itong nagkaroon ng interes at humiwalay ng bahagya sa kanyang kasintahan.
"Nuri, maari ba?-" tanong nito sa dalaga. Naintindihan din naman ni Nuri at nagpaalam sa kanilang dalawa bago umalis.
"Halika na Ryu, nasa loob si Ama nais ko sanang makisali sa inyong pag-uusap." Tumango lang sya dito at sabay na silang pumasok sa silid tanggapan. Nadatnan nila ang kanilang ama na nakaupo sa upuan nito. Alam na nito na di-diretso sya dito pagdating na pagkadating nya buhat sa paglalakbay.
BINABASA MO ANG
Old blood
FantasyFirst ever story sa vampire genre mayroon syang twist nakakaiba dahil galing sa dream ko sana'y magustuhan ninyo.. hindi po me kagalingan na writer sana maapreciate nyo parin..