Bagong lipat ng boarding house si Hana at Rosy. Magaapply kasi sila ng trabaho sa Maynila bilang katulong. Galing pa silang Iloilo.
Dalawa ang kama sa kuwarto nila. Habang inaayos nila ang kanilang mga gamit ay may napansin si Hana sa ilalim ng kanyang kama.
"Tingnan mo ito oh. May nakita ako sa ilalim ng kama ko." sabi ni Hana hawak-hawak ang lumang notebook na may pangalang "Diary" sa harapan.
Tinabihan ni Rosy si Hana. "Diary? Kanino kaya yan? Basahin mo. Hahaha"
Binasa ni Hana ang unang pahina ng diary.
"Property of Mary Bentaflor. February 1, Ngayong araw may nakita akong bagong sapatos sa aking kama.""AAAAAAH!!!"
Biglang nagsisigaw ang dalawa sa kinauupuan nang nahulog ang isang pares ng Nike shoes sa kanilang kama. Tumingala sila sa kisame pero wala naman itong butas na pwedeng pagkahulugan ng kung sino man ang nasa taas."Hala! Baka ito na ang sagot sa ating kahirapan. Pinagpapala tayo dahil sa mga sakripisyong tiniis natin sa buhay." nasasabik na sabi ni Rosy. "Basahin mo pa."
"February 1 parin" pagpapatuloy ni Hana sa pagbasa. "May bagong cellphone na nalaglag naman ngayon sa kama ko."
May nalaglag naman na iphone7 ngayon. Nagtinginan ang dalawa at tumalon sa tuwa.
"Dabest! Hiramin ko muna ito at magseselfie lang ako sa banyo!" bulalas ni Rosy.
Habang naliligo si Rosy ay patuloy paring binabasa ni Hana ang diary.
Paglabas niya sa cr ay napasigaw ito nang bumungad sa kanyang harapan ang nakabitay at duguang kaibigan sa kisame. Madami na ang mga alahas at mga pera na nakakalat sa kanilang sahig.
"Hana ano ang nangyari sayo?" sabi ng kaibigan habang umiiyak.
Nakita ni Rosy ang diary na nakasara at nakapatong sa kama ni Hana. Nakabukas ito sa unang pahina na may nakasulat na "Property of Hana Castillo"
Sa halip na tumawag ng tulong ay sinubukan munang pulutin ni Rosy ang mga nakakalat na pera. Ngunit nagulantang siya nang may humawak sa kanyang kanang braso. Mainit pa ang dugo sa kamay nang nakahawak sa kanya. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya ito magawa. Parang napilipit ang lalamunan nito sa takot nang nakita ang kanyang kaibigan na nakatabi na sa kanya ngayon. Nanlalaki ang mga duguang mata nito at galit na galit na nakatingin sa kanya. Inagaw niya ang iPhone kay Rosy at parang hinila itong bumalik sa kisame.
"PROPERTY OF HANA CASTILLO!! AKIN ITO LAHAT!!" malakas na pagsabi niya habang nakabitay.
Gumapang paatras si Rosy at sa kanyang pagkurap ay nawala na ang kaibigan sa kisame. Wala na din ang mga kayamanang nakakalat kanina maliban lang sa diary na natatanaw niya sa ilalim ng kama ni Hana.
BINABASA MO ANG
Mary's Diary
HorrorMary's Diary ay isang maikling kuwento tungkol sa dalawang babae na nakakita ng lumang diary sa ilalim ng kanilang kama.