Back to December

10 0 0
                                    

This was only a one-chaptered story. Which means short story lang po ito.

Listen to "Back to December" by Taylor Swift twice para dama. ;)

**

"Wishing I'd realized what I had when you were mine.."

Yung kantang yan..Yan yung madalas kong kantahin kasi tuwing kinakanta ko yan at nababanggit ko ang linyang yan,naaalala kita. Naaalala ko yung mga pinagsamahan natin. Yung mga memories,lahat nang panahong kasama kita. Masaya man o malungkot,Nakakatawa man o nakakaiyak..

Yung maging parte ka ng buhay ko,isang napakalaking biyaya na nun ni God sakin. :) At ngayon,binigyan mo ako ng pagkakataon para makausap kita. Kamusta na?Kwentuhan mo naman ako about sa family mo oh. Di na kita nakakausap nang matagal..

Uhm medyo nag-improve ka. Lalong gumwapo,siguro tahimik at nakakatawa ka pa rin hanggang ngayon. Pero guess what,siguro busy ka pa ring tao..

Nung huli mo kong makita,kitang kita ko sa mga mata mo na bakas pa rin ang nakaraan. Ganun din naman sakin,di ko yun makakalimutan. Sino ba namang di makakalimot sa mahiwagang nakaraan?Para nga sakin,kayamanan ang nakaraan na yun eh..Pero alam kong nagtatanong ka pa rin dyan ngayon sa isipan mo..

Pero bakit ikaw yung bumitaw??

Yun siguro tanong mo 'no..

Kasalukuyan kang nasa harap ko,nakikinig lang sa mga sinasabi ko. Uhm,kasi ba naman,one month na ang nakakalipas simula nung bumitaw ako. Nung,iniwan kita.

Nung nagbreak tayo..

Alalang-alala ko pa nung una tayong magkita..Buwan ng Setyembre nun..Nung nakita mo kong umiiyak sa ilalim ng puno. Tumabi ka pa nga sakin tsaka inabutan mo ko ng panyo. Nagjoke at nagpatawa ka pa sakin na para bang close tayo. Sinabi ko naman sayo nun kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak..Kasi,namatay yung hamster ko. Haha.

Nakakatawa lang,ang babaw ng dahilan ko para umiyak. At nandun ka sa tabi ko,para pagaanin ang loob ko. Dahil nga hindi tayo magkaklase nun,tumunog yung bell nang hindi mo lang man nasasabi sakin ang pangalan mo..Umalis tayo sa punong yun nang masaya.

Nagkaroon ng program nun at nagperform ako..Kumanta ako sa harap ng maraming tao. At dun nakita kita. Todo palakpak ka pa nga sakin e. Para bang sa bawat linyang sinasabi ng kanta ko,ay sayo ko lang idenededicate.

Matapos ang ilang oras,recess nun nang makita kong sinusuntok ka ng mga gwapong mukhang bully na mga lalaki..

I shoved them. I've been braved just to protect you. Iyon lang naman ang maibibigay ko sayo sa kabila ng pagpapasaya mo sakin..Nakita kong may pasa ka sa bandang labi mo..

Di naman ako magtataka kung bakit ka nabubully. Kasi nakatransparent eyeglasses ka,nakaJose Rizal haircut,pero pogi at maputi ka. Isa kang gwapong nerd. At siguradong mayaman ka rin,kasi exclusive school yung pinapasukan natin.

Nagpasalamat ka sakin..At nung araw na yun,sinabi mo sakin ang pangalan mo. Nagulat ka naman nang sabihin ko ang pangalan ko. Kasi di mo inakala,na yung dating tinitignan mo sa facebook,na sikat,napakaganda,at flawless na dalaga ay nasa harapan mo na pala. Yung isang artista.. At niligtas ka pa. Ang superhero ng dating 'no?Pero panandalian lang yun,kasi tumunog na naman yung bell..

Naging magkaclose tayo..Siguro masabi ko pang magbestfriends. Naaalala mo pa ba yun?Yung mga kaguluhan natin..Yung time na may pinapagtawanan tayo kung sino tuwing recess,at minsan,sa bahay nyo ako gumagawa ng assignments ko..

Pag napapagalitan ako ng sino mang teachers,imbes ng malungkot ako o umiyak,natatawa pa ko kasi alam kong kapag kwinento ko sayo na napagalitan ako,siguradong matatawa ka..Mas lalo akong nagpursigi sa pag-aaral nang dahil sayo. Ikaw yung naging inspirasyon ko..Kaso minsan,di ko maintindihan,kung bakit lagi kang seryoso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to DecemberWhere stories live. Discover now