"CUT! Okay, let's continue this tomorrow." - sabi ni RapMon kaya umupo na kami. Nagsho-shoot kasi kami para sa PT namin na ipapasa next week.
"Hazel!"- ano nanaman bang kailangan ne'tong si Jungkook? Kanina pa kasi niya 'ko kinukulit e.
"Uy Hazel, sumama ka kasi samin sa Sabado! Sama mo rin yung bestfriends mo."
"Eh saan ba? Di mo naman sinasabi sakin kung saan e"
"Secret."
"Hindi ako sasama pagka hindi mo sinabi sakin kung saan." - sabi ko, 'ba, malay ko ba kung saang lugar yung tinutukoy niya tapos gusto pa niya isama sila bestie.
"Fine, I'll tell you what will happen on Saturday, but I'm not going to tell where we are going. Okay?" - well sige, magkakaron rin naman ako ng clue kung saan kapag nalaman ko na kung anong mangyayari o gagawin sa Sabado eh.
Oh, let me introduce myself to you.
I'm Hazel Choi, 15, and I'm currently studying at Lee High University. Lahat kaming magbe-bestfriend ay full-korean.
"Hazel, tara punta tayong canteen. Let's eat" - pagyaya sakin ni Tricia. Pero..diba may sasabihin pa sakin si Jungkook?
"Pero --"
"Wala ng pero-pero! Tara na, gutom na'ko eh!" - sabi ni Sophia at hinila ako pa-tayo. Pansin ko lang wala sila Lia, nasan kaya sila?
"Sophia, asan sila Lia?" - tanong ko, nakita ko lang yun kanina eh, tapos biglang nawala.
"Ah, nauna na sa canteen." - what?! Nauna sila?! Aba, iniwan ako! Pagdating namin sa canteen, agad kong nakita sila Lia. Nandun sila nakaupo sa may dulo, kaya pinuntahan namin sila doon at umupo na.
"Teka, sobra ata yung mga upuan?" - sabi ni Vanessa, ay di ba nila alam na sasabay sila Jungkook?
"Oo nga, tara lipat natin dun sa ibang table." - sabi ni Sophia at tumayo silang lahat, maliban sakin.
"Wait! Wag niyo ilipat yung mga upuan!" - sabi ko na ikinagulat nila.
"At bakit naman?"
"Ah..eh.. sasabay daw sila Jungkook sa'tin." - sabi ko kaya natigilan silang lahat. Tapos umupo sila, at seryosong tumingin sakin. Uh what's wrong?
"AYYIEEEE~!"
"Ba't nanaman?!" - tanong ko, bakit sila nag-ayiehan?
"Yiee crush niya si Jungkook!" - sabay - sabay ulit nilang sabi kaya... uh ano bang tamang term para sa nararamdaman ko?
"Ay speaking of Jungkook, ayan na sila!" - sabi ni Ashley, kaya back-to-normal kami, baka mapaghalataan e. Haha.
Umupo na sila at magkatabi sila Jungkook at Jenny. Biglang tumayo si Jenny at tumingin sakin, I just gave her a 'what' look.
"Oy Hazel palit nga tayo, dyan ako, dito ka" - sabi niya kaya nasamid silang lahat, except for me and Jungkook. Pinilit ako ni Jenny na tumayo at pina-upo ako sa tabi ni Jungkook, kung kaya't lalo silang nag-ubuhan. Alam ko na ibig sabihin ne'to.
"Uh guys, bibili lang ako ng inumin ah." - sabi ni Lia at naglakad paalis sa table namin.
"Samahan ko lang si Lia ah." - sabi ni Jimin at sinundan na si Lia. Haha kinikilig ako sa dalawang 'to e.
"Ay, ako rin. Nauuhaw nako e." - sabi ni Tricia, tapos sinundan naman siya ni J-hope.
Si RapMon, sinundan si Jenny.
Si V, sinundan si Vanessa.
Si Jin, sinundan si Ashley.
And lastly, si Suga, sinundan si Sophia.
BINABASA MO ANG
Unexpected (One shot | BTS' Jungkook Fanfic)
RandomFormer title is 'Scripted Love' This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead...