Chapter 2

15 3 0
                                    

Mikee's POV

" Daaaad ! " sigaw ko sa daddy ko pagkapasok ko sa hacienda namin. Natagpuan ko si daddy sa sala habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

" mikee ! Oh god ! I miss you anak ! " salubong sa akin ng daddy ko. Sabay yakap sa akin.

" i miss you too dad. Akyat muna ko sa taas ah ? May jetlag pa ko eh. " sabi ko at umakyat na.

" oh ? Okay. You should. " sabi ni dad. Habang kakaupo lang sa couch galing sa pagyakap sa akin. At saka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Haaaay. Kapagod bumyahe. Kagagaling ko lang states para sana magbakasyon at dito ko na din balak ipagpatuloy ang pag aaral ko tutal dito naman naka base si daddy.

Anyways ang mama ko naman ang sabi naaksidente daw at ayun dun daw namatay. Bata pa lang daw ako mula ng mangyari ung aksidente na yun, siguro 5yrs old pa lang daw ako nun. Yun lang sinabi ni daddy sa akin napapansin ko rin habang sinasabi niya sa akin ung nangyari kay mama teary eyed pa sya nun, kaya pati ako naluluha. Haha. I'm such a cry baby you know ?

So far ayos naman ang buhay ko. May kaya kame and yes aaminin ko na spoiled ako kay daddy pero hindi naman ako tulad ng iba na nagpupunta ng mall lagi or sa mga bar. Kapag niyaya ng friends pwede saka minsan lang naman. Hang out lang talaga ganun. Hindi rin naman kasi ako mahilig lumabas pwera na lang kung ang pupuntahan ay puro chibugan. Ung tipong kaen dito lamon don. Ganun. Haha. Buti na lang hindi ako tumataba. Sexy kaya ako. Saka Maganda pa. Magandang maganda. Hangin no ? Haha. Well... totoo naman. Tried and tested na yan ng daddy ko. Haha.

Pagka akyat ko sa kwarto ko ay agad akong humilata at dinama ang napaka lamig na aircon ng room ko. "Grr." nanginginig ako sa lamigg. Haha. Pano ba naman kasi tinalo pa ng aircon ung lamig sa america. Charot lang. Iba pa rin kasi ang lamig ng natural na klima anu. Habang nakahilata ay tinanggal ko ang boots ko gamit ang mga paa ko. Ang itsura ng kwarto ko ? Hmm. Queen size na kama. Dark blue ang theme ng kwarto ko na hinaluan ng puti. Magmula sa kurtina na tatlo. Dalawang blue sa magkabila at isang puti sa gitna. My bedsheet is white and ang comforter naman ay dark blue. Pillows ? White. Sa mga aparador ko naman ganun din white ang kulay na may touch of blue. Mahilig ako sa kahit na anong outfit depende sa mood ko. Kung gusto kong simple lang, isang t-shirt na may print ni stitch or ni spongebob papartneran ng jeans at sneakers ayos na. Kapag medyo formal naman, dress saka sandals lang ganun. Then konting accessories. pulbo at lip tint ayos na saka ibabagsak ang straight ko na buhok na kulot sa dulo.

Ang itsura ba kamo ng hacienda ? Ang theme nito ay dirty white na may touch ng pagka brown. Malaki syempre. May 6 na kwarto. Sa anim na kwarto ang dalawa dun ay guest room. Ang hagdan ay nasa sentro at ang magkabilaang side ay dun ang mga kwarto na hinati sa tatlo. Kaya tatlo sa kanan at ganun din sa kaliwa. Kung aakyat ka ay nasa sentro rin nito ang napakalaking orasan. Kulay kahoy ang hagdan. Parang ung hagdan sa Titanic. Haha. Ganun.

Sa panahong ito, isang malaking fan ako ng Jack at Rose. Pati kung anong nagyari kila Leonardo Di Caprio at Kate Winslet after ng movie. Haha. Pati behind the scenes nun pinanood ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap na namatay si jack doon. Iyak ako ng iyak ng pinanood ko un. Pero may aral akong natutunan doon, na Hindi porket mahal nyo ang isa't isa ay kayo na hanggang huli.

Nandun pa rin ang panahong paglalaruan ka ng Tadhana. Minsan ipararamdam nya lang niya sayo ang saya at pakiramdam ng may taong nagmamahal sayo at kapag nasanay ka na, saka naman babawiin sayo ang lahat. Ganun kadaya ang tadhana. Malupit itong maglaro. Kaya kung ako ang paglalaruan niya ay siguradong sigurado akong hindi ako magpapatalo hanggang sa huling hininga ko.

Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi ko napansing mag gagabi na pala. Grabe ang tagal ko palang naka tengga dito sa loob ng kwarto. Iba talaga kapag nagkakaroon ka ng time para sa sarili mo. Naiisip mo lahat ng maaaring mangyari o pupwedeng mangyari sa buhay mo.

Rica calling...

" yes rica ? Anyare bakit ka napatawag ? " sabi ko sakanya pagkasagot ko sa telepono habang nakahiga sa kama.

" grabe anyare talaga agad ang tanong te ? " sagot nya sa kabilang linya.

" oo, sa tono pa lang ng pananalita mo halatang may problema ka na eh. " sagot ko.

" ganun ? Haha. Anyways, Oo may problema ang lola mo. Tara bar ? " sagot ni rica.

" hmm. Kay. What time ? " tanong ko.

" 9pm sharp. **** bar " sabi sa linya.

" okay. Gotta go. Mag aayos pa ko. Wear your best girl. " sabi ko habang patayo na ng kama.

" okay. " sabi nya saka ko pinutol ang linya.

Tumayo na ko at nag ayos. Naligo ako at pagkatapos ay naglakad ng hubo't hubad sa kwarto ko. Who cares ? Ako lang naman mag isa dito. Nagsuot ako ng undies saka strapless na bra. Umupo sa harap ng salamin at nag ayos. Pinatuyo ang buhok gamit ang blower saka nag plantsa. Gusto ko medyo wild ang dating. Haha. Binagsak ko lang sya. Then put my make up on. Dark eye shadow. Red lipstick. Nagsuot ng fit na dress na hanggang itaas lang na tuhod. Take note color red din. Haha. Accessories then pabango. Good to go. Magpapa alam nga muna pala ko kay daddy. Papayagan naman ako nun sigurado.

Paglabas ko ng kwarto ay bumaba ako sa hagdan at tinignan ang sala. Wala si dad ? Baka nasa mini office nya.

Ganun nga ang ginawa ko. Pumunta ko sa mini office para tignan sya. At nakita ko sya doon kaso nga lang may ka meeting ata.

" yes Ms. Torres. I would love to-." naputol ung sasabihin ni daddy ng pumasok ako. Mukhang may importante silang pinag uusapan.

" ahm. Can i disturbe you guys for a while ? " tanong ko. Mukha kasing magkakapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nilabsa isa't isa.

" s-sure sure. " sabi ni Ms. Torres habang inilalayo ang mukha kay daddy.

Tinignan ko silang dalawa na halos mamula na. Wtf ? Nag coconfess ata si daddy mukhang naabala ko. Maganda ung babae, siguro kasing edad lang ni dad. Mukhang sopistikada pero mahinhin ung dating. Hindi naman ako nagrereklamo kahit magkaroon ng bago si dad. Tutal matagal naman na yun mula ng mawala ang mommy ko.

" is there any problem mikee bakit ka napapunta dito ? " daddy while clearing his throat. At namumula rin na lumayo kay Ms. Torres

" ah. Hmm. Yes daddy. Gusto ko sanang magpaalam dahil niyaya ako ni rica na mag bar ? " tanong ko habang inaalis ang titig sakanila.

" hmm. Sige. Basta hanggat kaya mong makauwi ng maaga umuwi ka. Okay ? "

" yes dad. Thank you. " sabi ko kay daddy pagkatapos humalik sa cheeks nya. Ganun din ang ginawa ko sa babae para lalo silang asarin.

" bye tita... " sabi ko. At sabay nanaman silang namula. Haha. Akala mo mga teenager eh.

At lumabas na nga ko ng office ni dad. Lumabas na rin ako ng hacienda at naghanap ng masasakyang taxi. Halata ba ? Oo hindi ako marunong mag drive. Anyways, nakahanap na ko ng taxi at sinabi kay manong ang *** bar at sumibad na kami paalis.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon